"Kayo po ba si Ms. Fitzgerald?" tanong sa akin ng lalaki habang nakatulala ako sa pwesto ko sa Gallagher Empire sa araw na iyon.
"Ako nga po."
"Delivery po para sa inyo." sabi nya at iniabot sa akin ang isang paper bag. Pinirmahan ko na din ang papel na binigay nya kahit naguguluhan ako.
"Kanino daw po galing? Bayad na po?" tanong ko. Baka mamaya cash-on-delivery pala to at ako pa ang magbayad eh hindi ko naman inorder ang kung ano man 'to.
"Binayaran na rin po ng boss nyo." sagot nya at iniwan na ako ng delivery boy doon na natulala sa gulat.
Si Helios? Ano na namang pakulo ng boss kong iyon na pinaglihi sa dragon?
Binuksan ko ang paper bag at tinignan ang laman niyon. Nakita ko ang mga pagkain na take out galing sa isang mamahaling restaurant. Binuksan ko ang mga lalagyan at agad kong nalanghap ang mabangong amoy ng pagkain. Kumalam ang sikmura ko. Gusto ko sanang kainin dahil lunch na din naman kaso ay nagdalawang-isip ako.
Baka may lason 'to?
Imbes na kainin ang pinadeliver ng boss ko ay bumili na lang ako ng pagkain sa cafeteria. Ewan ko. I still can't stop thinking that if I let my guard down around him, he'll hurt me again. At sa totoo lang, sawang-sawa na ako sa mga naiisip ko.
Should I give him a second chance?
Iyan ang halos araw-araw na tanong ko sa isip ko. At sa araw-araw na nakakasama ko si Helios, unti-unti na akong nakukumbinsi na nagbabago na nga sya.
Saktong kababalik ko lang sa pwesto ko mula sa cafeteria nang marinig kong bumukas ang elevator at lumabas doon ang boss ko na kagagaling lang sa meeting. Napaderetso ako ng upo nang makita kong napatingin sya sa paper bag ng pagkain na hindi ko ginalaw.
"You didn't eat that?" tanong nya.
Agad akong umiling. Nakita ko ang pagdilim ng expression nya sa mukha at agad akong kinabahan.
"Then throw it away." sabi nya bago pumasok sa opisina nya at malakas na isinarado ang pinto.
Ay, nagalit? Is it my fault? Nag-iingat lang naman ako. Paano pala kung nilagyan nya ng lason ang pagkain?
I sighed.
Hindi ko narinig ang pagtunog ng intercom pagkatapos noon. Hindi nya ako inutusan ng buong araw. Pero isinabay nya pa din ako sa kotse nya nang pauwi na kami.
Wala kaming imikan sa sasakyan. Which is not unusual naman dahil hindi ko din naman sya kinakausap kapag naiiwan kaming dalawa sa sasakyan. Iyon nga lang, hindi katulad dati na sinusulyap-sulyapan nya ako para malaman kung humihinga pa ba ako, ngayon ay hindi sya lumingon kahit isang beses sa gawi ko. Mukhang nagalit nga talaga sya kanina nang hindi ko kainin ang pagkain na binigay nya.
Nasasanay na din ako sa presensya nya pero ilag pa din ako sa kanya. Wala din naman kasing magagawa ang pag-iwas na ginagawa ko. Magkasama kami sa iisang bahay at sa trabaho ay ako ang kanang kamay nya. Kaya no choice ako kundi ang sanayin ang sarili ko na nandyan sya. Mabuti na lang at hindi na naulit ang dati. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang galit sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako o makokonsensya.
"Mommy, don't you love Daddy?" tanong sa akin ni Summer, isang gabi habang nanonood kami ng TV sa may sala.
Ikinabigla ko ang tanong nyang iyon. Hindi ko alam kung paano ko sya sasagutin.
"Bakit mo itinatanong yan, baby?" I asked. Mula sa TV ay lumipat ang tingin nya sa akin. Punong-puno ng kuryosidad ang mga mata nya.