CHAPTER 49

1 0 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na napahagulgol. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga. Ramdam ko din ang sobrang panginginig ng buong katawan ko.

I looked at my hands at hinanap ang dugo doon. Nang makitang malinis ang mga kamay ko ay mas lalo lang akong napahagulgol. I tried to calm myself down pero muling pumasok ang eksenang iyon sa utak ko.

Me, hugging the body of Helios. Lifeless and full of blood.

"Oh god.. Oh god.. No." I muttered at muling bumuhos ang mga luha ko. Sunod sunod na ang paghikbi ko at hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko. Napasabunot ako sa buhok ko gamit ang mga nanginginig kong mga kamay.

It's no use. I can't calm down.

Nang hindi ko na makayanan ay mabilis akong tumayo at kinuha ang robe ng nightgown ko. Isinuot ko iyon bago ko kinuha ang susi ng kotse ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Tahimik ang buong mansyon namin at alam kong tulog pa ang lahat. Hindi ko alam kung anong oras na. Siguro ay madaling araw pa lang. Palagi akong nagigising ng ganitong oras dahil binabangungot ako.

Nang makalabas ako ng mansyon ay kaagad akong nilamig dahil sa hanging amihan. I was just wearing my nightgown with a robe, I'm not even wearing any slippers but I don't care. I need to see him. I need to confirm that it was just a nightmare.

It was just a nightmare, right?

Sumakay ako ng kotse ko at mabilis na nagmaneho papunta sa condo unit ni Helios dito sa New York. Patuloy pa din sa pagbuhos ang mga luha ko at paulit ulit akong humihikbi. Sumasakit na ang ulo ko dahil doon pero hindi ko na iyon pinansin. Todo todo ang pagdadasal ko na sana nga ay masamang panaginip lang ang lahat.

Hindi ko na maayos na nai-park ang kotse ko at kaagad na bumaba nang makarating ako sa building kung saan nandoon ang condo unit ni Helios. Kaagad akong lumapit sa receptionist at nagtanong kung anong unit number ang pagmamay ari ni Helios.

"Are you a tenant here, Ma'am?" tanong sa akin ng receptionist at umiling ako.

"No. I.. I j-just need to see him, please."

"I'm sorry, Ma'am, but we can't give information to non-tenants."

Muling bumuhos ang mga luha ko. Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at marahas na sinuklay ang buhok ko sa sobrang frustration. I can just call him. I can just call Helios and ask him kung anong unit number nya pero natatakot ako. Natatakot akong baka hindi nya sagutin ang tawag ko at mas lumakas pa ang hinala ko na hindi lang panaginip ang lahat.

"Please, Miss. I need to see him and check if he's okay. Please, let me see him." nagmamakaawa kong sabi sa receptionist. Tinakpan ko ng isang kamay ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

"Are you okay, Ma'am? I think you should go to the hospital." sabi ng receptionist at sumulyap sa guard na nandoon pero umiling iling ako.

"I need to see Helios Gallagher. Please, miss. Tell him it's Zuri Fitzgerald. Please. I'm begging you."

Ilang sandali akong tinitigan ng babae. Hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko. Siguro ay naawa sa akin ang babae dahil bumuntong hininga ito bago kinuha ang telepono na nandoon at may tinawagan.

"I'm sorry to disturb you at this hour, Mr. Gallagher. But a woman named Zuri Fitzgerald is here in the lobby. She said she wants to see you." nakinig ng ilang sandali ang babae bago sumulyap sa akin. "Alright, Mr. Gallagher. I'll tell her that." binaba ng babae ang telepono at binalingan ako. "Just sit there and wait for Mr. Gallagher, Ma'am."

HTBDWhere stories live. Discover now