MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 29
Kinuha ni Trenz mula sa kanyang bulsa ang maliit na bolang Kristal. Kung saan ikinulong nya ang diwa ni Meree. "Trenz, pakawalan mo ako dito! Hayop ka! Bakit mo ginagawa sa akin to?!"
Nanantiling walang imik si Trenz.
Sinamantala nyang wala ang kanyang ama. Nagtungo sya sa Umbragia. Ang nagsisilbing kaharian ni Agaston, bukod sa Kaharian ng Imperio na si Zafiro naman ang nagmamay-ari. Kailangan na nyang maisakatuparan ang kanyang mga plano bago pa sya maunahan. Pumuslit sya patungo sa silid ng ama.
May kinuha syang libro. Umusok ito ng kanyang buklatin at may humugis na bibig na napapalibutan padin ng usok.
"Ano ang maipaglilingkod ko sayo Prinsepe?" Nagsalita ang bibig.
"Libro ng karunungan. Tulungan mo akong higupin ang kapangyarihan ng anak ng hiyas. Upang tuluyan ng mapasaatin ang kontrol ng buong sanlibutan."
Tumawa ng nakaloloko ang bibig.
"Masusunod prinsepe. Sabi ng mas matalino ka sa iyong ama. Hindi na dapat nya pinaabot ng ganito katagal ang lahat kung kaya namang madali
in."
Pagkatapos ay may mga banyagang salitang binitiwan ang bibig na humulmang mga letra na iniluluwa nito. Na kusa namang napupunta sa bolang kristal na hawak ni Trenz.
"Trenz... Maawa ka naman! Kahit hindi nalang sa akin. Kahit dun nalang sa mga umaasa na ang katapusan ng lahat ay kapayapaan pa din."
Si Trenz ay nanatiling bingi. Kahit anong pakiusap ng dalaga ay hindi nya pinakikinggan.
Ang atensyon nya ay ibinuhos sa ginagawa ng libro ng karunungan.
----
"Yuls, uuwi muna ako sa Zephyr. Hindi maganda ang pakiramdam ko at kailangan ko silang balaan. Mas makabubuti din na umuwi ka muna sa inyong kaharian." Seryosong saad ni Rai.
"Pero paano sila Tranz?" Nilingon pa ni Yuls ang kinaroonan ni Tranz at Carolina. "Si Meree, hanggang ngayon ay walang malay."
"Iuuwi ko muna sila. Umalis na tayo."
Nagpatianod si Yuls kay Rai. Alam nyang sa pamamagitan ng hangin ay nararamdaman ng kaibigan kung may kalaban o panganib.
"Tranz, umuwi muna kayo sa inyo. Bubuhatin ko si Meree at kumapit kayo sa akin." Si Rai.
"May problema ba?" Si Carolina.
"Ipaliliwanag ko pagdating natin dun." Binalingan ni Rai si Yuls. "Umuwi ka na. Ako na ang maghahatid sa kanila." Tinanguhan sya ni Yuls.
Sumunod sina Tranz at Carolina si Rai. At sa isang iglap ay nasa harap na sila ng mansyon ng mga Alcarante. Inihatid ng tatlo si Meree sa silid nito.
"Anong nangyayari Rai?" Hindi nakatiis na tanong ni Carolina.
Mataman munang tiningnan ng una ang dalaga. "Pinatay ni Elena si Prinsesa Ainah."
Nanlaki ang mata ni Carolina sa narinig. "Hindi. Hindi magagawa ni tita yun." Nasa likod na agad si Tranz. Nakaalalay sa dalaga.
"Isang maaasahang mensahero ng hangin ang nagpadala sakin ng mensahe."
"Buhay ni tita Elena ang Hebenitania! Hindi nya gagawin yan!" Sigaw ni Carolina.
"Lin huminahon ka." Pag-aalo ni Tranz.
"Tranz," Humarap sya sa binata at umiyak sa balikat nito. "May hindi tamang nangyayari --"
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..