CHAPTER 45

1 0 0
                                    

Nagising ako sa pakiramdam na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Pinilit kong bumangon kahit na para talagang sasabog ang ulo ko. Nang medyo mawala ang sakit ay napatingin ako sa paligid.

Hindi ko alam kung nasaang lugar kami. Parang abandunadong pagawaan ng mga sasakyan dahil may nakita akong iilang kinakalawang na sira sirang kotse ang nandoon. Nasa gitna kami, nakaupo sa lupa at nakatali ang dalawang kamay at paa ko.

Pilit kong inalala ang nangyari. Sumakay kami ng kotse ni Summer. Pagkatapos ay nakita ko ang pamilyar na mga mata ng driver kahit pa nakatakip ito ng face mask sa bibig. Nang magsalita sya ay nakumpirma ko ang hinala ko kung sino sya.

Si Vander.

May ini-spray sya sa aircon ng sasakyan at dahil doon kaya namanhid ang buong katawan ko at nakatulog. At paggising namin ay nandito na kami.

Isa lang ang nasisiguro ko. Dinakip kami ni Vander. Kung ano mang gagawin nya sa amin ay hindi ko alam.

Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang mahinang paghikbi ni Summer. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko kahit gustong gusto ko na ding umiyak sa sobrang takot para sa anak ko. Kailangan ay hindi ako pangunahan ng takot ngayon para makapag isip ng maayos para sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung may dadating na tulong. Ang inaasahan ko na lang ay si Aaron na alam ang plate number ng ginamit na taxi ni Vander. Sana ay malaman nya agad na nasa masamang kalagayan kami ng anak ko.

God. This is my fault. This is my fault. Kasalanan ko 'to. Bakit pa kasi umalis kami ng mansyon? Inilagay ko sa kapahamakan ang buhay ng anak ko.

Please. Kahit ang anak ko na lang ang mailigtas. Kahit huwag na ako. Ang anak ko na lang.

"Gising na pala ang mag ina!"

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Vander na palapit sa pwesto namin. May kasama syang tatlong lalaki na mukhang hindi rin gagawa ng mabuti. Agad akong lumapit kay Summer na tahimik lang na umiiyak at mukhang takot na takot.

"Vander, please. Pakawalan mo na kami." nanginginig ang boses na sabi ko.

Awang awa ako para sa anak ko. Hindi nya dapat nararanasan ang mga 'to. Sobra kong sinisisi ang sarili ko kung bakit kami nandito ngayon. Kung hindi sana ako nagpadalos dalos sa mga desisyon ko ay hindi sana mangyayari 'to.

Tumawa si Vander nang makalapit sa amin at umupo sa harap namin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya kahit na tumatawa pa sya.

"You think I'm stupid?! Sa tingin mo papakawalan ko pa kayo ngayon?!" hindi ko na napigilan ang mapaiyak nang maglabas sya ng swiss knife at itinutok sa mga mata ko. "Papahirapan ko muna kayong mag ina bago ko kayo papatayin, Fitzgerald."

Mas lalong lumakas ang pag iyak ni Summer dahil doon. Humihikbi na din sya. Nakita kong napangisi si Vander nang makita ang epekto ng sinabi nya sa anak ko. Sinubukan kong kalasin ang pagkakatali sa kamay ko pero sobrang higpit niyon at pakiramdam ko ay nagsusugat na ang pulsuhan ko sa pagpipilit ko na matanggal iyon kanina pa.

"Bakit mo ginagawa 'to? Wala kaming kasalanan sayo!"

"Sa akin wala. Pero sa taong pinakamamahal ko, meron." sabi nyang ikinatigil ko. Sinong tinutukoy nya? Tumayo sya kaya napatingala ako sa kanya. "I love my cousin. I love Carmilla. I love her. I love her. I love her. Pero anong ginawa nyo sa kanya? Nasaktan sya dahil sa kalandian mo!"

Napasigaw ako nang malakas nya akong sinampal. Pakiramdam ko ay nabingi ang kaliwang tenga ko sa lakas ng pagkakasampal nya. Nalasahan ko din ang dugo sa labi ko na mukhang pumutok pa dahil sa ginawa nya. Halos namanhid ang buong mukha ko sa sobrang sakit at hindi ko na napigilan nang muling bumuhos ang mga luha ko.

HTBDWhere stories live. Discover now