"Yaya Tams. Iuwi mo agad si Summer after ng class nya, ha? And please 'wag na 'wag po kayong kakausap ng kung sino-sino."
"May problema ba, Ma'am Zuri?"
Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa tanong na iyon ni Yaya Tams, ang babysitter ng anak ko. Siguro ay nahalata nyang hindi ako mapakali which is very unusual for me.
"Wala naman, Yaya Tams. Just do what I said, okay?" tumango naman sya kaya binalingan ko na ang anak ko na tahimik na nakaupo sa sofa. "Hey, baby. Mommy will go na, okay?"
Nag-angat ng tingin ang anak ko at naka-pout pa. "Can you not go to work today, Mommy, please?" nag-puppy eyes pa ang anak ko and I have the urge na gawin na lang ang gusto nya.
Pero alam kong hindi pwede. Kailangan kong pumasok lalo na ngayon. Kapag hindi ako pumasok ay mas lalong maghihinala si Helios na may mali. I should act normal.
"Sorry, baby. But Mommy have to go to work especially today. You saw my boss, right? Pagagalitan nya si Mommy kapag umabsent ako."
Nakita kong nagliwanag ang mukha nya. "Your boss that have the same eyes as mine?"
Napalunok ako. "Yes."
Simula nang magkaisip si Summer ay palagi nya na lang itinatanong sa akin kung bakit ganoon ang kulay ng mga mata nya. Ang sa akin kasi ay kulay brown at sa kanya ay electric blue. Just like her father.
Kaya nang makita nya si Helios ay ganun na lang ang tuwa nya dahil nakakita sya ng kagaya ng kulay ng mga mata nya. Oh, well. He's her father. At ang mga mata lang ni Helios ang nakuha ni Summer sa kanya.
Matapos ang ilan pang pilitan ay pumayag na din ang anak ko na makaalis ako. Pero hindi ako dumiretso kaagad sa trabaho. Sa halip ay pumunta ako sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ko.
"Oh, bading. Kay aga mo yatang mangbubulabog?" bati sa akin ni Jenica pagkapasok ko. Doon kami pumwesto sa may gilid.
"Jen, he saw." sabi ko at nagsimulang mangatal ang mga labi ko. Napasabunot pa ako sa buhok ko. "He saw."
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. No. Hindi nya pwedeng kuhain sa akin ang anak ko. She's my everything.
"Teka nga." sabi ni Jenica at inabutan ako ng tissue. Ginamit ko iyon pamunas ng mga luha ko. "Para kang baliw dyan. Umiiyak basta-basta. From the start kasi!"
"Helios saw my daughter."
Ganoon lang ang sinabi ko pero nanlaki ang mga mata nya. Napatakip pa ito ng bibig. Ilang beses nyang ibinuka ang bibig nya para magsalita pero kaagad ding itinitikom. Napairap ako.
"Para kang baliw dyan." ganting sabi ko sa kanya.
"O to the M to the G! Helios? As in Helios Gallagher? Your daughter's father?!"
Tinampal ko ang bibig nya. Nakakainis! Paano kung may nakasunod na sa aming tauhan ng Gallagher na iyon at marinig ang bunganga ng kaibigan kong 'to?!
"Gusto mo bigyan pa kita ng megaphone?" inis na sabi ko kay Jenica.
"Teka... Teka... I can't breathe." pinaypayan pa ni Jenica ang sarili nya.
Napairap ulit ako. "Ikaw ba ang nanay ni Summer o ako?"
Hinintay ko munang kumalma ang kaibigan ko. Humingi ako ng isang baso ng tubig sa isang tauhan nya doon at ibinigay iyon sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ni Jen matapos mainom ang tubig. Mukhang kumalma na din ito.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. Kung paano nawala si Summer. Kung paano ko sya nakita. Kung paano tignan ni Helios ang anak nya at kung paano nya tinanong kung anak nya ba si Summer.
"Tingin mo may ideya na sya?"
"Hindi ko alam." sabi ko pero sino ba ang niloko ko? Hindi nya itatanong kung anak nya si Summer kung hindi sya nagdududa. Idagdag pa na kuhang-kuha talaga ni Summer ang mga mata ni Helios. Paniguradong pinaiimbestigahan na nya ang anak ko ngayon. "Anong plano mo?"
Natigilan ako sa tanong na iyon ni Jenica. Ano nga bang plano ko? Hindi magtatagal ay malalaman din ni Helios ang totoo. He has his ways for everything. At kapag nalaman nyang anak nya nga si Summer ay paniguradong kukunin nya ito sa akin.
"Itatago ko ang anak ko." nanginig ang bibig ko nang sabihin ko ito kay Jenica.
"You'll play the runaway girl again? Tingin mo hindi ka nya hahanapin? Noong una ay hindi ka nya hinanap dahil hindi nya alam na buntis ka. Pero kapag nalaman nyang may anak na sya, for sure babaliktarin nya ang mundo mahanap ka lang."
"He doesn't love me." sabi ko na parang kasagutan na sa lahat.
"Yes, but you have his daughter. Bakit hindi mo na lang hayaang makasama nya ang anak mo? Malay mo, pumayag syang maghati kayo sa oras ni Summer."
Umiling ako. Kilala ko si Helios Gallagher. Araw-araw ko syang nakakasama sa trabaho. Araw-araw kong nararanasan kung gaano sya kalupit sa mga empleyado nya. And once na malaman nya ang tungkol kay Summer, kukunin at ilalayo nya sa akin ang anak ko.
"Ano ba kasing nangyari, Zuri? Bakit mo hinayaang magka-anak ka sa lalaking yun? He's like a devil in a business suit. Hindi mo naman pwedeng sabihin sa akin na aksidenteng na-shoot lang pagkatapos ay nabuo na si Summer, diba?"
Napatingin ako kay Jenica. Wala pa kasi akong pinagkukwentuhan ng mga nangyari sa akin noon. But maybe it's time to let her know kung anong nangyari five years ago. Para malaman nya kung bakit ganoon ko na lang itago ang anak ko kay Helios. Jenica is one of my true friends.
Nagsimula akong magkwento.
"It all started with this charity party na in-organized ng mga Gallagher." A party I never thought that will change my life.