MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 25
Pumarada ang limousine ni Yuls sa tapat ng mansion ng mga Alcarante. Humahangos na sumalubong si Elena. Nakasunod lang sa kanya si Tranz.
Lumabas ng sasakyan sina Yuls, Phantomina, Silhuweto, at ang tatlong tauhan ni Yuls kabilang na ang tamer nito na hindi maaaring hindi nya kasama. Halata sa mukha ng mga ito ang pagkabagabag.
"Si Meree?! Nasan si Meree?!" Agad na tanong ni Elena na tila naramdamang may hindi magandang nangyari sa anak.
Walang nakasagot agad. Nagpalitan ng makakahulugang tingin ang nagdatingan. Si Tranz na tila nababasa ang tinginan ng mga ito ay nakaalalay agad sa tabi ni Elena. "Dun muna tayo sa loob." Aya nya.
"Hindi Tranz. Dito tayo mag-usap. Hindi ako makakampante sa pagkakaupo kung alam kong nasa peligro ang anak ko." Sawata ni Elena.
"Nilamon ng lupa si Meree, maging si Trenz --" Turan ni Silhuweto na di makatingin ng maayos sa mga kasama.
"Asan si Florencio?!"
"Andun po sa lugar na kinahulugan nila. Pinaalis nya ako upang humingi ng tulong."
"Pumunta kaya tayo dun. Hindi pwedeng nakatayo lang tayo dito." Singit ni Yuls. "Ayos lang po ba kayo?" Baling nito kay Elena na tulala.
"Mauna na kayo --" Sagot ni Elena. "--susunod ako. May kailangan lang akong puntahan." Nagsimula itong gumuhit sa hangin at gumawa ng pinto na agad nyang pinasukan. "Magkita tayo dun." Pahabol nito bago tuluyang naglaho kasabay ng ginawang lagusan.
---------
Gamit ang sariling daan, lumitaw si Elena sa isang kwarto. Nagpasya syang lumabas ng matantsang walang tao.
Nang masalubong nya ang may-ari ng kwarto na anyong papasok naman. Napasinghap at nanlaki ang mata nito.
"Kamuzta iha?" Nakangiting bati nya sa dalaga.
Bagamat nabigla ay nakilala agad sya nito. At niyakap. "Tita Elena." At maya maya ay umalog ang balikat nito, tanda ng pag-iyak.
Haplos ni Elena ang likod nito. "Tahan na." Alo nya.
Kumalas sa kanya ang dalaga. "Pasensya na po. Ito ang ating unang pagkikita ngunit ipagpaumanhin nyo po kung hindi ko ito ikinatutuwa."
Nagpahid ito ng luha. Pagkuway pilit itong ngumiti.
"Naiintindihan kita iha." Ngumiti din sya ng pilit.
"Mabuti po at inabot nyo ako. Kaya pala nagdadalawang isip akong umalis kahit importante ang lakad ko. Dun po tayo, ng makaupo." At umuna na ito, sumunod din agad si Elena.
"Nang alanganing oras?" Saad ni Elena. "Pero kung importante ay --" Dagdag pa nya na di na naituloy dahil nagsalita agad ang dalaga.
"Maupo po kayo. Ngayong andito kayo ay mas importante na po ang pag-uusapan natin. Isa pa, hindi naman ako importante sa taong pupuntahan ko."
"Iha --"
"Nagpakita kayo dahil patay na si lola, tama po diba?" Pormal na tanong nito. "Ang isang naitalagang babaylan ng hebenitania ay hindi na makikita pa ng kanyang pamilya, pwera nalang kung namatay na ang isa sa unang itinalaga. At magpapakita lang ang pangalawa, sa bagong itatalaga. Tama po diba?" May hinanakit ang boses nito. "At ako ang malas na itatalaga!" Naluluhang saad nito na di makatingin ng diretso sa kanya.
"Makinig ka iha. Wala na tayong oras. At para sa ikapapanatag mo. Buhay pa si Impo. Lamang ay bihag sya ng kalaban. Hindi mo ba binasa ang aklat ng babaylan? Na pwedeng magtalaga ng isa pa, kung isang babaylan nalang ang natitira dahil wala ng kakayahan ang isa."
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..