Chapter 23

927 27 0
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

by: TrenzEbor

Chapter 23

Bumalikwas ng bangon si Meree at nagsisigaw. May katawan na agad sumalo sa katawan nya. Niyakap sya at inalo. Sya naman ay umiyak ng umiyak. At dahil nakapikit sya, hindi nya nakita ang pagliwanag ng katawan ng kayakap nya na sandali lang ay nawala din.

"Its ok. Your safe now." Alo nito.

"Tranz, anong meron sa kwarto ng kapatid mo? Parang impyerno!" Saad nya sa kabila ng paghikbi.

"Anong sinasabi mo Meree?" Tigagal na tanong ng kausap nya.

"Nang sumilip ako sa kwarto nya kagabe, nakita ko! Nag-aapoy ang buong silid! May mga kaluluwang sinusunog --"

"Tama na! Hindi maaari ang sinasabi mo dahil ikinandado na ni daddy ang kwartong yon bago maghapunan kagabi. At Ikaw, hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo at tinangka mong talunin ang hagdan."

Nanlalaki ang mata nya sa sinasabi ng kaharap. "Ang nakita ko, ay nakita ko." Mahinang usal nya.

"Marahil ay panaginip lang yon."

"Nasan si Trenz?"

"Bakit mo sya hinahanap?"

Masama ang binigay nyang titig dito. "May problema ka ba Tranz? Kahapon ay ang lambing mo --"

"May gagawin pa pala ako. Sinamahan lang saglit ng nanay mo si daddy. Dyan ka lang, babalik din sila agad." At iniwan na sya nito sa silid nya. Sya naman ay nalilito. Sinipat nya ang kamay nyang may bandage.

"Minsan ayoko ng matulog. Kada gising ko ay parang madaming agad nagbabago at nangyayari." Bulong nya at tumayo upang sundan si Tranz.

Paglabas nya ng kwarto ay agad sa dulo ng pasilyo ang punta ng kanyang paningin. Ang tumbok na kwarto nun ay nakasara ngayon, pero tila hinahatak padin ang mga paa nya papunta dun.

Na pinagbigyan nya. Tinungo nya ang dulong kwarto. Natigil sya ng nasa harap na sya ng pinto.

Hahawakan nalang nya ang seradura ng may nagsalita sa likod nya.

"Hinahanap ko ang susi nyan pero di ko makita." Lumapit si Tranz sa pinto, hinawakan ang seradura at tinangkang buksan. "I told you, sarado." Tinalikuran na sya nito at naglakad palayo.

Napairap sya ng lihim. Bumaling sya sa palayong lalaki. "Tranz!" Huminto ito at Nilingon sya."May problema ka ba?" Mabini ang pagkakasabi nya. Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Okay naman tayo kahapon diba? Hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema. Tell me. Andito lang ako for you."

Nagsalubong ang mga tingin nila.

"Para kang si Trenz!" Salubong ang kilay at nakanguso pang sabi ni Meree.

"Bakit? Ano bang ugali ni Trenz?" Tanong nito nang di inaalis ang tingin sa kanya.

"Nakakatakot tumingin! Parang naglilihi sa kasungitan --"

Natigil sya sa pagsasalita dahil tinalikuran na sya nito. Di naman sya natigil. Halos patakbo syang lumapit dito at inabot ang braso nito. "Tranz, dun tayo sa garden."

Nabigla siya ng iwasiwas nito ang braso nya. Dahilan para masalampak sya sa lapag ng makabitiw sya.

"Prinsesa!" Patakbong lumapit ang bagong dating na si Silhuweto. Pero saglit lang ay tumayo din upang harapin ang may kagagawan ng pagkalugmok ni Meree.

"Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na saktan si prinsesa?!" Tangka na sanang susugod si Silhuweto. Hinila lang syang bigla ni Meree.

"Epal ka kamo --!" Si Meree na agad ding natigilan hindi sa pagsulpot ni Yuls, kundi sa sinabi nito.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon