CHAPTER 40

1 0 0
                                    

"Zuri! What's wrong? May ginawa ba sayo ang baliw na 'yon?!"

Napatingin ako kay Creed na mukhang natataranta dahil nakatulala lang ako pagkaalis ni Vander. Nakita ko na parang naghahanap pa sya ng sugat o anumang ebidensya na sinaktan nga ako ni Vander sa katawan ko. Nang makitang ayos lang ako ay mukhang nakahinga ng maluwag si Creed.

Muli akong napatingin sa loob ng restaurant at nakita ko si Helios na tumayo at lumipat sa katabing upuan ni Carmilla. At nang makita kong niyakap nya ang babae ay agad na bumuhos ang mga luha ko.

"Zuri?!" gulat na sabi ni Creed na muling nataranta nang makita akong umiiyak. Pagkatapos ay napatingin din sya sa tinitignan ko at napapikit sya ng mariin. "Oh, shit."

Masakit. Nasasaktan ako. They had a perfect relationship before at alam ko naman na nasira ang relasyon nila nang dahil sa akin. At ngayong nagbalik si Carmilla, magkakabalikan na din ba sila?

Alam kong sinabi ni Helios na ako na ang mahal nya. But looking at them from afar while hugging each other, hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba iyon.

"Zuri..." tawag sa akin ni Creed pero hindi ako lumingon sa kanya at patuloy na pinapanood ang dalawang magkayakap. So Creed cupped my face and made me looked at him.

Nang makita ko sa mga mata ni Creed ang pagkaawa para sa akin ay mas lalo akong napaiyak. Nakakaawa na ba talaga ako? Mukha bang ako yung naghahabol? Pakiramdam ko tuloy ay ako ang hadlang sa pagmamahalan nina Helios at Camilla.

"Creed..." sabi ko habang humihikbi. Ang sakit sakit ng dibdib ko at naninikip pa. "Huwag mong sasabihin 'to kay Helios, please."

Napabuntong-hininga si Creed. Alam kong sinasabi nya kay Helios kung saan ako pumupunta at kung anong mga ginagawa ko kapag hindi ko sya kasama. At sigurado akong sasabihin nya rin kay Helios ang nangyari ngayon. Malalaman nyang nandito ako. Malalaman nyang nakita ko sila ni Carmilla. At ayoko ng ganoon. Ayokong malaman nya na umiyak ako nang makita ko sila.

"Zuri... Helios needs to know this. Lalo pa at lumapit sayo si Vander." sabi nya pero umiling-iling ako at hinawakan ko pa ang sleeves ng polo nya na parang doon nakadepende ang buhay ko.

"Parang awa mo na, Creed... Ayokong malaman nyang nakita ko sila. Help me at least save my face, please." pagmamakaawa ko sa kanya at muling bumuhos ang panibagong luha ko.

I am pretty sure that I looked so pathetic right now.

Muling napabuntong-hininga si Creed na parang sumusuko. "Alright, Zuri. Hindi ko sasabihin sa kanya. Pero sana ay huwag kang mag-isip ng kung ano-ano base lang sa nakikita mo. You have to talk to him."

Tumango ako sa kanya kahit hindi ko naman gagawin ang sinabi nya. Ayoko lang talagang malaman ni Helios na nakita ko silang magkayakap ni Carmilla at umiyak ako. Nakakahiya.

"Give me your car keys. I'll drive you home." sabi ni Creed at binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko. Gusto ko sanang itanong kung anong gagawin nya sa kotse nya kung maiiwan dito pero parang wala na akong lakas. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako.

Hindi muna ako matutulog sa kwarto ni Helios para sa gabing ito kaya dumiretso ako sa kwarto namin ni Summer. Masyado kasing masakit para sa akin ang mga nakita ko kanina. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang makipag-plastikan sa kanya na okay lang ang lahat pero ang totoo ay nasasaktan talaga ako.

Nakayakap ako kay Summer na tulog na tulog na nang marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto namin. Helios' cologne immediately attacked my nose kaya nagkunwari akong tulog. Naramdaman kong lumubog ang kama sa may tabi ko at alam kong nakatitig sya sa akin. Ilang minuto syang ganoon at pinigilan ko ang sarili kong dumilat kahit naiilang na ako. Then I felt his lips kissed my forehead bago sya tumayo at lumabas ng kwarto namin. Saka lang ako dumilat.

HTBDWhere stories live. Discover now