MR. GHOST OR MR. REAL?
By: TrenzEbor
Chapter 35 (FINALE) Part 1
"Kaya mo yan anak."
Nakatalikod si Rai sa kanyang ama.
"Hindi ko pa din maintindihan ang dahilan ng lahat. Bigyan mo ako ng rason, magandang rason ama."
"Anak ang mga katulad natin ay hindi pansariling interes ang dapat unahin. Kapakanan ng lahat. Kaligtasan ng lahat. Sa oras na makuha ni Zafiro ang puso ni Meree. Katapusan na ng lahat ng nilikha ni Yezuah. Ano ang gagawin mo kung nasa kamay mo lamang nakasalalay ang pagbagsak ni Zafiro?"
"At ano ang kapalit ng lahat nito? Magtagumpay man ako sa aking misyon. Ako pa rin ang uuwing talo."
"Hindi kailangang may kapalit ang mabuting gawain anak."
Napabuntong hininga si Rai.
"Sadyang mahirap anak. Pero naniniwala akong kaya mo."
---
Dala ng apat na hari ang kani-kanilang sandatahan. Iisa ang kanilang destinasyon.
Sa lungga ni Zafiro.
Sa Imperio.
Hindi basta basta nararating ng kung sino ang Imperio.
Naka-ilang tangka na rin sila na puntahan ito upang maagang masupil ang kasamaan ni Zafiro, ngunit kahit kailan ay hindi nagtagumpay na matagpuan ito.
Sinubukan na din nilang magpatulong kay Yezhua.
Natagpuan nila ang tarangkahan nito, subalit nauwi lang din sa wala ang lahat.
Dahil sa tuwing lalapit sila.
May napakalakas na pwersa ang nagtutulak sa kanila palayo.
Makakapasok lang ang sinuman sa Imperio kapag may pahintulot ni Zafiro.
Pero dahil sa tulong ng isang estranghero. Hawak nila ang ang kasunduan magbibigay sa kanila ng pahintulot na pasukin ang Imperio.
"Andito na tayo."
Sigaw ng isa sa mga kawal.
Nakatayo sila sa kulay pulang lupa. Sa harap nila ay ang napakalaking tarangkahan.
"Ngayon na!" Sigaw ng ama ni Yuls.
Naramadaman n'ya ang pagtapik sa kanyang balikat. Nalingunan n'ya ang ama ni Vince.
"Mag-iingat tayong lahat."
Nagsitango ang tatlo.
At sabay sabay na nagpunta sa tapat ng tarangkahan.
Samantala, ang mga kawal na nasa unahan ay may ginagawa nang ritwal.
Kalakip ng kasunduan ay ang paraan kung paano matatanggal ang kapangyarihang nakaproteksyon sa tarangkahan.
May mga salitang sabay sabay na binanggit ng apat na hari. Pagkuwa'y isang maliit na botelya ang binuksan ng ama ni Vince.
At ibinuhos sa lupa. Lumikha s'ya ng hugis bilog.
Ang ama naman ni Yuls ang yumukod at may inilagay na pulbos sa loob ng bilog.
At muli, sabay sabay silang may binanggit na mga salita.
Hindi nagtagal, ang tubig at pulbos ay kumilos, umangat. At nagsama na tila hinahalo ng hangin.
Isang may kalakihang berdeng botelya ang binuksan ng ama ni Emman.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..