CHAPTER 20

1 0 0
                                    

Nagising ako na sobrang komportable ng pakiramdam ko. Idagdag pa na magkayakap kami ni Summer at siguro, dahil sa lagi silang magkasama ng ama nya ay naamoy ko na rin si Helios sa kanya. Mas hinigpitan ko ang yakap sa anak ko at napangiti ako.

I heard Summer giggled sa may likuran ko at nawala ang ngiti ko. I opened my eyes and to my horror, I saw Helios looking at me with his electric blue eyes. Nakatukod ang isa nyang kamay sa kama at nakapatong doon ay ulo nya while his other arm snaked around me.

"Good morning." bati nya sa akin na bahagyang nakangiti pa.

Sa sobrang taranta ko ay umusog ako palayo sa kanya at nakalimutan kong may hangganan pala ang kama. Ilang usog pa at napatili ako nang mahulog ako. It made a loud noise na mas ikinatawa ni Summer.

That hurts!

"Holy shit!" dinig kong mura ni Helios bago nagmamadaling umalis sa kama at tinulungan akong makatayo.

I saw Summer laughing like there's no tomorrow. Nakatakip pa ang dalawang kamay nya sa bibig na parang mapipigilan noon ang pagtawa nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Are... Are you okay? May masakit ba sayo? Should I call the doctor?" natatarantang tanong ng boss ko na hindi malaman kung saan ako hahawakan. Umiling ako bago umirap sa kanya.

Parang baliw.

"Good morning, Mommy!" bati pa sa akin ni Summer na parang hindi ako tinawanan kanina.

What a good morning, indeed.

Lumabas na din ng kwarto namin si Helios para makapaghanda kami ni Summer para sa araw na iyon. Binihisan ko na din sya ng uniform nya at pagkalabas namin ng kwarto ay nandoon na ulit si Helios in his business suit na naghihintay sa amin. Sabay-sabay kaming bumaba para mag-almusal.

Improving. Hindi ko sya tinawag na devil in a business suit.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Nawala na ang bigat sa dibdib ko matapos naming mag-usap ni Helios kagabi. Siguro ay tama nga ang ginawa ko. Tama lang na binigyan ko sya ng isa pang pagkakataon.

Pagkarating namin sa hapag ay nagulat ako nang makita kong may pasa sa gilid ng labi si Apollo. Mukhang masakit iyon dahil napapangiwi sya tuwing ibinubuka nya ang bibig nya para kumain. Si Artemis naman ay hindi maipinta ang mukha sa tabi nya.

"What happened?" tanong ko kay Apollo pero si Artemis ang sumagot.

"He did the most stupid thing at nakipag-away sa bar kagabi." pagkatapos ay inirapan nya ang kakambal at nagulat ako nang padarag na ibinaba ni Apollo ang kubyertos sa plato nya.

"At ano? Hayaan kang bastusin ng lalaking yon? He was touching you all over your body kung hindi mo lang alam!"

"I told you to mind your own business!"

"And I told you that man is not good for you! Kita mo ngayon? Niloko ka, diba?"

"Shut up, you jerk!"

"Children, enough!" sigaw ni Mrs. Gallagher na ikinatigil ng dalawa. Kahit ako man ay napatigil na kinailangan ko pang umupo dahil nanginig ang tuhod ko sa sigaw nyang iyon. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag na huwag kayong mag-aaway sa harapan ng pagkain!"

Walang sumubok na magsalita maliban na lang kay Helios na kinakausap si Summer at nakikipagkulitan pa.

Natapos ang pag-aalmusal namin na sobrang tahimik na ngayon lang nangyari simula nang mapatira ako sa mga Gallagher.

"Dapat ba ay hindi na ako nagtanong?" wala sa sarili kong sabi habang nakasakay na kami sa kotse papunta sa school ni Summer. Pakiramdam ko kasi ay ako ang dahilan kung bakit pinagalitan ang magkambal kanina.

"Don't worry about them." sabi ni Helios na sumulyap pa sa akin habang nagmamaneho. "They are always like that. Natigil lang simula nang dumating kayo ni Summer."

Napatitig ako kay Helios. Iyon ang kauna-unahang matinong pag-uusap namin nang hindi kami nag-aaway.

"Mommy, Mommy!" tawag sa akin ni Summer mula sa backseat at lumapit pa talaga sa upuan ko kaya pinaayos ko sya ng upo. "We only have two weeks sa school and after that, summer vacation na! And summer vacation means my birthday!" masaya nyang sabi at pareho kaming napangiti ni Helios.

"What do you want to do on your birthday, Princess?" tanong pa ni Helios na nakatingin sa repleksyon ni Summer sa rearview mirror ng sasakyan.

"Can we go to E.K. please? I want to go to E.K. with my Mommy and Daddy!"

Nung last time kasi ay kami lang dalawa ni Summer ang nagpunta sa Enchanted Kingdom. Kahit bata pa lang sya noon ay nakikita ko ang inggit nya sa mga batang kumpleto ang pamilyang namamasyal doon. Kaya siguro ay gusto nyang pumunta ulit na kumpleto kami.

Nang makarating kami ni Helios sa Gallagher Empire ay agad kong kinalas ang seatbelt ko at bubuksan na sana ang pintuan ng kotse when he said "wait." Nagtaka naman ako nang bumaba sya. Pero mabilis syang umikot ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you." sabi ko gamit ang maliit na boses at hindi ko alam kung narinig nya iyon."Hindi ako makakasabay ng lunch sayo." sabi nya na ikinagulat ko. Oh? Sabay pala kami? Bakit hindi ko alam? "Pero magpapadala ako ng lunch mo and you should eat it this time."

Mukhang pumasok lang sya sa opisina nya para kuhain ang ilang papeles na kailangan nya para sa meeting nya. Hindi nya na ako pinasama sa meeting nyang iyon dahil sandali lang daw. Ako naman ay hindi na nagreklamo dahil pabor din naman sa akin iyon.

Halos wala akong magawa sa mga oras na wala sya. Naghanap pa nga ako ng gagawin dahil baka may nakaligtaan ako pero talagang wala. Ni-review ko na lang tuloy ang schedule ng boss kong pinaglihi sa dragon para sa mga susunod na araw nang tumunog ang cellphone ko.

"Hi, Zuri." bati ni Aaron sa kabilang linya.

"Aaron, napatawag ka?" tanong ko dahil bihira na lang kasi nya akong tawagan simula nang magkatrabaho sya.

"Yayayain sana kita sa birthday ko. Kung okay lang? Labas tayo?"

Agad akong pumayag dahil saktong day off ko din ng araw na iyon. At saka, namimiss ko na din na makasama silang dalawa ni Jenica.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang nagdeliver ng pagkain ko. Iyon na siguro ang pinadeliver ni Helios. Itinabi ko na muna iyon para linisin ang table kong nagulo nang maghanap ako ng pwedeng gawin kanina.

Saktong magsisimula na sana akong kumain nang bumalik ang boss ko. Agad syang tumigil sa tapat ko at ako naman ay nakaisip ng kalokohan.

"Walang lason 'to?" tanong ko pa sa kanya. Noong una ay nagulat sya pero agad iyon napalitan ng inis.

"Bloody hell. Of course wala!" sagot nyang naiinis at pinigilan ko ang mapangiti. Mukha kasing gusto nya akong bugahan ng apoy pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.

"Hindi ko malalaman kung hindi mo titikman lahat. Ikaw muna ang unang tumikim." sabi ko at iniabot pa sa kanya ang tinidor.

He muttered "seriously?" pero kinuha din naman sa akin ang tinidor at mabilis na tinikman ang mga putaheng nandoon. Pagkatapos ay pabalibag nyang inilapag ang tinidor sa harapan ko.

"There! Happy?!" inis nyang tanong pagkalunok ng pagkain sa bibig nya. Sinimangutan ko sya.

"Galit ka?" tanong ko pa at mabilis na lumambot ang ekspresiyon nya sa mukha. Malalim syang bumuntong-hininga na parang inaalis ang inis sa katawan.

"No. Of course not. Kumain ka na lang dyan." sabi nya bago ako mabilis na tinalikuran at pumasok sa loob opisina nya.

Mukhang pinipigilan nya rin ang magalit para makalimutan ko ang nangyari dati. Ano kaya kung sadyain kong ubusin ang pasensya nya?

Will he break his promise?

HTBDWhere stories live. Discover now