Chapter 2..

4.7K 62 3
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL ??

by: TrenzEbor©

Chapter 2

"Ate!?" Nabigla si Elena ng kumalat ang liwanag sa madilim na sala.

"Bakit gising ka pa?" Walang emosyong tanong niya, nilampasan lang si Liz.

"Ate mag-usap tayo!" Kasabay ng pagtayo nya ng tuwid.

Si Elena marahas itong nilingon.

"Marami akong iniisip ngayon, huwag kang sumabay!"

"Ano ba kasing nangyayari? Andami kong gustong itanong sayo pero hindi ko alam paano magsisimula."

"Manahimik ka! Ayun ang makakabuti!"

"Hindi na mabuti ang nangyayari. Nakakatakot na! Kung hindi lang ako naaawa kay Meree, hindi ko matitiis magtagal dito." Kababakasan ng pagbabadyang pag-iyak ang boses ni Liz.

"Umalis kana kung ganun!" Pantay ang tono ng boses ni Elena, tila nababagot lang sa usapang iyon.

"Mas bata ako sayo pero parang hindi ka tumatanda? Parang magkapatid lang kayo ni Meree--"

Inilang hakbang lang ni Elena ang kausap, pagkaraan ay nag snap sya ng mga daliri.

Pagkatapos nun ay naging blangko ang mga mata ni Liz.

Itinapat ni Elena ang bibig sa tenga nito.

"Umuwi ka na! Kahit kailan ay hindi ka naging parte ng buhay namen." Bulong nya.

At tila zombie na kumilos si Liz. Lumakad palabas. Umingos lang si Elena at dumiretso na sa kwarto nya.

Pabalagbag syang humiga.

'Kailangan ko ng humingi ng tulong. Hindi ko na kakayanin mag-isa ito.' Piping usal nya.

Muli syang tumayo.

Kumilos ang kanang hintuturo ni Elena. Tripleng bilis ang pagkilos ng daliri nya. Tila may iginuguhit sa hangin. At paglipas ng ilang minuto, nabuo ang mga iginuhit nya.

Tatlong parang bulak na hugis tao. Wala lang mukha.

"Wala kayong gagawin kundi bantayan si Meree!"

Nagtaas ng kanang kamay ang tatlo bilang pagsang-ayon.

Muli kumilos ang daliri ni Elena at gumuhit sa hangin. Isang vertical line.

Ipinasok nya ang kanyang kamay sa linyang iyon at bahagyang hinawi. Isinunod nya ang kanyang katawan.

Isa palang lagusan patungo sa ibang dimensyon ang ginawa nyang iyon.

Ang iniwan naman ni Elena ay tila may mga sariling isip na nagkanya kanya ng puwesto sa loob ng bahay.

-------

Isang anino ang dahan dahang lumapit sa natutulog na si Meree.

"Matigas talaga ang ulo mo." Nagulat sya ng may magsalita buhat sa likod nya. Naudlot tuloy ang tangka nyang paghaplos sa mukha ng dalaga.

"Hindi ka nag-iisip. Asan ang pakiramdam mo? Hindi mo ba alam kung anong nilalang ang nasa paligid ngayon!?" Pagalit na sita ng isa pang anino.

Napamaang sya sa sinabi nito.

Pagkaraan ay tilang iisang kumilos ang dalawa.

Nilisan nila sa isang iglap ang kwarto ni Meree.

Sapat para hindi sila abutan ng pagsilip ng bantay ng dalaga na iniwan ni Elena.

Sa di kalayuan...

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon