MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 13
Sa magarbong sala ng mga Ricafort nag-aabang ang tila inip na inip nang si Rai gayong kadadating lang nya.
"Napasugod ka?" Si Yuls. Pabagsak pa itong umupo.
"We must talk." Seryosong pahayag ni Rai.
"Then talk!"
"Here?!"
"Is it serious?"
"What do you think?" Bakas ang pagkabugnot sa boses ni Rai.
"Let's go to my office."
At sa pangunguna ni Yuls, magkasunod silang naglakad palabas ng living room.
A very huge and sophisticated room ang pinasok nila. Ang buong paligid ay bakas ng karangyaan. Magkapanabay silang naupo sa magkaharap na one seater sofa.
"Nakita ko na si Meree." Ani Rai pagkaupong pagkaupo.
"Well good news. Asan sya."
"Hawak ng isang blanties."
"W-what?!" Ekseheradong napatayo si Yuls. Nanlaki ang mata sa nalaman.
----------
Napatag na ni Meree ang sahig sa walang pagsidlan na pagbalik balik nito. Naiinis na sya dahil magdidilim na tulog pa din ang dalawa. Gusto na nyang makauwi sa kanila. Hindi na sya komportableng tumunganga sa bahay ng may bahay knowing na may mga dapat syang atupagin. At isa pa, bigla nyang naisip ang nanay nya. Tiyak hinahanap na sya nito.
Malayo na ang nalalakad nya mula sa bahay ni Carolina ng may kamay na humila sa braso nya.
Marahas syang napalingon.
"San ka pupunta?!" Madilim ang anyo ni Trenz.
"Uuwi samin. Saan pa ba?" Mataray nyang sagot.
"Ihahatid na kita!"
"Sasama ako." Si Carolina na huminto sa tapat nila sakay ng kotse ng binata.
Napabuntong hininga sya ng marahas. Kanina kasing gusto nya ng kasama, wala syang maapuhap kahit isa. Ngayong napagpasyahan nyang umiwi mag-isa parehong nandyan ang dalawa. Inirapan nya si Trenz at nagmartsa papunta ng sasakyan.
"Ano nanamang problema mo?" Asar na tanong ng binata ng makapasok nadin ng sasakyan.
Irap lang muli ang isinagot nya.
"Now you know the feeling ng pinagsusupladahan. Ganyan ka di ba?" Singit ni Carolina, pagkaraa'y pinaandar na ang kotse.
Walang isang oras ay narating na nila ang bahay ng dalaga.
"Dito ka nakatira Meree?" Si Carolina na parang manghang mangha na ewan.
"Yup. Bakit?" Tanong nya.
"Hindi ko maipaliwanag. Iba't ibang klase ng kapangyarihan ang nandito." Natutulalang sabi ni Carolina. "Ang iba nga ay hindi ko alam na nandito nadin sa mundo ng mga tao."
"Wala akong naintindihan." Si Meree.
"Safe bang pumasok sa loob?" Singit ni Trenz.
Napalingon ang dalawa ng padabog na lumabas ng kotse si Meree.
"Anlaki ng problema nun!" Inis na turan ng binata.
"Hindi mo kasi pinapansin." Nakakaloko ang ngiti ni Carolina.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..