Hinayaan muna ni Luther ang asawa nyang si Junko na makisama sa aming mga babae pagkatapos ng kasal. Sama-sama kami sa isang table sa reception area. Nahiya pa nga ako dahil ang sabi ni Luther ay gusto nya daw na makilala ko ang asawa nya. Kaya hayan.
Noong una ay naiilang pa ako sa tatlong mga babaeng kasama ko. Halata kasi na matagal na nilang kilala ang isa't-isa. Pero hindi nila ako hinayaang makaramdam ng pagkailang dahil palagi nila akong isinasali sa mga usapan nila.
"Ang gu-gwapo nila 'no?" sabi ni Aaliyah at nagpangalumbaba pa habang nakatingin sa table ng mga lalaki. She sighed dreamily.
Napatingin ako sa tinitignan nya. Magkakasama sa isang table ang makakaibigang lalaki hindi kalayuan sa amin. Nakikisama na din si Luther sa tawanan nila Lucius at Creed. Hindi katulad kanina na tahimik lang ito bago ang kasal. Habang sina Hunter at Helios naman ay parang may seryosong pinag-uusapan.
"Ang swerte mo para pakasalan ang isa sa kanila." sabi ni Daphne kay Junko na syang bride ni Luther.
Nakita ko ang pag-irap ni Aaliyah. "May ganyan ka na din sana 'no? Kaya lang, binasted mo si Apollo."
Napatingin ako kay Daphne. She has a light brown hair and a fair skin. She has a pouty lips and a perfect nose. Her eyes are so expressive at sa tingin ko ay iyon ang pinakamaganda sa mukha nya.
"Ikaw ang nililigawan ni Apollo?" hindi na nakatiis na tanong ko at napatingin silang lahat sa akin.
"You know Apollo?" tanong sa akin ni Junko gamit ang malambing na boses. "How?"
"Uhh..." sabi ko at hindi ko alam kung saan magsisimula. "Nakatira ako sa mansyon nila."
Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi. Nagkatinginan pa silang tatlo. Napatampal ako sa noo ko nang ma-realize kung anong iniisip nila.
"I told you. Tama lang ang ginawa ko kay Apollo." sabi ni Daphne kaya umiling-iling ako.
"Hindi... Hindi..." sunod-sunod akong umiiling. "I mean... boyfriend ko si Helios." sabi ko at nararamdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
Hala. Nagba-blush ba ako?
Ilang sandali silang natigilan bago paimpit na tumili. Bahagya pa silang lumapit sa akin na parang may maganda akong sasabihin.
"Omg! Omg! I forgot! Luther said that Zuri is the name of Helios' girl!" kinikilig na sabi ni Junko.
"Ano feeling?! Si Helios talaga ang pinaka-crush ko sa kanila pero sige, si Creed na lang!" said Aaliyah.
"Same! You know that ruthless and mysterious aura that he has! Girl, ang swerte mo!" Daphne said at mas lalo silang nagtiliang tatlo.
Napangiti ako. Hindi ko rin naman sila masisisi. Ang totoo nga nyan, noong una kong nakita si Helios bilang secretary nya ay humanga talaga ako. I mean, how can a guy be so hot like him? Para syang literal na greek god na bumaba sa lupa.
"So, tell us. Paano magmahal ang isang Helios Gallagher?" kumikislap ang mga mata na tanong ni Aaliyah.
Paano nga ba? Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na aabot kami ni Helios sa puntong ganito. Given our history, parang napaka-imposible. But he proved himself to us. Bumawi sya sa pagkakamali nya. He changed for the better.
Noong dumating sa buhay nya si Summer ay nakita ko kung paano ngumiti ang boss ko na palagi ko lang nakikitang seryoso at malamig ang mukha at palaging naninigaw sa trabaho. And as time goes by, mas lalo kong nakita ang ibang side pa ng pagkatao nya.
Sinong mag-aakala na ang ruthless billionaire na 'to ay may itinatago palang ka-sweetan sa katawan?
"Well, that's love." sabi ni Junko nang ikuwento ko sa kanila ang ka-sweetan ni Helios. Napatingin sya sa gawi ng asawa nya. "I was like that at first. Luther was like Helios. Pero mas seryoso si Helios. But the thing is, I never thought that Luther is capable of loving someone. But he did. At eto na nga. Kasal na kami ngayon."