"Welcome to The Coffee Club- Oh, Zuri! Ikaw pala 'yan!"
Napatigil ako sa pagpasok dahil imbes na si Jenica ang makita ko sa coffee shop nila ay ang pinsan nyang si Aaron ang bumati sa akin.
"Aaron? Bakit ikaw ang nandito? Nasaan si Jenica?" tanong ko at luminga-linga sa paligid pero bukod sa dalawang customer at sa amin ni Aaron ay wala nang ibang tao ang nandoon.
"Ah. Papasok din 'yon maya-maya. May pinuntahan lang saglit. So, anong sa atin?" tanong nya pagkalapit ko sa counter kung saan sya nakatayo. Sinabi ko ang orders ko. "Sige na. Umupo ka na. Ako na lang ang magdadala nito sayo." I said my thanks at umupo na sa may gilid kung saan ako laging pume-pwesto.
Balak ko sanang humingi ng payo kay Jenica kung anong gagawin ko. Habang lumilipas kasi ang mga araw ay nakikita ko ang laki ng pinagbago ni Helios. Kahit na sinabi kong huwag na syang bumawi sa akin ay ginagawa pa din nya. Kung minsan pa nga ay tinutulungan pa sya ni Summer para lang mapa-oo ako sa gustong gawin ng mag-ama.
Tapos sabi ni Summer girl power daw. Nakakapagtampo.
Inilapag ni Aaron ang coffee at cake na in-order ko sa harapan ko. Pagkatapos ay tinalikod nya ang upuan at doon umupo habang ang mga braso ay nakatukod sa sandalan ng upuan.
Nailang ako nang mga ilang minutong nakatitig sa akin si Aaron. Hindi ko tuloy magawang kainin ang cake sa harapan ko. Naalala ko noong college ay sinabi sa akin ni Jenica na may gusto daw sa akin ang pinsan nyang 'to. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon. Kaya lang, kapag gumagawa na ng 'moves' sa akin si Aaron ay tinatawan ko na lang. Parang kapatid lang kasi ang turing ko sa kanya. Nang ma-realize ni Aaron na wala syang pag-asa sa akin ay tumigil din ito sa pagpaparamdam.
"Hindi ko alam na tumutulong ka pala sa shop ng pinsan mo." sabi ko na lang para mawala ang pagkailang ko.
"May bayad 'to, 'no?" sabi nya at napatawa ako. "Buti nga kapag nagpapatulong sya ay saktong free time ko."
Isa kasing professional photographer si Aaron. Kaya nagkakaroon sya ng oras kapag wala syang shoot or event na pupuntahan. Malaki ang sinasahod nya kaya kahit na madalas na wala itong trabaho ay may ipon na din ito. Idagdag pa na binata si Aaron at hanggang ngayon ay wala pang girlfriend.
Tinitigan ko si Aaron. Malaki ang pinagkaiba nila ni Helios. Si Aaron ay carefree at happy-go-lucky guy samantalang si Helios ay seryoso sa buhay. Aaron is kind while Helios is ruthless.
Kung binigyan ko kaya ng pagkakataon si Aaron na manligaw sa akin noon, I wonder kung anong magiging buhay ko?
Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya. Nakita ko na lang na pulang-pula na ang buong mukha ni Aaron at umabot pa iyon hanggang sa tenga nya.
"B-bakit ka nakatitig?" nauutal na tanong nya. Naalala ko tuloy noong mga college students pa kami ay sobra syang nauutal habang kausap ako at hindi pa makatingin ng deretso sa akin. Kagaya ngayon.
"Anong masasabi mo sa mga lalaking sinasaktan ang babae physically?" tanong ko dahil ayokong isipin na may gusto pa din sa akin si Aaron hanggang ngayon.
"Mga walang bayag." deretsong sabi nya at naibuga ko ang kapeng iniinom ko. Tawa naman sya ng tawa sa naging reaksiyon ko.
"Hinay-hinay naman." sabi ko matapos punasan ang lamesa.
"Eh kasi, totoo naman. Mas malakas ang mga lalaki physically compared sa mga babae. At sa sa oras na pagbuhatan ng kamay ng lalaki ang babae, it will damage her not only physically, but also the emotional and mental state of the girl. Kaya wala talagang balls ang mga lalaking nanakit ng babae. Mga hindi tunay na lalaki lang ang mga yun."