CHAPTER 23

1 0 0
                                    

Nagtataka ako nang sinundo namin si Summer isang araw sa school nya ay tahimik ito. 

Kadalasan kasi ay kahit nasa kotse pa lang kami at pauwi ng bahay ay nagkukwento na sya kung anong ginawa nila sa school. Pero iba ngayon. Tahimik lang syang nakaupo sa backseat. Nakakunot pa noo nya at ang mga labi ay bahagyang nakanguso.

May nangbu-bully kaya kay Summer at hindi nya masabi sa amin? Kinabahan ako sa isiping iyon.

"Summer, baby? What's wrong?" hindi na nakatiis na tanong ko at nilingon sya sa likod. Napatingin sya sa akin at mas lalong humaba ang pagnguso nya.

"Princess?" untag na din ni Helios na alam kong nagtataka na rin sa kinikilos ng anak namin.

Natigilan ako.

Anak namin? Big word.

"Mommy, can we talk later, please?" halos maiiyak nang sabi nya. Nagkatinginan kami ng boss ko.

"Yes. Sure, baby." malambing kong sabi sa kanya at hindi na ulit sya nagsalita pa kaya umayos na ako ng upo.

Kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin ng anak ko. Ngayon lang kasi syang umakto ng ganito. Hindi kaya may nananakit sa anak ko? Huwag naman po sana. Mapapaaway ako sa bata ng wala sa oras.

Agad akong hinigit ni Summer sa kwarto namin pagkarating ng mansyon. Nakita kong susunod na sana si Helios sa amin pero sinaraduhan sya ng pinto ni Summer. Umupo sya sa kama sa tabi ko na bagsak ang dalawang balikat.

"What's wrong, baby?" malambing kong tanong at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay ko. Tumingin sya sa akin at mukha na talaga syang iiyak.

"Mommy... You know Andrew, right? My bestfriend?"

Tumango ako. "Yes. He's the son of Mommy's friend. What about him, baby?"

"He said.. He said he has a crush on me.. And then he.." hindi matuloy tuloy ni Summer ang sasabihin nya. Mas lalo tuloy akong nacurious. "He.." pagsubok nya ulit at nagpapadyak na ng paa sa sobrang inis.

"And then what, baby?"

"He kissed me!" naiinis na sigaw ng anak ko at ako naman ay nagulat. Ano daw?

"What?" tanong ko dahil baka mali lang ako ng narinig.

"Andrew kissed me, Mommy! On the cheeks!" tinuro nya pa ang kanang pisngi nya at pagkatapos ay muling nagpapadyak sa sobrang inis.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Kung matutuwa ba ako dahil may nagkakagusto sa anak ko, kung maiinis ba ako kay Andrew at kabata-bata pa ay marunong nang manghalik o kung matatawa ba ako sa reaksiyon ni Summer na inis na inis.

"Andrew kissed you on the cheeks?" ulit ko pa at nagulat ako nang takpan nya ng isang kamay ang bibig ko at ang isa nyang hintuturo ay nakadikit sa labi nya.

"Shh! Shh! Daddy might hear you!" sabi nya pa eh sya nga 'tong malakas ang boses.

"I might hear what?"

Napatili si Summer nang bumukas ang pinto ng kwarto namin at iniluwa non ang Daddy nyang nakakunot ang noo. Pagkatapos ay binato nya ng unan ang ama pero nasalo naman iyon ng boss ko.

"Get out! You're not allowed here!" sabi ni Summer at muling binato ng unan ang ama.

"But I heard my name!" depensa ni Helios habang pilit na sinasalag ang mga unan na ibinabato ni Summer. Pinapanood ko lang sila at hindi ko maiwasan ang matawa.

"Out! Girls talk only!" sigaw na lang ni Summer dahil naubos na ang mga unan.

"What?"

"Get out! No boys allowed! Girls talk only!"

HTBDWhere stories live. Discover now