Chapter 1

7.2K 106 3
                                    

Mr. Ghost Mr. Real?

by: TrenzEbor

Chapter 1

'Yung yakap kang mahigpit ng taong mahal mo. Sana tumigil ang pagtakbo ng oras.'

"I love you Tranz." Bulong ni Meree.

"And I love u so much Meree. Ipagpapalit ko ang kaluluwa ko, makapiling ka lang."

Napamulagat ang dalaga at kumalas sa kayakap.

"No! hindi ako papayag!" Pigil nya ang maiyak. Ayaw kasi ni Tranz na may papatak na luha sa mga mata nya.

Pero ang luha nya ay nag-uunahang bumagsak. Muli syang niyakap ni Tranz.

"Sshhh.. wag kang umiyak pakiusap. Sulitin natin ang panahong magkasama tayo. Pupunuin natin ito ng masasayang alala."

Tumango siya habang nakayuko sa dibdib nito.

Iniangat ni Tranz ang kanyang mukha at pinaliS ang mga luha nya ng malalamig nitong palad. Pagkuway unti unti itong yumuko at marahang hinagkan ang kanyang mga labi.

----------

"ugghhh.. uhu.uhu.." Naghahabol ng hininga si Meree ng magising.

Napahagulhol sya nang ma-realize nyang panaginip lang pala ang eksenang kasama nya si Tranz.

Nagkasya nalang sya sa pagyakap sa unan na madalas hawakan ni Tranz nung nagpupunta pa ito sa kwarto nya.

"Umiiyak ka na naman." Bungad ni Elena. Ang kanyang ina. Umupo ito sa gilid ng kama ng anak at isinuklay suklay ang kamay sa mahaba at alon alon na buhok ni Meree.

"Meree anak, sabihin mo naman kung anong nangyayari sayo. Nahihirapan kaming pamilya mo. Hindi na namin alam kung anong gagawin sayo."

"I-im s-so-r-i nn-a-hay." Sabi nya sa gitna ng paghikbi dahil sa sobrang pag iyak.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Hindi kami galit. Nag-aalala kami." Lalo siyang napaiyak.

Pag-aalinlangan ang nasa puso ni Meree.

Hindi nya kayang sabihin sa kanyang inay ang lahat. Hindi sya sigurado kung maiintindhan sya nito. Dahil ang nangyayari sa kanya ay hindi normal na nararanasan ng isang disisyete anyos. Baka isipin pa nilang, siya ay nababaliw!

'Tranz nasan kna ba kasi? Dalawang linggo na simula ng huli kang nagpakita. Bakit mo ko natitiis?' Hiyaw ng isip nya.

-------

"Hetong pagkain. Isang linggo ka nang halos hindi kumakain. Maawa ka sa sarili mo at sa inay mo, nakikidiet nadin yun. Panu pa pag nlaman yan ng tatay mo. Mag-aalalang tiyak un." Napatingala sya sa nagsalita. Ang tita Liz nya yon, bunsong kapatid ng kanyang inay.

Bumaling ang kanyang tingin kay Elena.

Kung tutuusin ayaw nyang madami ng nadadamay. Naaawa na sya sa kanyang nanay. At nahihiya na rin sya sa kanyang tita.

"Wala kang pasok tita?" Mahina nyang tanonp.

"Nag-leave ako ng one week, para alalayan kayo ng inay mo."

"Im sori tita."

"Ayusin mo ang sarili mo kung gusto mong tanggapin ko ang sori mo." Masungit ang pagkakasabi nito pero di iyon dinamdam ni Meree, dahil alam nya gusto lang nitong bumalik na sya sa dati.

Pero sigurado sya malabo na iyon, dala na ni Tranz ang kalahating parte nya. At ang natirang parte na lamang ang gagamitin nya sa pagsisimulang uli.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon