"Where are you going?" tanong sa akin ni Mrs. Gallagher nang makita akong nakabihis. Naabutan ko ang buong pamilya na nag-aalmusal sa lamesa.
Napatingin ako kay Helios na patuloy lang sa pagkain at walang pakialam sa presensya ko. Wala sa sariling napahawak ako sa buhok ko.
"Uhmm... Papasok na po sa trabaho."
"Oh, no." problemadong sabi ni Mrs. Gallagher. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila paupo sa bakanteng upuan sa lamesa, sa tabi lang ni Helios. "You don't have to go to work from now on. Just take care of Summer na lang."
"Hala, hindi po pwede, Ma'am." nabibigla kong sagot. "Kailangan ko pong magtrabaho para may panggastos po ako sa anak ko."
"Kami na ang bahala sa mga gastusin nyo ng apo ko." simpleng sabi ni Mr. Gallagher na parang sagot na iyon sa lahat.
Umiiling-iling ako. "Hindi po pwede 'yon. Pinatira nyo na po kami dito sa pamamahay nyo nang walang hinihinging kapalit. The least I can do is to give my daughter all that she needs using my own money." napakabait nila sa akin at ayoko namang abusuhin iyon. Isa pa, nasanay ako na nagtatrabaho para maibigay ang lahat ng gusto ng anak ko.
"Hija..." sabi ni Mrs. Gallagher at hinawakan ang kamay ko. "You're not alone anymore. Nandyan na si Helios na ama ni Summer. And we're also here to help you sa pagpapalaki sa anak nyo. Hindi mo na kailangan solohin ang lahat."
"Mommy is right, Zuri." singit ni Artemis sa amin. "We'll help you raise your daughter. You're part of our family na din and family members help each other, right?"
Napangiti ako sa kabutihan nilang lahat. Ang saya-saya ko na ganito ang pamilyang kalalakihan ni Summer. Full of love and support. Hindi katulad dati na ako lang ang lagi nyang kasama.
Wala sa sariling napatingin ako kay Helios. Nakita ko syang nakatulala sa pagkain nya. Nakaigting ang mga panga at galit ang mga matang nakatingin sa plato nya. At alam kong hindi nya nagugustuhan ang mga nangyayari.
Naalala ko ang mga sinabi nya sa akin kagabi. Ang akala nya ay pera ang habol ko sa kanila. Kayang-kaya kong palakihin si Summer nang mag-isa kahit wala ang pera nila. Pero hindi naman sya papayag na ilayo ko sa kanya ang anak nya. Tapos ngayong nandito kami ay aakusahan nya akong pera lang ang habol ko? Hindi ba nya na-realize na kung totoo ang hinala nya edi sana, noong nasa sinapupunan ko pa lang si Summer ay naghabol na ako sa pera nya? Instead, itinago ko pa nga ang anak ko sa kanya, diba?
Seriously? Hindi ko alam kung anong utak ang meron sya. Genius ba talaga ang taong 'to?
Umiling ako sa kagustuhan ni Mrs. Gallagher. "Sorry, Ma'am. Pero gusto ko po talagang ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko."
"Let her be, Mom." sabi ni Apollo at kumindat sa akin. "Hindi nyo talaga mapipilit si Zuri. And besides, you know our company needs an efficient secretary like her, right?"
Ilang sandaling nakasimangot sa akin si Mrs. Gallagher bago pagod na bumuntong-hininga.
"Alright... But you still don't have to go to work today, Zuri. You're on your leave right?" sabi nya at tumango ako. Oo nga pala, may four days pang natitira sa leave ko.
"Mommy!"
Napatingin kaming lahat kay Summer na tumatakbo papunta sa amin. Nakasuot na sya ng school uniform nya.
Binati nya muna ng good morning na may kasamang halik sa pisngi ang lahat ng tao sa lamesang iyon. Nang si Helios na ang babatiin nya ay nakatungo ito at mabilis lang ang ginawang paghalik bago masayang bumaling sa akin.
"Mommy!" nawala ang ngiti nito nang makita ang suot ko. "You have work? But I want you to take me to school, Mommy." pagkatapos ay nag-pout pa sya.
Nakangiti ang lahat ng nasa lamesa. Giliw na giliw talaga sila sa anak ko. Hindi ko naman mapigilan na hindi kurutin ang pisngi nya.