CHAPTER 16

1 0 0
                                    

"Baby? Can we talk?" bungad ko kay Summer pagkapasok ko ng kwarto namin. Naabutan ko syang nakadapa sa kama at nagbabasa ng The Last Olympian.

"About what, Mommy?" tanong nya pagkatapos ay itinabi ang libro at umupo sa kama. Tumabi naman ako sa kanya.

"About your father." I said.

Nakita kong natigilan sya. Humarap ako sa kanya at nag-indian sit sa may kama. Ginaya nya ako.

I decided to talk to Summer about her father. Hindi ko pwedeng hayaan na ipagpatuloy nya ang ganoong pakikitungo sa ama nya. Sa akin nakagawa ng kasalanan si Helios at hindi sa anak ko. 

Malas lang talaga na nakita nya ang ganoong eksena namin ng ama nya. Isa pa, masyado pa syang bata para madamay sa away naming mga magulang nya.

"Baby, you can't treat your father like that." malambing ang boses na sabi ko sa kanya. Hindi pwedeng pagsabihan ko sya sa matigas na tono. Baka mas lalo lang syang hindi makinig. Ayoko namang pagtaasan sya ng boses hangga't maari. Baka matakot sya sa akin. Gusto kong susunod sya sa akin, hindi dahil takot sya kundi dahil alam nya na tama ang mga sinasabi ko.

"But he hurt you, Mommy. I hate him." nakatungong sabi nya.

"Summer..." I sighed. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag. "I know... Pero bumabawi na sya. Can't you give him a second chance?"

Nanatiling nakayuko ang anak ko. I sighed again. Marahan kong hinawakan ang baba nya at inangat ang ulo nya. It broke my heart when I saw her silently crying.

"Summer..." lumunok ako para alisin ang pagbabara sa lalamunan ko. "He's still your father. He knew that he made a mistake. Kaya gusto nyang bumawi. Gusto nyang bumawi sayo."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang marinig ko syang humikbi. Oh, my Summer Frost. She's too young to experience this.

"What if... he hurt me too, Mommy?" sabi ni Summer sa gitna ng paghikbi. Huminga ako ng malalim dahil naninikip ang dibdib ko. Kailangan kong maging kalmado habang nagpapaliwanag ako sa kanya.

"He won't hurt you, baby. He loves you. You are his princess. And you need a Daddy to guide you." hinawakan ko ang pisngi nya at pinunasan ang mga luha nya doon. "Bata ka pa, baby. Hindi mo pa maiintindihan ang lahat. But you need your father in your life. Habang lumalaki ka, hahanap-hanapin mo ang kalinga ng isang ama. You know, Granmom and Grandad are not my real parents, right? Wala akong masyadong naaalala sa tunay kong mga magulang. And it hurts, baby. Kasi feeling ko, may kulang sa akin. Feeling ko, hindi ako buo. And I don't want you to feel that. I don't want you to get hurt."

Mas lumakas ang paghikbi ni Summer pero nagpatuloy ako. She needs to know these things. She needs to learn about forgiveness.

"And baby, hindi maganda yung nagtatanim ka ng galit sa puso. Hindi maganda kung lalaki kang may galit. Mabigat dito..." inilapat ko ang kamay ko sa tapat ng puso nya. "Kasi kapag inalagaan mo ang galit dyan sa puso mo, you will grow up as a bad person. You should learn how to forgive and give second chances. Even God can give second chances, baby. And you don't want to be a bad girl, right?" napangiti ako nang tumango sya. "So can you give daddy his second chance?"

Suminghot-singhot ang anak ko habang patuloy na humihikbi. Gusto ko syang panggigilan sa pagiging cute nya pero pinigilan ko muna ang sarili ko dahil hindi ito ang tamang oras para doon.

"What if he hurt you again, Mommy? I don't want you to get hurt again. I don't want that, Mommy." sabi nya at nagsimula ulit umiyak. Oh, my baby girl. She really loves me. And I'd give everything for that.

"I will hide you again, baby. We will hide again from your father. I'll do everything so you won't get hurt."

Niyakap nya ako at saka sya umiyak nang umiyak. Hindi ko naman mapigilan ang pag-iyak din. I know she learned something from this. At sana, madala nya sa paglaki nya ang mga sinabi ko.

"It's Father's Day today. You know what to do right?"

Tumango sya at kumalas sa pagkakayakap namin. Lumapit sya sa school bag nya at may kinuhang kung ano mula doon. Pagbalik nya ay nakita kong isa iyong greeting card. Halos matunaw ang puso ko doon.

"You made that for Daddy?" tumango sya. "Oh? Bakit hindi mo ibinigay sa kanya kanina?" tanong ko at muli syang tumungo.

"Nahihiya kasi ako, Mommy. I thought he's angry at me for the way I treated him recently. Am I a bad daughter to Daddy, Mommy?" nag-aalala nyang tanong at napangiti ako habang umiiling. Hinala ko sya palapit sa akin at sinuklay ang buhok nya.

"No, you're the best daughter in the whole world. And no, Daddy won't get mad at you because he loves you. Tara? Let's give that to Daddy?"

Tumango sya pero inayos ko muna ang itsura nya bago kami lumabas ng kwarto. Hilam kasi ang mukha nito dahil sa pag-iyak nito kanina kaya nilinis ko muna ang mukha nya. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto ng kwarto ng boss ko pero ilang minuto ang lumipas at hindi iyon bumukas.

May pinuntahan ba ito ulit?

Bumaba kami at nagbaka-sakaling nandoon lang si Helios at hindi naman ako nabigo. Nakita ko sya sa mini bar counter nila na nakaupo sa high chair at may hawak na baso ng alak. Nakatukod ang mga siko nito sa may bar counter at nakatulala na parang may iniisip.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya. Agad nyang ibinaba ang baso ng alak nang makita kami.

"Hey..." bati nya pero tumingin ako kay Summer at ngumiti.

"Sige na, baby. Go, give that to him."

Nakita ko ang titig sa akin ni Helios bago bumaba ang tingin nya kay Summer na nahihiyang lumalapit sa kanya. Agad syang bumaba ng high chair at lumuhod nang makalapit sa kanya si Summer.

"I'm sorry, Daddy. And Happy Father's Day." sabi ni Summer at iniabot ang greeting card sa kanya.

Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ni Helios dahil sa gulat sa sinabi at ginawa ng anak ko. Napasulyap sya sa akin bago nya kinuha ang card kay Summer.

"T-thank you, Princess." sabi nya at binuksan ang greeting card ng anak ko para basahin. At ilang sandali lang ay nagulat ako sa nakita ko.

Umiiyak si Helios.

Napasinghap ako sa sobrang gulat. Hindi ko akalain na makikita kong umiiyak ang boss kong pinaglihi sa dragon!

Mabilis nyang pinunasan ang mga luha nya sa pisngi gamit ang palad nya at nanginginig ang mga labing nagpasalamat kay Summer.

"Thank you, Princess. You don't know how happy I am because of this. Thank you."

"You're not mad at me?" nag-aalalang tanong ni Summer sa ama nya.

Mabilis na umiling si Helios. "No, no. How could I get angry at you? I love you. How... How about you? You're not... You're not mad at Daddy?" kita ko ang kaba sa mga mata ni Helios nang itanong nya iyon. Hindi nya din alam kung hahawakan ba si Summer o ano.

Mabilis naman syang niyakap ni Summer na alam kong ikinagulat nya. Muli kong nakita ang pagtulo ng mga luha nya. Hindi ko tuloy maiwasan na maiyak din habang nakatingin sa kanila.

"I won't if you promise me not to hurt Mommy again." sabi ng anak koMabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang makita ko na tumingin sa akin si Helios. And unlike the last time, may nakita akong emosyon ngayon sa mga mata nya. Not anger, not resentment. Something... new.

"Yes. I promise. I won't hurt your Mommy again." sabi nya habang nanatili ang mga mata sa akin. Pagkatapos ay pumikit sya at mahigpit na niyakap si Summer. "I promise. Just, please... Don't hate me. Hindi ko kaya." dinig ko ang pagkabasag ng boses nya sa sinabi nyang iyon at muling tumulo ang mga luha ko bago tumalikod at iniwan sila sa ganoong posisyon.

I'm glad. I'm glad dahil alam kong nawala na ang galit sa puso ni Summer. She doesn't need that negative feeling. She should stay innocent habang bata pa sya.

And for me? Hindi ko alam. Alam kong sinabi ko kay Summer na bigyan nya ng isa pang pagkakataon ang ama nya para makabawi sa kanya. And I don't know kung ibibigay ko na din ba iyon kay Helios. Pagkatapos ng mga naranasan ko sa kanyang pananakit at pagpapahirap noon?

I just don't know.

HTBDWhere stories live. Discover now