MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 26
Nanlalaki ang mata ni Rai ng marating ang pinaglulunggaan ng mga blanties sa mundo ng mga tao. Hindi sya makapaniwala na narating nya ang lugar ng walang hirap.
Nakagawa na ang mga ito ng napakalalim na butas sa ilalim ng lupa. At lumalaki na ang sakop ng mga ito. At sa oras na lumalim ng lumalim ang ginagawa nilang teritoryo. Maaaring gumuho ang nasa ibabaw. At delikado ang mga nilalang na madadamay.
Tiyak, mapapabilang ang mga kaluluwa ng mga ito sa transpormasyong ginagawa ng mga blanties. Ginagawa nilang kanilang kauri ang mga kaluluwang ligaw na kanilang mahuhuli.
Inikot nya ang paningin sa buong paligid. Nakakapagtakang wala syang naabutang ni isang nilalang. Imposible naman na hindi nila babantayan ang kanilang mga teritoryo.
Sa kanyang paglilibot. Natalisod sya sa isang libro. Librong kulay itim.
---------
Gusto na nyang ipagtapat kay Meree ang lahat. Pero sigurado syang mauuwi lang ito sa pagkamuhi ng dalaga sa kanya. At tiyak nyang makasisira lamang iyon sa kanyang mga plano.
Pinagmasdan nya ang muling natutulog na dalaga. Pinatulog nya ito upang maiwasan nya ang napakaraming tanong na ibinabato sa kanya nito. Nilapitan nya ito. At hinaplos ang buhok.
"Matulog ka muna aking prinsesa." Pagkaraa'y ang mga kamay nya ay hindi napigilang haplusin ang mga pisngi nito. "Hindi ko man mailigtas ang iyong puso. Gagawa ako ng paraan para mailigtas man lang ang mga kaibigan mo." At ang kanyang mga labi ay inilapat nya sa noo ng dalaga. Pagkaraan ay may pulbos sya iniihip sa mukha nito. "Magsaya ka muna sa iyong panagip." Tumayo na sya. At naglaho.
Patawarin sya ni Meree ngunit sinamantala nya ang pagiging tamer nya sa dito. Nagagawa nyang kontrolin ito. At ngayon ay ilang ulit na nya itong pinaglakbay sa magagandang panaginip upang hindi ito maging kumplikasyon sa kanyang mga plano na nabuo nya sa pagtitig lang sa mukha nito.
------
Nagulat ang mga bantay ng kuta ni Agaston ng sumulpot si Trenz.
"Mahal na prinsepe?! Hindi ka pinapayagan ng iyong ama na magpunta dito." Sabi ng isang bantay.
Ngunit walang salitang binitiwan si Trenz. Naglakad ng ilang hakbang palapit sa mga ito, at mabilis ang kanyang kilos na sinabuyan ng powder of distraction ang limang bantay. Isang iglap ay naging tila usok ang mga ito, hanggang tuluyang naglaho.
Pagkaraan ay ang naroong mga bihag naman ang hinarap nya. Pinakawalan nya ang mga ito.
"Magmadali kayo. Sa Drimalaya kayo dumiretso --"
"Paano kami magtitiwala sa kauri ng may gawa sa amin nito?" Bakas ang hinanakit sa boses ng nagsalita.
"Wala naman kayong pagpipilian! Di bahala kayo kung san kayo pupunta. Basta umalis na kayo bago dumating si ama, o gusto nyong itulad ko kaya sa mga bantay kanina?!" Nangangalit na sigaw ni Trenz.
Nahihintakutan namang nagsialpasan ang mga kaluluwang matagal ng bihag ni Agaston. Bagamat ang karamihan nilang mga kasama ay wala na sapagkat naibilang na sa mga blanties.
Nang masiguro ni Trenz na sya na lang ang nilalang na nandun. Lumapit sya sa isang altar.
Kinuha nya ang aklat na nakabuklat dun. Isinara. Nagsaboy sya ng pulbos sa kanyang harapan. At naglitawan ang iba't ibang kulay ng sinulid na may iba't iba ring kinang. Ang makinang na kulay buhay na buhay na pula ay kay Meree. Ang mapusyaw na dilaw naman ay kay Tranz. Ang bawat sinulid na nasa kanyang harapan ay may kanya kanyang may-ari. Ang bawat tao o nilalang na nakakasalamuha o lugar man na napupuntahan nya ay nagkakaron ng koneksyon sa kanya. Wala syang kapangyarihang kontrolin ang buhay ng mga ito. Ngunit kaya nyang hilahin ang nagmamay-ari ng bawat sinulid. Upang dalhin sa lugar na gusto nyang puntahan ng kung sino mang italaga nya.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..