MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 27
"Kaya pala iba ang pakiramdam ko sayo noon pa man!" Sigaw ni Silhuweto sa kabila ng tila may invisible na pwersa mula kay Trenz na pumipigil sa kanyang kumilos.
"Tama na Trenz! Hindi kita nakilalang marahas!" Sigaw ni Tranz.
"Pwes nagkakamali ka ng pagkakakilala sa kapatid mo!" Sigaw muli ni Silhuweto.
"Nangangati akong patulan ka. Kaya lang hindi mo ba nanaising makita muna ang pinakamamahal mo bago kita patayin? Sayang naman ang pagpapalaya ko sa kanya."
"Nasan sya? Nasan si Vera?!" Halos maputol ang litid nito gawa ng pagsigaw.
"Kung sinunod nila ako, nasa Drimalaya sila."
"Walanghiya ka! Kampante ka pa sa kabila ng kasamaang ginawa nyong mag-ama!"
"Kung balak mo sya hanapin, kumilos ka na! Baka maisipan kong ngayon pa lang ay tapusin ka na!"
"Babalikan kita --" Gigil na saad ni Silhuweto.
"Hihintayin kita!" Pagkaraan ay pinawalan ni Trenz si Silhuweto na agad ding nilisan ang lugar kasunod si Phantomina na mula kanina ay tahimik na tinatanggap ang lahat ng bagong nalalaman.
Muling hinarap ni Trenz si Rai, maging si Yuls. "Gamitin nyo ng maayos ang itim na aklat. Kapag nasayang ang pagod kong nakawin yan sa ama ko. Baka dun ko maisipang durugin kayo!"
"Ikaw ang kumalabit sa akin --" Natitilihang tanong ni Rai.
"Maging ang nagbigay ng tamang daan sayo papunta dun." Si Trenz na bahagya pang yumukod.
"Itong itim na aklat --" Marahang sambit ni Yuls. Ang mata ay na kay Rai. "-- ay hindi natin mababasa kung walang permiso ng may ari o nang nilalang na nagmamahal sa may ari --"
"May permiso ko na iyan!" Agad ding sabi ni Trenz. "Sa kabila ng mga ginawa ni Ama, mahal ko pa din sya. At hindi magbabago ang katotohanang ama ko sya." Bumuntong hininga pa ang binata. "Ang masaklap lang ay ibang tao ang inaakala nyang makakahati nya sa aklat na iyan at hindi ako."
"Sino?" Usisa ni Yuls.
"Amidala ang pangalan ng babaeng pinakamamahal nya ayon dyan. Na syang inaasahan nyang tanging magkakaron ng kakayahang kontrolin ang aklat bukod sa kanya."
"Sino yun?" Tanong ni Yuls.
"Hindi ko rin alam. Kilala ko ang lahat ng babaeng dumaan sa buhay ni ama. Pero wala akong kilalang may ganuong pangalan."
"Magagawa mong traydurin ang iyong ama Trenz?"
Kibit balikat lang ang isinagot nya. Pagkuway binalingan si Rai na mas piniling makinig na lang. "You're welcome ha. Masasabi kong hindi nyo ako kaaway, ngunit di ko din maipapangakong kakampi nyo ako." At humakbang na sya palayo sa mga ito. Ang mga hakbang ay patungo kay Tranz kung san nandun si Meree at Carolina.
"Tranz -- "
Mapait ang ngiti nito ng lingunin sya.
"Salamat. Atleast ngayon alam ko na kung bakit ganun ang trato nya sa akin."
"May ginawa ba syang hindi ko alam?"
"Wala." Ngumiti muli ito. "Salamat sa pagpoprotekta mo sa akin."
"Aayusin ko ang lahat Tranz. May mundo ang pagmamahalan nyo ni Carolina, huwag kayong bibitiw."
"Kayo ni Meree?"
![](https://img.wattpad.com/cover/5068850-288-k73632.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..