CHAPTER 44

1 0 0
                                    

Nang idinilat ko ang mata ko ay nagtaka pa ako kung nasaan ako. Ilang segundo akong nag isip bago ko naalala ang lahat ng nangyari. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko.

Napatingin ako sa pintuan nang may marinig na paggalaw sa labas. Dahan dahan akong bumangon dahil tulog pa si Summer. Nang makalabas ako ay nakita ko ang pamilyar na babae na nasa kusina. Inaayos nya ang laman ng mga plastic na nakapatong sa lamesa at inilalagay iyon sa loob ng ref. Napatigil sya nang makita ako at ngumiti sa akin.

"Good morning!"

"Daphne." bati kong nakangiti din sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan din sya sa pag aayos ng groceries.

"Kamusta kayo dito?" tanong nya pa habang inilalagay ang mga condiments sa itaas na cabinet.

"Ayos lang." sabi ko at sinara ang ref bago sya tinignan. "Pasensya na sa abala, Daphne, ha?"

Nahihiya talaga ako sa kanya. Una kaming nagkita sa Bohol at hindi naman kami magkaibigan talaga. Pero ang sumunod naming pagkikita ay eto. Nakikitira na kami sa condo unit nya.

"Don't worry about it. Ginagamit ko lang naman ang unit na 'to if nagba-bar hopping kami at napasobra ang inom ko. So instead na ang multo ang makinabang, mas mabuting kayo na lang."

Napangiti ako. Mabuti na lang at kahit na hindi ako naging maswerte sa ama ni Summer, marami naman ang nagmamalasakit sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ako lang mag isa. Kung kakayanin ko bang mag isa ang mga pagsubok na 'to.

Dahil sa anak ko kaya ako nagkakaroon ng lakas. Kaya masakit talagang isipin na binalak ng ama nya na ilayo sa akin si Summer.

Umalis na din si Daphne pagkatapos nyang mag ayos dahil may pupuntahan pa daw sya. Mas lalo tuloy akong nahiya. Talagang dumaan pa sya dito para lang ipamili kami ng groceries.

Tulog pa si Summer nang pumasok ulit ako sa kwarto kaya naligo na ako. Balak ko sanang pumunta sa school ngayon ni Summer para kunin ang mga kakailanganin documents sa pag transfer nya. Isang linggo na din ang nakakalipas nang magsimula syang pumasok sa school. Mabuti at hanggang maaga pa ay maasikaso ko na ito.

Saktong kakatapos ko lang magbihis nang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makitang galing sa ibang bansa ang numero na iyon. Nagtatakang sinagot ko iyon.

"Hello?"

"Zuri.." boses babae.

"Ate Zelda?" pagkukumpirma ko. Narinig ko ang buntong hininga nya sa kabilang linya.

"Ako nga. May problema ba kayo ng ama ni Summer?" tanong nya na mas ipinagtaka ko. Paano nakarating sa kanya ang balitang 'yon?

"Bakit, ate?" tanong kong takang taka. Ang bilis namang lumipad ng balita.

"Nagpunta sya dito bahay. Hinahanap ka."

Hindi ko inaaasahan ang sinabi nya. Ang bilis naman ni Helios. Parang kakarating nya pa lang yata sa New York ay dumiretso na agad sya sa bahay namin doon.

Mabuti na lang at tama ang desisyon ni Apollo na huwag na muna akong umalis. Kung hindi ay paniguradong nagpang abot kami doon. Hindi pa ko handang makaharap sya. Hindi ko pa kayang marinig ang mga paliwanag nya. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Hindi pa siguro ngayon ang tamang oras para makapag usap kami.

"He said that you're mad at him." sabi ni Ate Zelda nang matahimik ako. "Anong nangyari, Zuri?"

I sighed. Ang gusto ko sana ay sabihin na lang sa kanila pagdating ko sa New York. Pero alam kong hindi ako titigilan ni Ate Zelda hangga't wala akong sinasabi sa kanya. Lalo pa ngayon na nagpunta si Helios sa bahay namin doon ay hinahanap ako.

HTBDWhere stories live. Discover now