Hirap na hirap akong pakalmahin si Summer kanina. Halos hindi na sya tumigil sa kaiiyak. Kinabahan pa nga ako dahil sunod-sunod ang paghikbi nya at halos hindi na makahinga. Kumalma lang sya nang sabihin kong umalis na ang ama nya.
Alam kong na-trauma sya dahil sa nakita nya. Simula kanina ay hindi na talaga sya bumitiw ng yakap sa akin. Takot na takot sya. Hindi nya dapat nakita ang ginawa sa akin ni Helios. I know that scene will haunt her for life.
Panay ang tanong sa akin ng mag-asawang Gallagher kung anong nangyari kanina. Sinabi ko na lang na nagtatalo kami ni Helios at naabutan kami ni Summer ng ganoon. Sinabi kong ayaw ni Summer na may nang-aaway sa akin kaya umiyak ito. Mabuti naman at naniwala sila.
Magkatabi kami ngayon ni Summer sa kama. Nakaunan sya sa dibdib ko at nakayakap sa bewang ko. Kumakanta ako habang sinusuklay ng kamay ko ang buhok nya. Hinehele ko sya kanina pa pero nanatili lang syang gising.
Natatakot tuloy ako na baka mapuyat sya lalo pa at may pasok sya bukas.
"Does he always hurt you, Mommy?" sa wakas ay tanong ni Summer. Hindi pa kasi ito nagsasalita kanina pa.
Napabuntong-hininga ako sa tanong nya. Ibig sabihin ay hindi talaga naalis sa isip ng anak ko ang nakita nya. At hindi ko alam ang gagawin ko para makalimutan nya iyon.
I just want her to stay like an innocent kid. I want her to enjoy her childhood life.
"No..." pagsisinungaling ko sa tanong nya. Nag-angat sya ng tingin sa akin at sumimangot.
"You're lying."
"Am not." depensa ko.
Hindi naman sa pinagtatanggol ko si Helios. Ayoko lang na nagtatanim ng galit sa puso ang anak ko. Lalo pa at ang bata-bata pa nya. Hindi maganda kung makakaramdam sya ng galit sa puso sa edad nyang ito.
"I hate him."
"Baby..."
"Sana hindi na lang sya ang naging Daddy ko."
"Summer Frost!" pagsaway ko sa kanya. Hindi talaga maganda ang naidulot ng nakita nya kanina. "Baby, that's bad. He's still your father."
"I don't need a daddy. Enough ka na for me sa akin, Mommy."
Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang hindi gagana ang paliwanag ko ngayon kung sariwa pa sa utak nya ang nangyari kanina. Baka kapag nagpumilit ako ay mas lalo lang syang hindi makatulog. I'll just talk to her tomorrow.
Kinantahan ko na lang ulit sya para ihele sya.
Ang totoo nyan ay gusto ko nang umalis sa bahay na 'to. Gusto kong maulit ang mga panahon na kami lang dalawa ni Summer ang magkasama. Pero alam kong malabo nang mangyari iyon. Dahil sa oras na umalis kami ay hahanapin din naman kami ni Helios.
Kaya nyang baliktarin ang mundo para lang mahanap kami at kunin si Summer sa akin. Kaya hangga't kaya ko ay magtitiis ako. Para lang sa anak ko.
Nang masiguro kong tulog na si Summer ay saka lang ako bumangon at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Naubos kasi yata ang tubig ko sa katawan sa kaiiyak ko kanina. Nang madaanan ko ang kwarto ni Helios ay mukhang walang tao doon. Sobrang tahimik kasi. Pero wala naman akong pakialam sa kanya kaya dumeretso na ako.
Madilim na ang buong bahay nang makababa ako sa kusina. Tulog na siguro ang lahat. Halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig sa sobrang uhaw ko. Kaya pala sinisinok na din ako kanina.
Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas noon. Nakita ko si Helios na kararating lang siguro. Naka-blue longsleeve polo ito at bukas ang unang dalawang butones noon. He's holding his coat and his hair looks disheveled.
Dahan-dahan akong umatras pero huli na dahil nakita nya ako. Nagmamadali ako sa pag-alis sa kusina at aakyat na sana ng hagdan pero pinigilan nya ng kamay ko. Agad akong kinabahan at nagpumiglas sa pagkakahawak nya.
"Hey... Shh... I won't hurt you." marahan nyang sabi at nakita kong namumungay ang mga mata nya.
"Are you drunk?" wala sa sarili kong tanong.
"Yeah..." sabi nya at naamoy ko nga ang alak sa kanya.
Nakita kong bumaba ang tingin nya sa leeg ko. Tinitigan nya iyon ng ilang segundo bago umangat ang kamay nya. Napapikit ako dahil ang akala ko ay sasaktan na naman nya ako pero naramdaman kong hinahaplos nya ang parte ng leeg ko kung saan nagmarka ang kamay nya gawa ng pagsakal nya sa akin kanina.
"Does it hurt?" tanong nya pa pero nag-iwas lang ako ng tingin.
Ano sa palagay nya? Hindi masakit? Eh, nakita nya na ngang may pasa tapos magtatanong pa sya?
Nataranta ako nang unti-unting lumapit ang mukha nya sa akin. Sinubukan kong lumayo sa kanya pero hinapit nya palapit ang bewang ko. His head went down to my neck and he started planting small kisses there. Pipigilan ko na sana nang magsalita sya.
"I'm sorry .."
Na-estatwa naman daw ako doon. Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Yung boss ko nagsosorry sa akin? Ang taong 'to nagsosorry sa akin? Imposible. "I'm sorry." ulit nya at nawindang na talaga ako. Hindi ko inaaasahan na maririnig ko sa kanya ang mga katagang iyon.
The devil in a business suit is saying sorry to me? Gusto kong matawa.
Tinulak ko sya at nagawa ko naman. "Lasing ka lang." sabi ko at tinalikuran sya. Nakaka-isang hakbang pa lang ako paakyat ng hagdan nang may marinig akong kumalabog. Paglingon ko ay nakita ko si Helios na nakahiga na sa sahig.
"Help me up." sabi pa sa akin ng demonyo. Iiwan ko na sana pero baka maalala nya 'to kinabukasan at saktan na naman ako. Wala akong nagawa kundi ang tulungan syang tumayo at alalayan sya paakyat ng hagdan.
Halos mapamura ako sa bigat nya. Ang tangkad din naman kasi ng lalaking 'to tapos magpapaalalay sa akin? Ang sarap ihulog sa hagdan.
"Walanghiya kang lalaki ka. Ihulog kita dyan eh." sabi kong hinihingal nang makarating kami sa taas. Pareho kaming napasandal sa pader.
He let out a sexy laugh and then he pinned me to the wall.
Bumalik ang kaba ko. Naalala ko ang nangyari kanina nang malakas nya akong isinandal sa pader. Masakit pa din ang likod ko at baka hindi ko na makaya kung sasaktan pa nya ulit ako.
But instead, he softly caressed my cheeks. His rough hands felt so good against my skin. Idinikit nya rin ang noo nya sa noo ko.
What the hell is happening with this devil?
"Do you hate me?" tanong nya and I can smell his manly breath mixed with alcohol. Pinigilan ko ang mapapikit.
Gaga ka, Zuri. Baka nakakalimutan mong sinaktan ka lang naman nyan kanina.
"Do you hate me?" ulit nya at tumango na ako.
"Yes."
Mga ilang segundo syang hindi nagsalita bago ko sya nakitang ngumiti. He gave me a genuine smile.
"Don't worry, babaguhin natin yan." sabi nya bago ako hinalikan sa noo at naglakad na sya papasok ng kwarto nya.
Ako naman ay naiwang nakatayo doon at nakatanga. Hindi makapaniwala sa nangyari. Bumabait pala ito kapag nakainom ng alak?
Matatandaan pa kaya nya bukas ang nangyari ngayon?