Chapter 24

880 23 4
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

by: TrenzEbor

Chapter 24

"Maligayang pagbabalik Tranz." Si Yuls.

Kasalukuyan silang nasa harapan ng mansyon ng kambal. Papadilim na din kaya nagpasya ng magpaalam sina Yuls at Phantomina. Si Silhuweto ay di malaman kung san nandun.

"Maraming salamat." Sinabayan nya ng ngiti ang sinabi.

"Uuwi muna kami. Bukas nalang kami babalik. Baka nakauwi na ang iyong ama ng mga oras na yon."

"Nakakapagtaka ngang wala pa sila. Mabilis ang oras sa hebenitania kaysa dito. Tiyak na marami na ang nangyari duon sa mga oras na ito."

"Teka, tumuloy sila dun?" Singit ni Meree. "Bakit hindi ako sinama?"

"Hindi pa kasi sila sigurado sa dadatnan nila dun, kaya nga ako ay pinauwi." Si Tranz.

"Kahit na! Paano kung matagalan nanamang makabalik si Inay?" Biglang alsa ng boses ni Meree.

"Kumalma ka nga. Kasama nya si daddy, tiyak na safe sila." Singit ni Trenz.

"Buweno, tutuloy na kami." Bumaling si Yuls kay Meree. "Maiwan kana dito?"

"Ha? Teka." Nilingon nya si Trenz sabay irap dito, pagkatapos kay Tranz naman bumaling.

"Aalis ako. Dito muna kayo ni Trenz." Maagap na sagot ni Tranz.

"San ka pupunta?" Panabay ni Meree at Trenz.

"May kailangan lang akong gawin."

"Sasama na ko kay Yuls." At humakbang na si Meree papunta sa sasakyan ni Yuls.

"Okay fine. Mag-ingat ka Tranz. Dun muna kami kina Yuls." At sumunod na din si Trenz kay Meree.

"Teka! Bakit ka sasama samin?" Pagtataray ng huli.

Huminga muna ng malalim ang una. "As if my choice ako? Baka nakakalimot ka kung ano natin ang isa't isa!"

Hindi agad nakasagot ang dalaga. "Tama na yan, tara na." Aya na ni Yuls.

"Fine!" Bulong ni Meree at padabog ng pumasok ng sasakyan na umandar nadin ng makapasok na ang lahat.

--------

Naiwan si Tranz. Totoong aalis sya. Hindi nya lang masabi sa mga ito kung saan sya pupunta.

Pagkatapos nya isara ang main door. Umikot sya papuntang garahe. Sa may gilid ng kanilang bahay.

Namataan nya ang motorsiklo ni Trenz. Hindi ito masyadong nagagamit. At Matagal nadin ang huli. Sumakay sya dito. In-start at pinainit ang makina. Pagkuwa'y pinaharurot ito. Sandaling tumigil sa gate. Nang makalabas at maisara ito. Muli nyang pinasibad ang motorsiklo.

---------

"Nice place." Saad ni Trenz habang umiikot ang mata sa paligid ng FCO quarterz.

"Thankz." Si Yuls.

"Eskwelahan to di ba?

"Yup, etong north part ay ginawa kong eksklusibo para sa grupo ko. Hindi ito mararating ng mga estudyante ng ERU."

"May banda daw kayo ah."

"We decided to stop, atleast for a while. Hanggang matapos lang ang misyon ko kay Meree."

Napatango tango si Trenz.

"May bisita pala tayo." Si Silhuweto, na dinaanan lang sila at dire diretso ng lumabas.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon