MR. GHOST OR MR. REAL ??
by: TrenzEbor©
Chapter 3
"Pasok na po ako" Humalik sya sa pisngi ni Elena.
Napamata sa kanya ang kanyang ina. At sinalat salat sya.
"Bakit po?" Takang tanong nya.
"Anong oras ka natulog? Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam mo?"
"Okay lang ako nay, napuyat lang ako kagabe dahil sa binasa kong libro." Dahilan nya.
"Sigurado ka?"
"Opo nay. Sige na po." Humalik muli sya sa pisngi ng ina at umalis na pagkaraan.
Pagdating ng school. Didiretso sana sya sa puno ng mangga. Hindi nya maipaliwanag ang tila pagkalulong nya sa lugar na yon. Na parang hindi kumpleto ang araw nya kung hindi sya nakakatambay duon.
Maigi nalang at andyan ang kaibigan nyang si Bing para laging basagin ang trip nyang iyon.
"Madam, later kana tumambay, andyan na prof naten." Nakapamewang pang sabi nito.
Natawa nalang sya sa kaibigan.
"Tara na nga." At sabay na silang naglakad ni Bing.
Nakaabot naman ang dalawa sa klase nila.
Nagkanya kanya na silang upo pagdating ng room.
Isang oras na ang nakalipas, abala ang my dalawampung estudyante sa pagkakayuko.
Ngunit si Meree ay biglang nag-angat ng ulo. Palinga linga.
May narinig kasi syang bulong.
Nagtaka sya kung saan yun nanggaling gayong lahat ng kaklase nya ay abala, kahit ang prof nila ay nasa libro ang mga mata.
Muli syang yumuko para balewalain ang narinig. This time mas malakas pero hindi pa rin nya naiintindihan.
Hindi na tumigil at lumalakas pa. Kaya't yumuko sya, pumukit at tinakpan ng mga kamay ang dalawang tenga. Subalit wala iyong silbi. Hindi nabawasan ang lakas ng naririnig nya.
Mabuti nalang at pagkalipas ng dalawang minuto. Nawala na ang kakatwang mga bulong.
Unti unti nag-angat sya ng ulo.
Ang anino ng ulo nya ang una nyang namataan. At napako ang paningin nya dun. Pakiramdam nya ay may kakaiba. Masyadong maitim ang kanyang anino. Maya-maya ay bigla iyong gumalaw. Napatayo sya ng marahas sa gulat. Ang bakal nyang upuan na kumiskis sa semento ay naglikha ng ingay. Kaya ang lahat ng mata sa kwartong iyon ay nakatutok sa kanya.
Napatayo ang prof nila.
"Ms. Velasco, what's wrong?"
"Nothing .. mam, Im .. sorry for .. being .. careless. Ahm, I .. just want .. to ask .. if I can go .. to the .. restroom?" Paputol putol nyang sabi. Tinatambol kasi sya ng kaba. Dahil may nahagip ang kanyang mga mata. Mabilis na mabilis lang pero sapat lang para makita nya. May umalpas na anino mula sa anino ng professor nila. Kahit gusto nyang isipin na namalikmata lang sya, alam nya sigurado sya sa nakita nya.
"You may go. Then go to the clinic after. Namumutla ka." Ang prof nila ule.
Nilingon nya si Bing na nakatingin sa kanya. Tinanguhan sya nito, at ganun din ang ginawa nya.
Pagkuwa'y lumabas na sya ng silid.
Naglalakad sya sa pasilyo, walang pagmamadali. Hindi sya pupunta ng restroom o sa clinic man.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
Siêu nhiênTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..