"Mommy, are we going somewhere again?"
Panay ang tanong sa akin ni Summer habang nag-eempake kami. Dadalhin ko na din kasi ang lahat ng mga gamit nya.
"Baby, I told you that we're going to live with your Lola and Daddy from now on, right?"
"Do we really need to live with them, Mommy?" nakangiwing tanong ng anak ko. Mukhang ayaw nya talaga kay Helios. Hindi maganda ang first impression nya sa Daddy nya. Kung sabagay, ako din naman ay ayaw ko sa boss kong 'yon na pinaglihi sa dragon.
Pero hindi dapat nagtatanim ng sama ng loob si Summer sa Daddy nya. Ayokong lumaki syang may galit sa puso. Hindi iyon makabubuti para sa anak ko. Kaya sana ay bumawi si Helios kahit man lang sa anak ko.
Pagkatapos naming mag-empake ay sakto namang pagtunog ng doorbell. Binuksan iyon ni Yaya Tams at sinabing may mga naka- unipormeng lalaki daw sa labas. Iyon na siguro ang maghahatid sa amin papunta sa mansyon ng mga Gallagher.
Sumakay na kami sa kotse kasama si Yaya Tams. Mabuti at pumayag si Mrs. Gallagher na si Yaya Tams na lang ang babysitter ng anak ko. Ayoko kasing kumuha pa kami ng bago at baka manibago pa ang anak ko.
Sobra-sobra ang kaba ko nang makapasok ang kotseng sinasakyan namin sa malaking gate ng mansyon ng mga Gallagher. Hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang mga tao doon. Si Mrs. Gallagher at Helios lang kasi ang madalas kong makita. Samantalang ang iba ay nakikita ko lang kapag may meeting o 'di kaya ay may formal party silang dinadaluhan at imbitado din ako.
"Nandito na po tayo, Ma'am." sabi ng driver at napasinghap ako.
"Summer!" nakita ko ang mag-asawang Gallagher sa may pinto pa lang ng bahay nila. Mabilis na lumapit si Mrs. Gallagher kay Summer at kinarga ito.
"Lola!" ngiting-ngiting sabi ng anak ko na hinalikan pa sa pisngi ang lola nya.
"Is this... Is this my granddaughter?" hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Hades Gallagher. Nakita kong maluha-luha pa ang mga mata nito.
"Zuri, sila na ang magdadala ng mga gamit nyo." sabi sa akin ni Mrs. Gallagher at binalingan si Yaya Tams na tahimik na nakatayo sa tabi ko. "Yaya Tams, go with them. They'll show you to your room."
Nakita kong inilabas ng mga kasambahay ang mga gamit namin sa kotse at ipinasok sa loob ng mansyon. Sumunod naman doon si Yaya Tams. Nang pagbaling ko kay Mrs. Gallagher ay napansin kong buhat na si Summer ng lolo nito.
"Lolo. You have the same eyes as mine!" maligayang sabi ng anak ko.
"Ganoon talaga. Malakas ang genes ko eh." natatawang sagot naman ni Mr. Gallagher kay Summer. Pumasok na sila kaya sumunod na din ako. Nakikita kong welcome kami ni Summer sa bahay na to.
Nakikita kong giliw na giliw ang mag-asawa sa anak ko. Alam kong mamahalin din nila si Summer.
"Oh my gosh! Is that my pamangkin?!"
Napatingin ako nang marinig ko ang sigaw na iyon at nakita ko si Artemis na kasama ang kakambal nitong si Apollo na nakatayo malapit lang sa may pintuan. Parang hinihintay kami.
"Wow!" dinig kong sabi ng anak ko at titig na titig kay Artemis. "You look like a goddess."
"Aww... Thank you." madramang sabi ni Artemis bago ako binalingan. "Your daughter is so honest, Zuri. You raised her well." sabi nya at nagtawanan kaming lahat.
"Hey..." napalingon ako kay Apollo na nasa gilid ko na pala. Niyakap nya ako. "Welcome to Gallagher family, Zuri."
Pagkabitaw nya ay si Artemis naman ang lumapit sa akin at niyakap din ako. "Welcome to our family, Zuri." I felt a lump in my throat kaya lumunok ako. Ang babait nila. Si Summer ang totoong Gallagher at ina nya lang ako pero heto sila at wine-welcome ako.