CHAPTER 24

1 0 0
                                    

"Baby, aalis na ako, ha? Don't wait for me. Baka late nang makauwi si Mommy." sabi ko sa anak ko habang sinasagutan nya ang mga homeworks nya.

"Yes, Mommy. Take care po." she said and kissed me on the cheeks.

Today is Aaron's birthday at naka-oo ako sa pagyaya nya ngayon. Tutal naman ay day off ko din ngayon at nakakahiyang tumanggi sa kanya matapos nya akong bigyan ng payo noon.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Helios na kapapasok lang ng mansyon na mukhang galing kung saan. Agad na napakunot ang noo nya nang makita akong bihis na bihis.

"Saan ka pupunta?" tanong nya pa at pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko. Kailan pa sya nagkaroon ng pake kung saan ako pumupunta tuwing day off ko?

"Birthday ni Aaron." simpleng sabi ko at nilagpasan sya. Hindi ko nga alam kung bakit sinasagot ko pa ang tanong nya.

"The guy last time? Magde-date kayo ngayon? Is that son of a bitch courting you?" tanong nya at napatingin ako sa kanya dahil nadinig ko ang galit sa boses nya. At tama nga ako. Nakita kong magkasalubong ang mga kilay nya at nakaigting ang mga panga.

Kanino ba ito nagagalit? Sa akin na naman ba?

Pinagtaasan ko sya ng kilay. Malakas na ang loob kong sagot sagutin sya dahil alam kong hindi na nya talaga ako sasaktan. Takot lang nyang ilayo ko sa kanya si Summer.

"Ano ngayon kung nililigawan nya ako? It's not your business. And that son of a bitch has a name and it's Aaron!" inis na sabi ko sa kanya. Ang kapal din ng isang 'tong murahin ang kaibigan ko.

"May anak ka na!" sabi nya at ewan ko ba pero parang nainsulto ako doon.

"I know and alam nya din iyon! Ano bang masama kung ligawan nya ako? I'm single and he's single!"

Hindi naman talaga ako nililigawan ni Aaron pero nakakainis kasi itong boss kong pinaglihi sa dragon. Porke ba may anak na ako ay hindi na ako pwedeng magpaligaw? Eh, sya nga dyan ay kaliwa't-kanan ang mga babae. 'Yung isa ay sinugod pa talaga sya sa office nya kaya nadamay pa ako.

"Hindi ka aalis!" sabi pa nya at inirapan ko na talaga. Para namang mapipigilan nya ako?

"Like you can stop me. Dyan ka na nga!"

"Hahanapin ka ng anak natin!" sigaw nya at napatigil ako sa paghakbang. Ewan ko ba pero lumalakas ang kabog ng dibdib ko kapag naririnig ko syang 'anak natin' ang tinatawag nya kay Summer. Para bang tinanggap nya nang katuwang ako sa buhay nya kapag sinasabi nya iyon.

"Nagpaalam ako sa kanya! Kahit itanong mo pa! Dyan ka na nga!" I said bago ko sya mabilis na tinalikuran at dali-daling lumabas ng mansyon. Sobrang lakas kasi talaga ng tibok ng puso ko.This is bad.

"Umuwi ka ng maaga! I'll wait for you!" pahabol nyang sigaw at hindi ko na sya pinansin.

Nandoon na si Aaron sa coffee shop pagkarating ko. Hinanap ko si Jenica dahil baka nagseserve lang ito ng customers pero hindi ko sya nakita. Hindi din naman kasi sya nagrereply sa mga message ko sa kanya.

"Happy Birthday, Aaron. Kanina ka pa?" sabi ko sa kanya at ibinigay ang regalo ko para sa kanya. Pagkatapos ay umupo na rin ako sa harap nya.

"Kararating ko lang. Salamat sa regalo. Nag-abala ka pa." sabi nya na pulang-pula na naman ang mukha at hindi makatingin sa akin. Binalewala ko na lang iyon kaysa ano pang isipin ko.

"Where's Jenica?" tanong ko na lang. Sakto naman na tumunog ang cellphone nya at sinabing si Jenica na daw ang tumatawag. Tumango ako sa kanya nang magpaalam na sasagutin nya lang ang tawag.

HTBDWhere stories live. Discover now