MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 20
Maramdamin ang muling pagtatagpo ng mag-ina. Lalo na sa parte ni Tiara.
"Ma, i miss you." Mahigpit na yakap ni Tranz ang ina na walang humpay sa pag-iyak. Inihatid sya ni Meree sa bahay nila. Ayaw nya pa ito pauwiin ngunit nagpumilit ito. Ang pamilya daw nya ang dapat muna nyang makasama. Pinagbigyan ito ng binata.
"Anak, magagalit kaba kung after two months mong nakaratay hindi na kita pinuntahan pa sa ospital?"
"Alam mo ma na mas mabuti yun sa akin. Para hindi kana umasa pang babalik ako. Pero si Trenz, nag-aalala ako sa kanya ma. Sya ang labis na nagdaramdam sa mga pangyayari."
"Ewan ko ba sa daddy mo kung anong klase ang nilikha nyang iyon. Masyadong balat sibuyas."
"Ma!" Gimbal si Tranz sa sinabi ng ina. Napakalas sya dito.
"Bakit iho? Tao ako ngunit tanggap ko na ang lahat ng mga nangyayari. At nakahanda na ako. Ipinangako ng iyong daddy na sa Eternalandia walang hanggan tayong magsasama iyon ang importante saken.
"Ma, anong nangyari sayo?!" Lalo syang nagimbal ng unti unti nag-abo ang kaharap nya. Hanggang tuluyan itong maglaho. "Mama!!" Sigaw pa nya.
"Tranz anak! Maligayang pagbabalik --" Nakabukas pa ang bisig na salubong sakanya ng kanyang ama na si Florencio.
"Dad! Maigi at nandito ka! Si mama dad, naging abo sya hanggang tuluyang naglaho. Dad! Hindi maaaring wala tayong gawin!" Nagpapanick na ang binata.
"Iho, kalma lang. Ang lahat ay nakaayon sa plano."
Natulala syang napatitig sa ama. "Wala akong maintindihan dad."
"Ang mama mo ay nasa Eternalandia na. Ang kayakap mo kanina ay reflexia na lamang nya. Para salubungin ka."
"D-dad --"
"Tiningnan ko lang ang magiging reaksyon mo mahal kong anak. At hindi ako nagkamali. Tumitibok padin ang puso mo!!"
"Aahhh!!! Dad nasasaktan ako!" Ang hintuturo ni Florencio ay bahagya ng nakabaon sa kaliwang dibdib ni Tranz.
"Sinabi ko na sayo na lahat ng makataong gawain at pakiramdam ay kalimutan mo na hangal ka!! Ikaw ang mamumuno ng Drimalaya at hindi maari doon ang mga gawing ganyan!!" Halos maglabasan ang litid ni Florencio sa leeg. Pagkuway binitawan si Tranz. At sumadsad ang katawan nya. Tumilapon sya ng may ilang metro.
Tumikhim si Florencio. "Anak, ang lahat ay nakaplano na diba?" Ngayon naman ay ubod ng hinahon ang boses nito. "Pumayag ka na diba? Ano ito? Bakit ka andito?"
Marahan tumayo si Tranz salo ang kaliwang dibdib na ngayon ay dumudugo. "Dad, hindi naman ako nakakalimot. Pero si Trenz, ayaw nyang umuwi. Alam mong hindi mapipigilan ang ritwal ni Lusiana na isinalin kong lihim kay Meree. Kukuhanin ko si Trenz dad. Patutulong ako kay Meree."
Inilang hakbang lang ni Florencio ang pagitan niya sa anak. Hinawi ang kamay nito at itinapat ang palad sa may sugat nitong dibdib. Ilang minuto lang ay wala ng bakas na nagkasugat iyon, pwera nalang sa mga patak ng dugo. Sinunggaban nya ng yakap ang anak. "Patawarin mo ako. Lately madaling uminit ang ulo ko. Alam mo naman na nakasalalay sa atin ang kaayusan ng lahat. Hindi tayo maaaring mabigo anak. Si Meree at si Trenz ang nakatakdang magkasama para magkatulong nilang balansehin ang iba't ibang mundo."
"Yes dad, alam ko po yan. Magtatagu pay po tayo. Sigurado ako." Ang tangi nyang nasabi.
---------
"Prinsesa?" Untag ni Silhuweto kay Meree. Sinundan nya ang dalaga sa rooftop ng FCO building.
"Prinsesa?" Ulit nito
"Ano?!"
"Hindi ako bingi, bakit ka sumisigaw?"
Wala syang nakuhang sagot dito.
"Sinusumpong ka nanaman no?" Pangungulit pa ni Silhuweto.
"Lumayas ka dyan. Tigilan mo ako."
"Ano ba kasing problema? Bigla bigla nalang antahimik mo. Samantalang alam kong madaldal ka."
"Ipinasa ko na kasi sayo ang kadaldalang iyon. Its working."
"Ano?!" Gulat na gulat pa ito. "Bakit mo naman ginawa yon prinsesa? Alisin mo to sakin."
"Sira! Naniwala ka naman?" Tumayo na sya at iniwan ito.
Humabol din naman sakanya. "Okay lang prinsesa. Naniwala ka naman na naniwala ako e. Quits lang." At humalakhak ito. Napahinto si Meree at tinitigan sya.
"Bakit?" Patay malisyang tanong ng lalaki.
"Ang korni mo." At tinalikuran na nya ito. Na muling humabol din agad.
"Prinsesa sabay na tayo."
"Huwag ka ngang kumapit sakin. Ano ba bakit ang ligalig mo?!"
-------
Tila hindi naman nagulat si Carolina ng si Tranz ang mapagbuksan nya ng pinto.
Agad ding pumasok ang dalaga. Nakasunod si Tranz pagkatapos maisara ang pinto.
Di pa man gaanung nakakapasok...
"Carolina, sandali lang ako --"
"Edi umalis ka na --"
" -- sa katawang ito!'"
Agad syang nilingon ng dalaga. Nagsukatan sila ng tingin.
"Ulitin mo Tranz." Halos bulong lang iyon.
Hinawakan sya ng binata sa kamay at hinila papasok ng sala ng bahay upang maupo.
"Makinig ka Carolina. Hindi nakalaan ang kaluluwa ko dito sa lupa. May misyon ako. At ang katawang ito ay ibibigay ko kay Trenz."
"Bakit? Di ba may katawan naman yun? Teka nasan ba si Trenz?" Biglang hindi mapakali ang dalaga. "Tranz naman, tanggap ko nang hindi mo ko mahal pero --
Hindi na natapos pa ni Carolina ang sasabihin dahil sakop na ng labi ni Tranz ang labi nya. Nanlaki ang mata nya sa pagkabigla.
Nang makabawi ay marahas nya itong itinulak. Ngunit imbes na lumayo. Hinatak pa sya nito palapit at niyakap ng mahigpit. Walang maisip na sabihin si Carolina. Hindi na nya napigilan ang luha nya. Napansin nalang din nya na yumuyugyog na ang balikat ni Tranz.
Hinayaan nya itong umiyak ng umiyak. Ito ang unang pagkakataon na nakita nya ang binata sa ganung sitwasyon.
Mga bata palang sila nito, mahal na nya si Tranz. Na pilit nyang itinatago, dahil tila gwardya si Trenz na laging nakabantay sa kanila. Na hindi natigil kahit magdalaga at magbinata na sila.
Hindi sya nagkaron ng pagkakataon na magtapat kay Tranz dahil unang una, babae sya at hindi magandang tingnan na sya pa ang unang magsasabi ng nararamdaman nya dito. Ngunit nagulat sya ng isang araw komprontahin sya nito.
"Carolina, kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin, itigil mo na! walang katugon yan! Masasaktan ka lang!" The same rude Tranz as he ever be. Tandang tanda pa nya un.
"I dont understand you." Maang nya pa.
"Oh come on lady. Its so damn obvious!"
Pero kung akala ni Tranz titiklop sya dahil dun, lalo ba lumakas ang loob ni Carolina. And the night at the party She made a move nga. That unfortunately, led to a nightmare.
Nagulat si Carolina ng biglang tumayo si Tranz.
"Goodbye." Akmang tatalikod na ang lalaki ng pigilan nya ito at sampalin. "Ganun ganun lang ba yon? Susulpot ka kung kelan mo gusto? Aalis ka kung kelan mo gusto?"
Pero iba ang ganti ni Tranz.
He snatched her neck and landed his lips on hers. At this time the kiss is like there is no tomorrow will come.
Inilayo ni Tranz ang mukha nito kay Carolina. Ilang pulgada lang ang layo. "Look, my life here is too short and I better not waste it on this huncky-puncky thing."
"Mahal mo ko diba?" Madamdaming tanong nya na hindi pinansin ang sinabi ng binata.
"No!" Pagkasabing pagkasabi ni Tranz ay muling lumagapak sa pisngi nya ang kamay ni Carolina.
"How dare you! Sinungaling! Impokrito --"
Hindi na natapos pa ni Carolina ang sasabihin dahil ang labi nya ay sakop na naman ng labi ni Tranz.
Napalayo si Tranz ng malasahan ang luha ni Carolina. Agad nya itong niyakap. "Im sorry Lin. I cant love you, atleast not on this world."
Iginaya nya itong maupo muli.
"I came here rushing, crying dahil ikaw lang ang maiiyakan ko. And as always. Si dad kapag wala talaga si Trenz he's rude to me. Nasasaktan ako pero hindi ko ipinakikita sa kanya. Hindi nya pwedeng makita. He is so eager na magkalapit si Meree at Trenz, dahil iyon daw ang makabubuti sa lahat. And ako, gusto nyang maging angel knight. Palagi ko syang sinusunod. Pero ganun padin ang trato nya sa kin. But still he's a great dad, samin ni Trenz. Atleast when my twin is around." Malungkot na pahayag ni Tranz.
"And Trenz, he is somewhere. Kasama ang mga kauri nya, pero hindi pa din sya ligtas. At kailangan makuha ko sya dun."
"Naguguluhan na ako. Bakit naging mas kumplikado ang mga buhay nyo."
"Si dad, naging possesive na sya sa pagbabalanse ng iba't ibang mundo. At sunud sunuran kami sa kanya."
"Para sa ikabubuti ng lahat yun di ba?
"Na kaming pamilya nya ang nagsa-suffer."
Parehong walang mahagilap na sasabihin ang dalawa.
"Tranz --" Untag ni Carolina. Nilingon ito ng binata.
"Pagkatapos ba ng lahat, mamahalin mo na ako?"
"Hindi."
"Lumayas kana kung ganun."
Nagsukatan ng tingin ang dalawa.
Maya-maya'y tumayo si Tranz.
At tinahak ang pinto palabas.
--------
"Si Tranz nasa main gate --" Halos sabay na lumapit sa monitor sina Silhuweto at Meree.
"Ano ba ang laki laki mo, lumayas ka dyan." Pangigitgit ni Meree.
"Excited si Prinsesa o, andyan crush nya. Gwapo kasi."
"Muka mo! Ako ba ang excited o ikaw? Baka ikaw may crush dyan, halos makipagpalit ka ng mukha sa monitor!"
"Kayong dalawa talaga, daig nyo pang mga bata." Iiling iling na sabi ni Yuls.
Walang sagot mula sa dalawa, bagkus ay nag-unahan pa ang mga ito makalabas para salubungin si Tranz na napagbuksan na ng gate.
"Madapa ka prinsesa!"
"Ikaw ang madadapa kapag di mo ako tinigilan."
"May gusto ka talaga kay Tranz no!"
"Huwag mo nga ako idamay sa kadumihan ng utak mo!" Inirapan nya pa ito. "Tranz! Dito."
"Hi Meree." Nakangiting salubong ng lalaki dito.
"Mabuti at naisip mong magpunta dito."
"Oo, kailngan ko kasi ang tulong mo."
"Sure tara sa quarterz namen." At magkasabay naglakad ang dalawa. Si Silhuweto ay bahagyang nagpaiwan.
Nagkamay si Tranz at Yuls.
"Maigi ok na kau." Si Meree.
"Sila ni Vince ang may alitan." Ani Yuls.
"Banned kasi ako dati dito." Nakangiting saad naman ni Tranz.
"Mahigpit kasi si Vince. Gusto nya, ang lahat ay dadaan sa scanner. Teka, mabuti ang nagpunta ka. May dapat tayong pag-usapan. Dun tayo sa loob."
Magkakasunod ang lima papunta sa opisina ni Yuls.
"Maupo ka. Huwag mo pansinin ang mga asungot."
"Asungot ka dyan." Hinampong singit ni Phantomina.
"Yung dalawa po, hindi ikaw." Malambing na sagot naman ni Yuls.
"May favoritism talaga dito e!" Si Silhuweto.
"Pasensya kana Tranz, magulo talaga si Silhuweto --" Si Meree.
"Bakit ako?"
"Magsilabas kaya kayo?" Si Yuls.
"Behave na ako." Na umirap pa kay Silhuweto.
"Ayoko lumabas." Si Silhuweto na ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
"Yuls kanina, you're talking to?" Si Tranz na bahagyang nakakunot ang noo.
"Ah, si Phantomina. Isa syang Umbragian. Hindi talaga sya makikita ng normal na mata." Tumango tango si Tranz.
"Kaya nga pala ako nandito, kailangan ko ng tulong. Si Trenz, nasa kamay sya ng mga blanties. Pati ang mga inosenteng floating entities ng Drimalaya. Kailangan natin silang mailigtas bago sila gawing mga blanties din."
Marahas na napatayo si Meree.
Ang mata tuloy ng lahat ay nasa kanya.
"Kailangan nating tulungan si Trenz!
" Pagkuway sabi nya.
"Grabe prinsesa ha. Intense ng reaction?"
"Makinig muna kayo." Si Tranz na ang mata ay na kay Meree.
"Ang tamer mo ay si Trenz gamit ang katawang ito."
"Paanong nangyari yon!" Si Yuls naman ang intense ang reaction.
"Iyon ang totoo, kahit itanong nyo pa kay Florencio. Ang daddy ko."
"Anak ka ng magiting na si Florencio?" Manghang tanong ni Silhuweto.
"Kakasabi lang! Paulet ulet?" Banat ni Meree.
"Oo, kami ng kakambal kong si Trenz. Ama namin ang magiting na si Florencio."
Hindi na nakapagsalita pa si Yuls. Napapaisip sya, dahil paanong ang kauri ng kanilang kalaban ang sya palang tamer ni Meree. At anak ni Florencio na matindi ang hangaring matalo ang mga Blanties...
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..