Nagising akong wala na si Helios sa tabi ni Summer. Simula kasi nang gabing iyon ay palagi na din sya sa kwarto namin at magkakatabi kaming natutulog. Para bang isa kaming masayang pamilya kapag ganoon.
Bumangon ako at narinig ko na parang may ingay sa baba. Maingat akong lumabas ng kwarto dahil tulog pa ang anak ko at bumaba na.
Nagulat ako nang makita ko ang mga kasambahay na nakasilip sa bintana at parang may pinapanood.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa isa sa kanila dahil ayoko namang lumabas basta-basta. Baka mamaya ay kung ano pang maabutan ko sa labas.
"Naku, Ma'am. Yung ex-boyfriend po ni Ma'am Artemis 'eh nasa labas. Ayun, pinagtutulungan nina Sir Helios at Sir Apollo."
Narinig ko na nag-break na nga sina Artemis at ang boyfriend nya. Kaya pumunta sa bar si Artemis isang gabi para magpakalasing at doon naabutan sya ni Apollo sa dance floor na may kung sinong lalaki ang kasayaw at kung ano-anong kalaswaan ang ginagawa sa katawan ni Artemis na ikinagalit ni Apollo. Kaya napaaway ang lalaki ng gabing iyon.
Nagpasalamat ako sa kasambahay na pinagtanungan ko at agad na lumabas ng bahay at kahit na sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang ingay nila.
"Diba sinabi ko na sayong huwag ka nang magpapakita sa kapatid kong hinayupak ka!" dinig kong galit na galit na sabi ni Apollo habang kinukwelyuhan ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang ex-boyfriend ni Artemis. Sa tabi nya ay si Helios na nakatayo lang.
"Apollo! Please, huwag mo syang sasaktan." umiiyak na sabi ni Artemis at lumapit sa kanila pero pinigilan sya ni Helios.
"Pumasok ka na sa loob, Artemis." malamig na sabi ni Helios sa kapatid. Nilapitan ko Artemis na tumayo na lang sa isang tabi at umiyak nang umiyak.
"Zuri..." niyakap nya ako at umiyak sya nang umiyak sa balikat ko. Hinagod ko ang likod nya. "Zuri. . Stop my brothers, please. They'll kill him. They will kill Joshua!" naawa naman ako sa kanya. Halata pa rin kasi na mahal ni Artemis ang ex nya.
"Please..." dinig kong sabi ni Joshua kay Apollo. "Just let me talk to her. Hindi totoo ang lahat ng 'yon. Hindi—"
"I don't care." putol ni Helios sa sinasabi ni Joshua at halos manlamig ako sa tono ng boses nya. "Nasaktan mo pa din ang kapatid ko. You can't hurt a Gallagher and just simply walk away."
Napasinghap ako nang maglabas ng baril ang boss ko at ikinasa iyon bago itinutok sa ulo ni Joshua. Nanginig ang buong katawan ko at nararamdaman kong kinakapos ako ng hininga.
No. Natatakot ako. Natatakot ako.
"Kuya! Don't! Please, 'wag nyo syang sasaktan." patuloy za pag-iyak ni Artemis sa tabi ko. Ako naman ay hindi na talaga makagalaw sa sobrang panginginig ng katawan ko sa takot.
I already know that Helios is ruthless pero ngayon ko lang nakita ang side nyang ito na parang walang-wala lang sa kanya ang pumatay para maiganti ang kapatid. And I'm scared. Bumalik na naman ang pagkatakot ko sa kanya.
Napalingon sa gawi namin si Apollo at nanlaki ang mga mata nya nang makitang nandoon din ako. May sinabi sya kay Helios kaya agad din syang napalingon sa amin at mukhang nagulat din nang makita ako.
"Shit." he cursed at mabilis na ibinigay ang baril kay Apollo. "Ikaw na ang pumatay dyan kung gusto mo. I can't let Zuri see me like this."
Agad syang lumapit sa akin at nang makita kong hahawakan nya ako ay napaatras ako. Hindi ko sinasadya pero kusang umatras ang mga paa ko. Nakita ko ang takot sa mga mata nya dahil sa ginawa ko.
"Shh... It's okay. I won't hurt you." marahang sabi nya habang paunti-unting lumalapit sa akin.
Ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko pero tuwing nakikita ko sya ay mas nadadagdagan ang kaba ko. Naaalala ko lang ang dati. Ang mga mata nyang galit na galit sa akin habang sinasaktan nya ako noon. Kaya pumikit ako ng mariin at inalala ang pangako nya.