Chapter 9..

1.5K 37 11
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

by: TrenzEbor©

Chapter 9

Di alam ni Meree kung nasan sya. Alam nyang nakadilat sya pero parang iba. Maliwanag na malabo ang paningin nya. Yellowish ang kulay ng liwanag, sapat para di sya masilaw pero wala syang matanaw na kahit ano.

Itinaas nya ang mga kamay nya. Parang nangangapa sa hangin.

"Meree?! Salamat at nagising kana!" Boses iyon ni Elena.

"Nay? Anong nangyari?" Tanong nya.

"I'll call the doctor!" Pamilyar ang boses ng nagsalita.

"Sige iho. Salamat!" 

"Wait! Tranz? Ikaw ba yan? Wag ka umalis! Saglit." Close to hysterical ang boses ni Meree. Siguradong sigurado syang boses ni Tranz yun.

Katahimikan.

"I'll be back." Ang sabi pa ng kaboses ni Tranz.

Nagsinungaling sya ng sinabi nyang babalik sya. Dahil pagkatawag nya ng Doktor. Exit ng ospital ang sumunod na tinahak nya. Tatlong araw na din kasi sya sa ospital. At ngayong nagkamalay na ang dalaga, it's time for him na um-exit na din sya sa buhay nito.

Nakakapagtaka na hindi ininda ng dalaga ang pagkabulag nya. Samantalang iyon ang unang- unang napapansin ng mga pasyenteng bulag na pagkagising nila.

Kung tutuusin, wala syang kinalaman sa babaeng iyon. Hindi naman sya ang nakabangga. Though pakiramdam nya, parte sya kaya nangyare iyon. Ipinagkamali ng dalaga, na sya si Lui Terenz ay si Tranz. Ang kakambal nya.

Sabagay, sino ang di magkakamali. Identical twins sila. Boses, kilos. Likes and dislikes. Kapag di sila magkasama, walang makapagsasabi na dalawang tao sila. Para silang salamin ng isa't isa.

At ng pagkamalan nyang siya si Tranz at nasaktan ito dahil dun, he feels like he's the one to blame. Pero ngayon gising na ito. Inisip nyang patatahimikin na sya ng konsensya nya.

Sinalubong sya ng kanyang ina sa bungad palang pagdating nya ng bahay nila.

"Iho. Galing ka Sa ospital?"

Tumango sya. Lumapit sa ina at humalik sa pisngi.

"Di ka pa ba napapagod anak? Pakawalan mo na sya."

Wala siyang maisagot. Alam nyang ang mama nya ang mas nahihirapan sa ginagawa nya. Niyakap na lamang nya ito.

Anim na buwan ng comatose si Tranz. Week ago. Kinausap sila ng doktor ng kapatid. Desisyon na lang nila ang hinihintay para tuluyan ng pagpahingahin si Tranz. Mga makina nalang daw ang dahilan kaya patuloy sa pagtibok ang puso nya.

Hindi sya pumayag. Ayaw nyang bigyan ng false hope ang mama nya kaya hindi nya sinasabi dito na maibabalik pa nya si Tranz? Di lang ganun kabilis. Medyo Matatagalan lang dahil sutil si Tranz, pakiramdam nya nakikipagtaguan kaluluwa nito sa kanya.

'Mahuhuli ko din sya. At ibabalik ko sya!' Piping pangako nito sa sarili.

---------

Kagagaling nya lang sa pribadong silid ni Tranz. Walang pagbabago ang kondisyon nito. Ano pa nga ba ang dapat asahan?

Uuwi na sana sya. Palabas na sya ng ospital.

Napapalatak sya. At binago ang destinasyon.

At hindi kwarto ni Tranz ang sadya nya this time, kundi ang kwarto ng babaeng dinala nya dito.

Urong sulong pa sya ng nasa pinto na ng kwarto.

"Nay, bakit hanggang ngayon wala akong makita? Anong nangyayari?!" Dali dali syang pumasok ng marinig nya ang mga sigaw na yon. Nakita nyang umiiyak ang nanay ng dalaga. Pilit na pinakakalma ang anak.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon