CHAPTER 27

1 0 0
                                    

Tumunog ang wind chimes ng coffee shop ni Jenica nang pumasok ako. Nakaupo sya sa gilid kung saan kami palaging nakapwesto. Nang makita nya ako ay kinawayan nya ako kaya mabilis akong lumapit sa kanya at umupo sa harap nya.

"Kumusta si Andrew?" tanong ko sa kanya tungkol sa anak nya.

"Ayun. Wala ng lagnat." she said and sipped on the cup of coffee in front of her. Tinawag nya ang empleyado nya para kunin ang order ko. Sabi ko nga ay ako na ang pupunta sa counter para mag-order pero hindi sya pumayag kaya wala akong nagawa kundi ang sabihin sa empleyado nya ang order ko at sya na ang mag-asikaso non.

"Pagsabihan mo 'yang anak mo, ha?" sabi ko pagkaalis nung empleyado nya. "Hinalikan daw si Summer sa pisngi!"

Tumawa sya. "Nagsumbong pala sayo?" Natural. Nanay ako eh. "Anong sabi?"

"Ayun. Inis na inis nung nagsumbong sa akin. Sinabi daw ni Andrew sa kanya na crush daw sya nung anak mo at nagpapadyak nung sinabi sa aking hinalikan sya nung bata!"

Tawa nang tawa si Jenica sa sinabi ko. Inirapan ko na lang sya.

"Alam mo bang si Justin ang nagturo sa kanya na gawin 'yun?" Si Justin ay ang asawa ni Jenica na isa ring playboy. Noong college kami ay ang asawa nya ang team captain ng basketball team ng university namin. Gwapo ito kaya hindi maiiwasan na marami ang magkagusto doon. Kaliwa't kanan ang naging babae nya bago niligawan si Jenica. Noong una ay ayokong-ayoko talaga kay Justin para kay Jenica. Natatakot kasi ako na baka masaktan lang ang kaibigan ko sa kanya. Pero pinatunayan ni Justin na seryoso sya sa kaibigan ko kaya hayan. Nag-asawahan na.

Tapos tuturuan din ang anak kung paano maging playboy. Hay naku.

"Ah, basta. Pagsabihan mo yung anak mo." giit ko. "Inis na inis talaga si Summer sa kanya."

"Nagsisi rin naman yung anak ko. Iyak nang iyak pag-uwi dahil sinampal daw sya ni Summer." sabi nya na ikinagulat ko.

"Oh? Sinampal sya ni Summer?" 'Di ko alam 'yun ah?

"Oo kaya!" pairap nyang sabi sa akin. "Pinagtawanan lang sya ni Justin nun! Kaya pinagsabihan ko na lang. Lesson learned the hard way tuloy ang anak ko kaya ayun, nilagnat." sabi nya at tumingin sa relo nya. "Wala pa si Aaron?"

"Ipapasa lang daw nya 'yung hardcopy ng shoot nya sa director kaya male-late daw sya ng kaunti." sabi ko at uminom ng kape ko. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Jenica ay nakangisi na sya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Oh? Bakit ganyan ka makatingin?"

"Updated ka na sa life ni pinsan, ah? Iba din." she wiggled her brows na parang nang-aasar pa. Napairap ako.

Hinihintay namin si Aaron ngayon dahil gusto daw bumawi ni Jenica sa pinsan dahil hindi nga sya nakadalo ng birthday nito. Ang sabi ni Aaron ay okay lang naman kahit hindi na sya bumawi pero nagpumilit si Jenica. Inimbita nya din ang mga dati naming ka-blockmates at doon kami magsi-celebrate ni Aaron sa isang bar sa BGC.

Hindi alam ni Helios kung saan ako pupunta ngayon. Basta ang sinabi ko lang ay magkikita kami ni Jenica. Wala naman din syang sinabi.

Pinilit kong iniwasan sya nitong mga nagdaang araw. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko mapipigilan ang sarili ko sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin. Kaya kahit mahirap ay pinilit ko talagang lumayo sa kanya. Kapag naglalaro sila ni Summer ay hindi ako sumasali at nagkukulong lang sa kwarto. Mabuti na din at hindi na sya pinapatulog ni Summer sa kwarto namin dahil nagtampo ito nung isang gabing sa kwarto nga ako ni Helios natulog. Sa opisina naman ay hindi ako nagtatagal sa loob ng office nya at sinasagot ko lang ang mga tanong nya.

Pakiramdam ko kasi ay hindi tama ang namamagitan sa amin. Pakiramdam ko ay napakadali kong bumigay sa kanya. Sa simpleng haplos at halik nya lang ay tumitilapon na palabas ng utak ko ang mga dapat kong gawin.

HTBDWhere stories live. Discover now