"YOU ARE ALL STUPID!"
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig na naman ang pagsigaw na iyon ng boss ko. Kay aga-aga ay nakasigaw na naman. Oh, well. Ano pa nga bang bago? Oras-oras ko yatang naririnig ang pagsigaw ng boss ko kapag nandito ako sa trabaho.
Ayos lang naman sa akin. Basta ba ay hindi ako 'yung nasisigawan.
"YOU ARE ALL FIRED! GET OUT! NOW!"
Wala pang isang segundo ay nakita ko ang paglabas ng dalawang lalaki at isang babae sa opisina ng boss ko. Laglag ang mga balikat nilang lahat. Ang dalawang lalaki ay kaagad na dumiretso sa elevator samantalang ang babae ay malungkot na napatingin sa akin.
"Demonyo talaga si Mr. Gallagher! 'Di man lang naawa! Mabuti at nakakatagal ka dito?"
Nginitian ko na lang sya at hindi na sumagot.
Mabuti naman at umalis na din sya at sumakay ng elevator.
Mag-iisang taon na din kasi ako bilang secretary ni Mr. Helios Gallagher. Ako nga lang daw ang nakatagal bilang secretary nya. 'Yung mga dating secretaries daw kasi ay hindi man lang uma-abot ng isang buwan.
I am working at Gallagher Empire as the CEO's secretary. Madaming trabaho ang nakalaan sa akin lalo pa at ako ang kanang kamay ng CEO. Marami kasing negosyo ang nasa ilalim ng kompanyang ito. Mula sa shipping airlines, condominiums, malls, supermarket at amusement park.
I admit na hindi naging madali ang pagiging secretary ng isang Helios Gallagher. Gusto nya kasi ay perfect ang lahat. Wala syang dapat makitaan ng flaws sa gawa mo. At kapag perfect ang gawa ay hindi sya maninigaw. At first it was hard but eventually, nasanay na din ako.
Kinuha ko ang flashdrive at ilang mga papeles sa ibabaw ng table ko. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto ng office ng boss ko. Hindi pa man sya nakakasagot ay binuksan ko na ang pinto at pumasok.
"WHAT?!" Bulyaw nya pagkakita sa akin. I put my stoic face on. Sa araw-araw ba naman na naririnig ko ang sigaw nya ay matatakot pa ba ako?
"Here's the report that you need for your presentation later, boss." Sabi ko at inilapag ang flashdrive sa ibabaw ng table nya. "And here's the hard copy for that report." Ang mga papeles naman ang ibinaba ko sa harapan nya.
Kinuha nya ang papeles at binasa ang ilang mga pahina doon. I held my head high. I'm confident with my work. Perfect at walang flaws.
"How about the presentation for the Canadian investors?"
Napataas ang isang kilay ko sa tanong nya. "I'm still working on that, boss. I thought it's due next week? Do you want me to finish it today?"
Umiling naman sya. "No." He said. Mabuti naman. Kaninang umaga lang nya inutos sa akin na gawin ang report na yun at thru email pa nya sinabi tapos manghihingi agad sya ng update?
"Okay, boss. Is there anything else that you need?" Tanong ko.
"Coffee."
"Okay, boss." Sabi ko bago lumabas at pumunta sa pantry para ipagtimpla ng kape ang boss kong pinaglihi yata sa dragon. I brewed the coffee and put one teaspoon of cream and three teaspoons of sugar at hinalo iyon.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto nang hindi hinihintay ang sagot nya. I put the coffee in front of him.
"Here's your coffee, boss." I said bago tumalikod at aalis na sana pero tinawag nya ako.
"Wait." Lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko syang may kinukuha mula sa drawer ng table nya. Nakita kong isa iyong pulang envelope at iniabot nya sa akin. "Here."