CHAPTER 37

1 0 0
                                    

Hindi na naging normal ang kinikilos ni Helios pagkatapos ng araw na iyon. Ilang araw na kaming nakabalik pero hindi pa din sya mapakali. Para bang takot na takot syang may mangyayari sa aming masama. Sa akin.

Kapag umaalis ako ay palagi dapat syang kasama. Halos hindi na nga sya humiwalay sa tabi ko. Nagpagawa na din sya ng pwesto ko sa loob ng office nya. At ang pinaka nakakaloka sa lahat ay ang mag-hire sya ng bodyguard para sa amin ni Summer.

Noong una ay hindi ako pumayag. Hindi kasi maganda sa pakiramdam iyong may nakasunod sayo kahit saan ka magpunta at binabantayan ang kilos mo. Pero mapilit sya at ang sabi nya naman ay hindi namin malalaman na may nakasunod sa amin. Hindi daw magpapakita sa amin ang bodyguard. They will guard us in the shadows he said.

Kapag tinatanong ko naman kung anong problema ay sinasabi nyang for safety purposes lang at hindi na dinudugtungan ang sasabihin. At pakiramdam ko ay ayaw nyang pag-usapan ang bagay na iyon kaya itinigil ko na ang pagtatanong.

"Apollo." tawag ko sa kanya nang minsang mapag-isa sya sa library ng mansyon.

I was just really curious at hindi ko kayang walang alam lalo pa at kakaiba talaga ang mga kinikilos ni Helios. So if he won't tell me something then I'll ask his brother instead.

"Oh, Zuri. Ikaw pala." sabi nya at ibinaba ang librong binabasa. Lumapit ako at umupo sa tapat nya.

"May itatanong lang sana ako." I said. He nodded and motioned me to go on. "May kilala ka bang Vander Moreno?"

Halatang hindi nya inaasahan ang tinanong ko. Ilang segundo syang hindi nakagalaw at nang makabawi ay bumuntong-hininga at inalis ang reading glass na suot nya.

"Bakit mo tinatanong?" balik tanong nya.

"Napapansin mo naman na kakaiba ang kinikilos ni Helios these past few days, right? Nagsimula 'yon nang makita namin si Vander sa kasal ni Luther sa Bohol." seryoso ko syang tinignan. 

"Please, Apollo. Kung may alam ka sabihin mo naman sa akin."

Apollo sighed again at napapikit ng mariin. Sumandal sya sa upuan and he keeps on tapping the table with his index finger. Nang dumilat ay nakita ko ang seryoso nyang mga mata na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita. And somehow, he resembled his brother a lot.

"Vander Moreno is Carmilla's second cousin." sabi nya na ikinagulat ko. Hindi ko inaaasahan iyon pero mas lalo lang dumami ang tanong sa isip ko. "Now, I know why Kuya is being overly protective." bulong nya sa sarili pero nadinig ko naman.

"Bakit... bakit ganoon na lang umasta si Helios?" dahil ba galit sa amin si Vander sa nagawa namin kay Carmilla?

"Listen, Zuri. Vander is a very dangerous man." Apollo said in a serious tone. "You saw his scar beneath his left eye down to his jaw, right? Sya ang gumawa noon sa sarili nya."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi nya. I mean, I saw Vander's scar and it was very ugly. Para bang galing iyon sa sugat na parang hiniwa ng isang matalim na bagay. At hindi ko maisip na magagawa iyon ng isang tao sa sarili nyang mukha.

"He's a psychopath, Zuri." sabi nya pa at wala na yata akong mas ikagugulat pa. "Noong bata pa lang sya ay kamuntik nya nang patayin ang kasambahay nila. The poor maid fell in deep comatose. Mabuti na lang at nagising din. Ang kwento nang nurse ay inihulog daw sya ni Vander sa may hagdan. At hindi pa naawa. Pinag-uuntog ang ulo nya sa sahig nang paulit-ulit. And Vander was only a ten-years old kid that time."

"Oh, God..." nanghihina kong sabi at halos hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. Vander looks normal on the outside. Maliban na lang sa peklat nito. Pero hindi pa din maiisip na isa pala itong psychopath sa unang tingin.

HTBDWhere stories live. Discover now