Halos hindi na humiwalay sa akin si Helios nang malaman nya ang nangyari sa mall. Palagi lang syang nakatabi sa amin ni Summer at hindi talaga sya pumapayag na umalis kami nang hindi sya kasama. Kahit sarili kong lakad ay kasama pa rin sya. Nagrereklamo na nga si Creed kay Helios na ano pa daw bang silbi nya at palagi ko na rin namang kasama ang boss ko.
"Mommy, I'm excited to go to school na ulit." sabi sa akin ni Summer habang nakadapa sya sa kama at kinukulayan ang coloring book.
Napangiti ako. 'Yung ibang mga bata kasi ay ayaw nang pumasok ulit pero sya ay kahit isang beses ay hindi man lang tinamad sa pagpasok. Excited pa nga syang pumasok sa school araw-araw.
"Don't worry, baby. We'll go to your new school tomorrow. I'll enroll you to your class." I said habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko.
"Will Daddy go with us?" she asked hopefully. Napangiti ako.
"Of course, baby." she said "yay" at muling bumalik sa pagkukulay.
Hindi ko pa nasasabi kay Helios na enrollment na ni Summer bukas at kailangan kong pumunta ng school. Pero panigurado namang sasama sya kapag sinabi ko iyon. Lalo pa at kaming dalawa ni Summer ang kailangang pumunta ng school.
Iniwan ko muna saglit si Summer sa kwarto namin para hanapin si Helios at sabihin sa kanya na kailangan kong umalis bukas. Baka kasi makalimutan ko kung mamaya pa. Hinanap ko sya sa kwarto nya pero wala sya doon. Bumaba ako at nakita ko sya sa may sala na kausap si Hunter at parang seryoso ang pinag-uusapan nila base sa ekspresiyon ng mga mukha nila.
Si Hunter ang unang nakakita sa akin dahil nakatalikod sa gawi ko si Helios. He jerked his head towards my direction kaya napatingin na sa akin si Helios. Hinintay nila na makababa ako at makalapit sa kanila. Helios immediately wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him.
"Just keep your eye on him, Hunter." seryosong sabi ni Helios at wala naman akong naintindihan sa pinag-uusapan nila.
Hunter nodded and put his smirk again. "So where is she?" tanong nya at tamad na napabuntong-hininga si Helios.
"In the pool area."
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Hunter sa sinabing iyon ni Helios at agad syang umalis para pumunta sa pool area. Natanawan ko na papalapit sya kay Artemis na nakaupo sa gilid ng pool. Nang makita ni Artemis si Hunter ay padabog itong tumayo at naglakad sa salungat na direksyon pero sumunod pa din naman si Hunter sa kanya.
Narinig ko na muling napabuntong-hininga si Helios sa tabi ko kaya tumingin ako sa kanya."Anong pinag-usapan nyo ni Hunter?" I asked.
Noong una ay nakatitig lang sya sa akin. Para bang pinag-iisipan nya kung sasabihin ba sa akin ang pinag-usapan nila ni Hunter o hindi. Naisip ko tuloy na sana ay hindi na lang ako nagtanong.I don't know. But it feels like Helios is hiding so many secrets.
He sighed again. "I told Hunter to keep an eye on Vander. So we could know if he's planning something."
"And?" I asked. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nya sa akin ang pinag-usapan nila.
"Hunter said that he's not doing anything suspicious as of now. But still, we shouldn't let our guard down."
Tumango ako sa sinabi nya at niyakap ko na rin ang bewang nya. Sa ginawa kong iyon ay mas hinigpitan nya ang pagkakakapit sa akin.
Masyadong magulo ang simula namin ni Helios. Pareho naming nasaktan ang isa't-isa. May nasaktan din kaming ibang tao. Ang akala ko ay maaayos na ang lahat kapag pinatawad at minahal ko sya pero hindi pa pala.
Nagulo ang nagiging maayos na buhay namin nang dumating si Vander. At natatakot ako sa maaring gawin nya. Nasaktan namin ni Helios si Carmilla na pinsan ni Vander. Baka totoo nga na may plano syang maghiganti. At natatakot ako.