Nagpatuloy ang eksena namin na iyon ni Helios. Pahihirapan nya ako na halos hindi na ako makakain at makauwi ng bahay. Nagdadala na lang tuloy ako ng biscuits at mga damit dahil kung minsan ay hindi na talaga ako nakakatayo sa pwesto ko hanggang hindi ko natatapos ang mga pinapagawa nya.
Nagbago na din ang boss ko. Halos araw-araw na itong nagdadala ng iba't-ibang mga babae sa office nito. At mula sa pwesto ko ay dinig na dinig ko ang mga halinghing nila sa loob at halos masuka ako sa mga ungol nila.
Kagaya noong araw na iyon. May dinala na namang bagong babae ang boss ko sa opisina nya. Dinig na dinig ko ang boses ng babae kaya hindi ko maiwasan ang mga eksenang pumapasok sa isip ko.
"Ohh... Faster, baby. I'm coming!" dinig kong sabi ng babae.
Napatakip ako ng bibig ko at tumakbo papunta ng banyo nang maramdaman kong parang may humahalukay sa loob ng tyan ko. Isinuka ko ang lahat pero halos tubig lang naman ang lumabas sa bibig ko.
Hinugasan ko ang bibig ko at tinitigan ang sarili ko sa salamin. I look like a mess. Parang naging pugad na ng ibon ang buhok ko. Ang putla-putla ko na at halos wala ng kulay ang balat ko. Nangayayat na din ako.
Naghilamos na lang ako ng mukha para man lang malinisan ang sarili ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay ganoon na lang ang takot ko nang makita si Helios na nakasandal sa may pintuan ng banyo. Nakatingin sya sa repleksiyon ko sa salamin at ganoon din ako sa kanya. Humarap ako dahil natatakot ako na baka kung anong gawin nya sa akin habang nakatalikod ako.
"I thought I told you not to leave your table until you finished everything?"
Humakbang sya palapit sa akin at hindi ko alam kung paanong atras ang gagawin ko. Naramdaman ko ang lababo sa likuran ko kaya wala na akong maatrasan. Napaigik ako nang hablutin nya ang pisngi ko gamit ang isang kamay. Doble-doble na ang kaba ko nang inilapit nya ang mukha nya sa akin.
"Want me to fuck you hard, bitch?" pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad nya akong sinunggaban ng halik. Itinikom ko ang bibig ko at hindi ko iyon ibinuka kahit na halos kagatin na nya ang labi ko.
Sobrang sakit na ng labi ko dahil sa mga kagat nya at nalalasan ko na din ang dugo ko. Nang may ilang minuto ang lumipas at hindi ko talaga ibinuka ang bibig ko ay malakas nya akong sinampal.
"Open your fucking mouth, Zuri!" aniya at muli akong sinunggaban ng halik.
Diniinan nya ang pagkakakapit sa pisngi ko pero hindi ko talaga ibinuka ang bibig ko kahit na anong gawin nya. Nang ma-realize nya iyon ay saka nya lang ako binitiwan at malamig akong tinignan.
"Just do your fucking work." sabi nya at iniwan na akong mag-isa sa banyo na 'yon.
Napaupo na lang ako sa sahig at kusa nang tumulo ang mga luha ko. Parang araw-araw na yatang may sumasakit sa katawan ko nang dahil kay Helios. Kung hindi pagpapahirap sa trabaho ay pinagbubuhatan nya naman ako ng kamay. Hanggang sampal pa lang naman ang nagagawa nya pero noong isang araw ay natakot ako dahil inambahan nya ako ng suntok. Mabuti na lang at napigilan nya namang gawin iyon.
I cried my heart's out inside that restroom until everything went black.
Nagising akong nasa ospital na ako. Hindi ko alam kung paano o sino ang nagdala sa akin doon. Basta ang hindi ko lang makakalimutan ay yung sinabi sa akin ng doctor.
"Congratulations, Misis! You're two weeks pregnant!"
Hindi ko alam kung anong mararamdam ko ng mga panahon na iyon. Napaiyak pa nga ako at ang akala ng doctor noon ay tears of joy lang. Umuwi ako sa bahay na wala sa sarili at patuloy na umiiyak. Hanggang sa nakatulugan ko ang gabing iyon. Kinabukasan ay pumasok pa din ako kahit sobrang sakit ng ulo ko. Balak ko sanang umabsent kung hindi lang tumawag ang boss ko at sinabing hindi ako pwedeng umabsent sa araw na iyon.