chapter 19...

1.2K 29 0
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

by: TrenzEbor

Chapter 19

Pakiramdam ni Meree na umaangat sya. Umayos pa sya ng pagkakahiga. Isiniksik nya ang kanyang mukha sa unan nya na may kakaibang init sa pandama nya. Pero bigla syang napadilat ng maramdamang parang may umuugoy sa kanya.

"Aahhhhh!" Tili nya. "Ibaba mo ko Silhuweto! Ibaba mo ko sabeee!" Ikinawag kawag pa nya ang kanyang paa pero nanatiling bingi ang lalaki. Inilabas sya ng kwarto na karga padin.

"Silhuweto! Binabalaan kita! Ibaba mo ko!" Sa nagbabanta nyang tinig.

"Prinsesa, huwag kang malikot. Mahuhulog ka." Babala nito.

"Wala akong pakialam --"

"Silhuweto, ibaba mo na sya." Si Yuls na nakaabang pala sa sala ng bahay nya. Agad itong sinunod ng lalaki.

"Anong ibig sabihin nito? Kaya ako dito umuwi ay para magkaron ako ng katahimikan kahit sandali lang --"

"Meree --" Putol ni Yuls sa sasabihin nya. Seryoso ang mukha. "Tama na ang laro. Oras na para seryosohin mo ang lahat ng ito."

Hindi agad nakasagot si Meree.

"Alam mo bang wala nang bahay na nakatayo dito?" Napamaang si Meree at napatitig sa kausap. "Ipinagiba na ito ni Trenz.

"Anong pinag sa sa bi -- " Inikot nya ang kanyang paningin sa paligid dahil unti unti napupunit ito. Nagkakapira piraso. Tila mga papel na tinangay ng hangin. Hanggang ang buong paligid ay naging kulay puti, para silang nasa alapaap. Maliwanag ang paligid ngunit hindi nakakasilaw.

"At ano ang karapatan nyang gawin yon?!" Bigla ang pagtaas ng boses nya ng makabawi sa pagkabigla. "Kanya ba itong bahay? Ang kapal ng mukha nya!"

"Ayan ang hindi ko alam. Ang bahay na nadatnan mo kanina ay ilusyon lang na ikaw ang may gawa."

Nagtaas sya ng kilay. "Anong ako?"

"Iyon ang gusto mong makita, iyon ang inihain sayo ng kapangyarihan mo. Pero Meree, hindi pwedeng magpabalik balik ka dito lalo at maliwanag pa. Makikita ka ng mga tao at magtataka sila kung ano ang ginagawa mo rito na isang bakanteng lote sa paningin nila." Mapang-usig ang mga titig ni Yuls.

"Kaya pala --" Nagbaba sya ng tingin.

"Anong kaya pala?"

"Nagtaxi ako pauwi dito. Wala akong pera kaya nagpaantay ako. Paglabas ko ng bahay dala ang pambayad. Wala na ang taxi."

"That is what I mean." Pagkuwa'y bumaling ito sa isa nyang tauhan na hindi nawawala sa tabi nya. "Matatagpuan ba natin soon ang taxi driver na yon? Hindi nya pwedeng ipagkalat ang naranasan nya."

"At ano ang gagawin nyo sa pobreng driver?" Sita naman ni Meree.

"Malamang buburahin sa alaala nya ang naranasan nya dito." Si Yuls.

"Huwag!" Apila nya.

"At bakit?" Kunot noong tanong ni Yuls.

"Wala naman maniniwala sa kanya. Huwag nyo nalang syang galawin. Baka makasama pa yon sa pag-iisip nya." Malumanay na paliwanag nya.

"Iyon ba ang inaalala mo? Kung hindi mo alam, iyan ang bagay na sisiw lang sa akin." Yuls smirked. "Maliit lang nuon ang Eulyses Ricafort University. At eksklusibo lang para sa mga tulad nating nilalang. Pero hindi naging madali para sa kanila para maipon ang mga nilalang na tulad natin. Syempre, hindi naman basta basta naibibigay ang pagtitiwala. Kaya nagpasyang isara nalang ni Eulyses The second ang ERU. Pero hindi pumayag ang anak nya na lolo ko at kapangalan din namin. Kaya sya ang namalakad ng ERU at ginawa itong normal na unibersidad. Pero ako, bata palang ako ay pareho kami ng lolo ko sa tuhod ng gustong mangyari. Kaya ibinuhos ko ang sarili sa pag-aaral at pananaliksik. Gamit ang makabagong teknolohiya katulong ang taglay naming kapangyarihan. Binuo at itinayo ko ang FCO sa loob ng ERU. Isa sa ginagawa namen ay ang maingat na pasukin ang subconscious minds ng mga normal na estudyante, at inaalam kung may kakaiba silang nakikilala at nararanasan. At dun dahan dahan naming hinihimok na umanib samen. Sa ganung paraan ko nakilala si Emman at Vince. Katulad mo, si Resthy. Iniisip nyang taga ibang planeta ka dahil kakaiba ka daw kumilos."

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon