chapter 14..

1.3K 27 0
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor



Chapter 14



Pagkahatid ni Trenz kay Carolina. Napagpasyahan nyang umuwi sa kanila. Kinailangan nya pang patulugin ang dalaga bago sya makaalis dahil andami nitong sinasabi tungkol sa bahay ni Meree. Kesyo madaming pinto papunta sa iba't ibang dimensyon ang naroon sa bahay na yon. Hindi pa ito ang tamang panahon para suungin nya ang mga bagay na di sya sigurado sa hahantungan nya.

"Dad!" Nagulat pa sya ng madatnan ang ama sa sala. Sinalubong nya ito ng yakap. Bihira kasi ang pagkakataong nagkikita sila. Masydong abala ang ama nya sa mga bagay bagay na ayaw nitong ipaalam sa kanila.

"Im glad you're here dad." Nakangiti nya pang sabi.

"Why I had this feeling na peke ang mga ngiti na yan?" Biro ng kanyang ama.

Lalong napangiti si Trenz. "Kaw talaga dad. Where's mom?"

"Pinatulog ko na. Hinintay talaga kita. May dapat tayong pag-usapan." Bumakas ang kaseryosohan sa kanyang ama na nagpakaba sa kanya.

"What is it dad?"

"Si Tranz, hindi na sya babalik. Give him up son."

"How could you say that dad?" Puno ng hinanakit ang boses niya.

"Sa maniwala ka at sa hindi. Kagustuhan nya ito. Para sa inyong dalawa."

"Eh ang gusto ko dad? Does it matter on this family?!"

"Ofcourse yes! Intindihin mo naman anak! Ang katawan mo ay maglalaho na! At si Tranz handa syang ibigay ang katawan nya sayo." Mula sa mataas na tono ay naging mabini ang boses ng ama nya.

Natahimik siya. Ang dating ay parang sya pa ang lumalabas na makasarili.

"Pangarap ng kapatid mo ang maging angel knight. Pipigilan ba natin sya?" Wala padin masabi si Trenz. "Lumaki kasi kayo sa mundong ito kaya mahirap para sayo ang mawalay sa kapatid mo. Pero sa mundo natin, isang karangalan ang gagawin ni Tranz. May mundong nag-aabang sa labas ng bawat mundo na ating kinabibilangan. At dun nakatakda tayong magsama sama lahat."

"Dad, i dont know what to say. Im sorry. Goodnight." Umalis sya sa harap ng ama at nagsimulang maglakad palayo.

"Anak, hindi mo palaging matatakasan ang mga bagay bagay tandaan mo yan."

Dumiretso sya sa kanyang kwarto at ibinagsak ang kanyang katawan sa kama. Nanatili syang tulala ng ilang minuto. Ganyan lang ang kaya nya. Ang tumulala. Kahit ambigat na ng pakiramdam nya dahil sa sobrang emosyon na naghahari sa kanyang katauhan, hindi nya ito maiiyak dahil walang kakayahang magproduce ng luha ang kanyang katawan. Ang kanyang katawan na maikukumpara sa isang putik o clay na inihulma lamang at inihugis gaya ng sa katawan ng tao. Dahil sya, ayon sa kanyang mga magulang ay iniluwal ng kanyang ina na tila anino lang at walang katawan. Naging tapat ang mga ito sa tunay nyang katauhan. Ang hindi lang nya alam, at hindi rin maipaliwanag ng mga ito ay kung panu sya naging blanties gayong tunay na tao ang kanyang ina at galing sa angkan ng salamangkerang Celferina ang kanyang ama na naitakwil lang dahil hindi maaari ang lalaki sa lahing iyon.

Tumayo sya at nagtungo sa cabinet nya. Kumuha sya ng damit pamalit. Sa bawat pagbukas nya ng cabinet na yon ay palagi syang mapapaisip kung ano ang ibig sabihin ng mga simbolong nakaukit sa dingding nun na katulad sa simbolo na tinatapakan nya ngayon. Pinagwalang bahala nalang nya yun gaya ng ginagawa nya dati.

Naligo sya. Nakahanda na syang matulog ng maisipan nyang magpalit ng kumot at punda.

Sa pag pagpag nya, napayuko sya ng may papel na nahulog. Napangiti sya ng matuklasan na isa pala itong litrato. Litrato na matagal ng nawawala.

"Andyan ka lang pala. San kaba napunta?" Nakangiti nyang kausap dito.

Litrato iyon ng isang batang babae. Hinuha nya ay pito hanggang siyam na taon ang edad nito ng kunan.

Nahulog iyon sa bulsa ng kanyang daddy, nung minsan umiwi ito nung 12th bday nila ni Tranz. Isosoli na sana nya ito ng masilip nya ang litrato. At nang oras na yon, mas nanaig ang kagustuhan na angkinin yun. Nababatubalani sya sa ngiti ng batang babae. Naging ugali nya tuloy nun na masdan ang litrato twing gabi.

Nagkaron din sya ng kagustuhan na hanapin ang nasa litrato, ngunit palaging nagkakaaberya hanggang sa nawala nalang ito.

----

"Good morning mom, dad." Bati nya kasabay ng pagdulog sa hapag.

"Mukhang maganda ang aura ng anak ko." Nakangiting sabi ng daddy nya.


Tumawa sya ng payak. "Nga pala dad. Maalala ko --" Dumukot sya sa bulsa at may kinuha sa wallet nya. " -- sino ito?" At inabot nya ang litrato ng batang babae. Napuna nya agad ang magkaibang ekspresyon ng mga magulang. Nakangiti ang kanyang ina. Pagkabigla ang sa kanyang ama.

"Ayan si --"

"Ainah!" Salo ng daddy nya sa tangkang sasabihin ng mommy nya na this time pagkabigla naman ang nasa mukha.

"Si Ainah yan iho. Isa sa matalik kong kaibigan."

"Kaibigan nyo dad? Kaedad nyo?"

"Mas matanda ata sya sakin ng bahagya. May problema?"

"Ah w-wala dad! Tara ng kumaen."

Pero deep inside of Trenz, nalilito sya. So all this time inlove sya sa babaeng kaedad ng kanyang mga magulang. Bigla tuloy nawala ang sigla nya. Pursigido pa naman syang hanapin na ang nasa litrato.

Pero ngayon? Para ano pa? Para magpatong patong na ang dissappointment na nararamdaman nya ngayon?

"Dad? Payag na pala ko sa gusto nyo ni Tranz --" Lumiwanag ang mukha ng kanyang ama. "-- pero hayaan nyo munang magkausap kami. Hahanapin ko sya."

"Kung iyan ang gusto mo anak." Sagot ng ama nya, na ipinatong pa ang kamay sa kanyang balikat. "Bueno, aalis muna ako. Babalik din ako agad. May naghihintay sakin saking bulwagan."

Tumayo ito. At mismo sa kanyang kinatatayuan ay may humugis ng bilog at umilaw. Kasabay ng pagkawala ng ilaw, naglaho din sya.

Kahit tao si Tiara na ina ni Trenz. Hindi na bago sa kanya ang mga ganung tanawin kaya't hindi na sya nagugulat.

-------

Si Silhuweto ay nakahinga ng maluwag ng marating nya ng matiwasay ang bulwagan ng magiting na pinunong Florencio na kilala sa mahusay na paghulma ng katawan na gaya ng sa tao. Kailangan ito ni Silhuweto upang makagalaw sya ng walang hirap sa mundo ng mga tao.

Sa bulwagan ay may sumalubong sa kanya. "Ano ang kailangan mo isang Umbragian?

"Ako si Silhuweto, maaari ko bang makausap ang pinunong Florencio?"

"Ano ang maipaglilingkod ko sayo?"

Nagliwanag ang mukha ni Silhuweto at agad yumukod. Hindi nya alam na kausap na pala nya ang kanyang hinahanap. "Kailangan ko po ang tulong nyo. Gusto ko pong magpagawa ng katawan na aangkop sa pakikipagdigma."

"Pakikidigma?" Ulet ni Florencio.

"Opo, ang nalalapit na digmaan na layong kunin ang anak ng kristal. Ang sabi ng nagpapunta sakin dito, banggitin ko daw po na ang layunin namin ay protektahan si Meree. Alam nyo na daw ang ibig kong sabihin."

Hindi na napuknat ang titig ni Florencio sa aninong bisita. Hindi nya maiwasang mag-aalala para kay Elena at kay Meree.

--------

"Impo, anong nangyari kay Agaston? Bakit nawala ang katawan nya? Bakit naging tila anino --"

"Blanties Elena. Isa syang Blanties."

Napasinghap si Elena. "Ang mga nilalang na itinakwil ng panginoong Yesuah??"

"Oo. Kinupkop sila ng lahing Umbragia dahil pareho lamang silang nagtatago sa dilim. Ngunit ang pinuno nilang si Agaston ay likas ang kasamaan. Binihag nya ang buong lahi ng Umbragia kapalit ng katawan na nais nya. Pero dahil hindi matatag ang kapangyarihang taglay ng itim na salamangkerang pinagbentahan nya ng mga Umbragians. Saglit lang ay nalusaw na ang katawang pinagawa nya. Ngunit hindi sumuko si Agaston. Sinuwerte syang makakilala ng isang Celferina. Salamangkerang puti na bihasa sa paghulma ng katawan bilang reflexia. Nakipagkasundo si Agaston dito. Kapalit ng binhi na nais ng salamangkera, dahil gusto nito magkaanak. Nagawan ng matibay na katawan si Agaston. Nito lang nakaraan, nakaengkwentro sya ng isang Celferina, binawi sa kanya ang kanyang katawan. Subalit tuso at madaming paraan si Agaston. Tila umayon pa sa kanya ang mawalan ng katawan." Mahabang paliwanag ng Impo. "Hindi sya pwedeng magtagumpay sa masama nyang balak."

"Ang aking si Meree --"

"Oo, sya ang sadya ni Agaston. Kailangan nya si Meree upang makontrol ang labintatlong mundo."

"Pero si Meree ay isa lamang bata."

"Isang bata na taglay ang kapangyarihang pangingilagan ng lahat. Kasalanan mo kung bakit lumaki syang mahina." May bahagyang paninisi ang tinig ng Impo.

"Kasalanan bang hangarin ng ina na malayo sa kapahamakan ang anak?"

"Hindi mo sya anak Elena!"


"Siyam na buwan ko syang dinala sa sinapupunan ko --"

"Nilamon na ng kaisipang tao ang utak mo! Alam mo ang tangang responsibilidad ng hiyas na pinagkatiwala sayo. Pero inuna mong maawa gayong kung hindi mo yan pinairal wala kang aalalahanin ngayon. Kung umpisa palang iminulat mo na sya sa tunay nyang mundo, di sanay lumaki syang ganap na tagapangalaga ng kristal. Ngayon, umiyak ka man ng dugo, wala ka ng magagawa para pigilan ang kanyang kapalaran."

Bawat salitang binibitiwan ng Impo ay tila punyal na tumatarak sa puso nya. Wala na syang masabi dahil batid nya ang katotohan sa lahat ng sinasabi nito.

--------

"Lusiana?" Nilingon ng binibini si Teriz. Kasabay ng paglibot ng kanyang paningin sa lugar kung san dati ay punong puno ng buhay kahit mga naliligaw na nilalang lamang ang naninirahan. Ang dating puno ng kulay na bulaklak ngayon ay nangamatay. Ang talon na may nangingintab na tubig ngayon ay tuyot na. Hindi kababakasan ng kagandahan ang dating lugar na kahanga hanga.

Sapagkat ang kagandahan ng lugar ay nakasalalay sa nararamdaman ng tagapangalagang si Lusiana. Nung mga panahong masaya sya sa maraming nilalang na kanyang naaalagaan, buhay na buhay ang lugar. Subalit simula ng unti unting mawala ang mga nilalang sa di maipaliwanag na dahilang, nagsimula syang malungkot at maratay.

"Lusiana, hindi ka maaaring sumuko. Isipin mo ang kanilang pagbabalik --" Nakuha ni Teriz ang atensyon ng binibini. "Hindi kita nakilalang madaling sumuko."

"Ang kakayahan ko ay nakapalibot lang sa lugar na ito. Ang pag-alis nila ay hindi ko kontrolado."

"Naniniwala ka bang iniwan ka talaga nila?"

"Kung hindi, ay nasan sila?!"

"Binihag?"

Napamulagat si Lusiana. "B-binihag n-nino?"

"Nabalitaan kong nasa lupa ang pinuno ng mga Blanties."

"H-hindi m-maaari --"

"May magagawa pa tayo."

"Kailangan kong makausap si Meree. Kasalanan nya ito!" Gigil na sabi ni Lusiana.

------

"Meree, hanggang kailan mo kami pahihirapan?" Si Rai sa matigas na tinig.

Nanatiling nakatingin lang ang dalaga sa malayo. Ganyan na sya simula ng kunin nila ito kay Trenz. Nakatulala lang. Hindi nagsasalita kahit tanungin.

"Yuls!" Saglit lang ay mabilis na dumating ang tinawag, kasama ang lima nitong tauhan. "Ubos na pasensya ko dito!" Bumaling ito sa limang nakaputi. "Ibalik to sa kwarto nya!" Mabilis naman kumilos ang lima. Subalit bago pa nila mahawakan si Meree ay tumayo na ito na pailalim ang tingin.

"Hindi nyo ko mapipilit gawin ang ayaw ko!!!" Ubod lakas na sigaw nito.
Kasabay nun ang tila ipo ipo na lumabas sa bibig nito. Nagtalsikan ang lahat ng gamit sa kwartong iyon, pati ang limang tauhan ni Yuls, kasama sya at si Rai.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon