MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor©
Chapter 8
Naninigas ang katawan nya sa pagkakatihaya sa kama. Mariin nyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Sa gitna ng katahimikan, maririnig ang mahihinang anasan. Hanggang unti unting lumalakas ang magagaspang na anas na di mawari ang pinanggalingan.
Mariin nyang tinakpan ang dalawa nyang tenga at marahas na bumangon.
"Oo na! Alam ko! Hindi ako nakakalimot!" Yamot na sigaw nya.
Maya maya'y namayani muli ang katahimikan.
Tibok ng puso na lamang nya ang maririnig sa katahimikan na yon.
Mabilis. Malakas.
Isang minuto bago mag alas-tres.
Bumangon syang tila robot.
Napunta sya sa isang malaking pinto na sa unang tingin ay aakalaing malaking aparador.
May tinapakan sya ng ilang beses sa ibaba. Tila may sinusunod na password. Pagkuwa'y may panibagong pintuan na nagbukas.
Pumasok sya. Sa kabilang gilid ay may inabot sya. Isang damit. Wari isang abito, lamang ito ay kulay itim.
Tahimik nya itong sinuot pagkuwa'y tinahak ang papunta sa isang altar. Nakamamanghang bawat daanan nyang kandila ay nagkakaron ng sindi.
Nang makarating sya sa altar, may binuksan syang libro.
May kumawalang itim na usok sa libro ng mabuksan ito. Ang itim na usok ay naghugis bilog, nanatili sa gitna ng libro.
Bumalik sya sa gitna. Lumuhod. Idinipa ang mga kamay at tumingala. Dilat na dilat ang mga mata.
Maya-maya'y nagsimula syang bumulong. Mabilis ang pagkakabigkas nya sa banyagang salita. Wala syang preno.
Katahimikan ng matapos sya. Pagkuwa'y bigla nyang isinubsob ang mukha sa lapag. Ilang segundo syang ganun. Bago tumayo.
Muli syang bumalik sa altar. Hindi ang libro ang sadya nya kundi ang maliit na bote na katabi nito.
"Kamusta Tranz?" Nakapagtatakang iba ang boses nya ngayon. Nakakatakot.
"Ikaw kaya dito, at tanungin kita ng ganyan?" Maliit ang boses ng tao sa loob ng bote.
"Malapit ng maubos ang pasensya ko sayo!!" Naglalabas ang litid nya sa pagsigaw.
"Antagal naman." Samantalang kampante ang nasa bote. Nakuha pang itapik tapik ang talampakan.
Huminga ng malalim ang lalaking kanina ay galit na galit.
Napagtanto marahil na hindi nya makukuha sa ganuong paraan ang kausap.
"May usapan tayo." This time mas mahinahon na sya.
"Ikaw ang unang sumira!" Balik ng taong nasa bote.
"Hindi mag-iiba ang plano kung hindi ka nagkagusto sa kanya!" Mababakas nanaman ang pagkaubos ng pasensya ng lalaki.
"At sino ang may sabi na may gusto ako sa kanya?"
"Hindi mo ako malilinlang Tranz!"
"Pwes nagawa ko na! Wala akong gusto sa kanya pero inakala mong meron? Mas assuming ka pa kaysa sa kanya, kaya ka nagkaganyan dahil tatanga tanga ka!"
Nagpakawala ng growl ang lalaki tanda ng di na napigilan galit. Dinakma nya ang bote at akmang ibabato.
Pero muli din nya itong ibinalik sa dating kinalalagyan at tumalikod. Nagmartsa palabas.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ÜbernatürlichesTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..