Chapter 11

1.5K 29 3
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor©



Chapter 11



Ipinarada ni Trenz ang sasakyan nya sa tapat ng bahay na sinabi ng dalaga.
"Parang wala namang tao sa bahay nyo. May susi ka ba?"

"Wala eh."

"Tara, dun ka muna sa bahay ko."

Nilingon ito ng dalaga. "Ayoko nga!"

"Edi dyan ka sa kalsada."

"Talaga!"

"Matigas talaga ang ulo mo no?!"

"Sino ba ang hindi?"

"Nakuu... Meree naman .. Tigilan mo na nga yan. At isa pa. Wala ka bang kakaibang nararamdaman sa bahay nyo?"

Natahimik si Meree.
Akala kasi nya sya lang ang nakakaramdam ng iba. He felt somehow relieved na may kasama sya.

"Trenz, try natin sa likod."

"May madadaanan ba dun?"

"Pinto."

"Jusko, mauubos ang dugo ko sayo! Baba!"

Bumaba si Meree na nangingiti ng lihim. Nalilibang ang dalaga na asarin ang kasama.

Inakay nya sya nito. Gaya ng ginagawa sa isang bulag.

"Pakiramdam ko mali na magpunta pa tayo dito. Ansama ng kutob ko." Si Trenz ulet.

"Maas lalong dapat tayong tumuloy. Panu natin malalaman kung may katuturan ang kutob natin?" Si Meree.

"Curiousity kills the rat." Bugnot na banat ng binata.

"Fortunately, hindi ako daga!" Ganting banat ng dalaga.

Bumuntong hininga ng marahas si Trenz. Halata ang pinipigil na pagkapikon.

"Para namang anlayo ng likod bahay namin." Basag ni Meree sa katahimikan.

"Eto na tayo. Ano na?" Si Tranz.


"Di ako sure pero try mo na din. Paki-alis yun rag jan. Di ba may tatlong coins? Hanapin mo yung coin na 2011, hukayin mo lang ng mababaw yung lupang kinalalagyan, andun yung susi."

Napapailing pa si Trenz pero sumunod padin. Ang ginawa nga lang nya, ay hinukay lahat.

"Wala dito. Tara na." Dala ng pagkabagot, hinila na nya ng marahan si Meree.

Nilingon nya ito ng di man lang ito kumilos.

"Meree, tara na!"

"Trenz, san mo ko hawak, kaliwa o kanan?"

Saglit lang ay alam na ni Trenz ang ibig sabihin ni Meree. Kanang kamay ang hawak nya. Mabilis nyang hinila ang kaliwang kamay nito pero hindi matinag.

"Hindi ako ang may hawak ng kaliwang kamay mo! Hilahin mo!" At magkatulong sila sa paghila pero wala padin tinag ang parteng iyon.

Lumingon si Meree sa kaliwa. "Sino ka! Anong kailangan mo?"

Maya-maya'y nagsalita ule sya.
"As if sasama ako."

"Sinong kausap mo Meree?!" Sigaw ni Trenz.

"Di ko Getz itsura nito. Kulay itim sya gaya ng gabi. Isinasama nya ko --"

"Shit!!" Palatak ni Trenz nang lumutang sa lupa si Meree, nakatingala. Nagkakakawag ang paa nya.

'Trenz, tullunggan moo kayaa akoo.' Si Meree.

"Langya, hanggang telephaty, demanding ka!" Pero kumilos din agad ang binata.

Luminga linga sya. At ng makita ang nais, sigurado ang hakbang na tumungo duon. Naghanap lang pala ng maayos na pwesto.
Umupo. At ipinikit ang mata.

1
2

3 segundo.
Humiwalay ang kaluluwa ni Trenz sa katawang lupa niya.
Ngunit hindi katulad ng ibang kaluluwa.
Ang kanya ay kumukinang ang kaitiman sa gabi.

Para syang hanging kumilos. Sinugod ang nilalang na ka-amok ni Meree na ngayon ay malinaw na malinaw na sa paningin nya.
Nabitiwan ng itim na nilalang si Meree dahil sa ginawang pagsakal dito ni Trenz .
Bumagsak ang dalaga na wala ng malay.

Nagpang-ambot sila .

Nagsukatan ng lakas.
Nang makalingat ang itim na nilalang, ay may inilabas mula sa kung saan si Trenz na ngayon ay nasa palad nya ..
Pulbos na kulay dilaw.
Hinipan nya iyon.
At ... Nagsisigaw ang itim na nilalang.
Hiyaw ng nakakaranas ng matinding sakit ..

Hanggang maya-maya ay naging usok na lamang ito. 
HAnggang tuluyan ng naglaho.

Sandali pang tinitigan ng kaluluwa ni Trenz ang walang malay na si Meree.
At ilang sandali lang ay bumalik na sya sa kanyang katawan.
Binuhat si Meree at dinala sa sasakyan.
Binuhay ang makina at umalis na. Na tila walang nangyari.......

------

"Carolina, kailangan ko ang tulong mo!" Agad na bungad nya pagkabukas na pagkabukas ng pinto na kinatok nya ng walang tigil.

Mula sa bahay ni Meree ay nagtuloy sila sa bahay ni Carolina. Childhood friend ng kambal.


"Carolina!" Nilaksan nya kaysa normal ang kanyang boses.Paano ay literal na natulala ang kaibigan.

"S-siya ang --" Itinuro nya pa ang nangininig na mga daliri.

"Oo, alam ko! Kaya nga dinala ko siya agad dito. Ano, dito nalang kami?" Ma-otoridad ang kanyang tinig.

Tila lutang pa sya ng mag-give way sakin.

Dumiretso si Tranz sa isang kwarto at inilapag dun si Meree.

"Paano mo sya natagpuan?" Titig na titig ito kay Meree.

"Wala akong alam nung una. Akala ko pa nga, dahil sakin kaya sya nakakaranas ng kakaiba. Yun pala mas matindi pa sya kaysa inaakala ko! Alam mong walang kwenta ang katawang ko. I did Astralore ng mapansin kong may gustong tumangay sakanya na hindi ko nakikita. Mga Blanties pala ang umatake sa kanya. And there I found out, yung sinabi mong tila kristal na pagkinang dahil sa sinag ng buwan. Nakita ko kanina sa kanya. Para syang babasagin."
Hindi siya sigurado kung nakumbinsi nya ito. Na bagamat totoo naman ang sinabi nya. Hindi naman nya kinumpleto sa dahilang ayaw nyang banggitin dito si Tranz.

"What?" Nagpakita ang binata ng kaunting pagkairita ng mapansing titig na titig sa kanya si Carolina.

"Hindi ba ito makakasama sa atin? Lalo na sayo? Lalo at aware na ang pinuno ng mga Blanties sa existence nya. " Halata ang pagkabagabag sa boses ni Carolina.

"Mapaghahandaan naman natin ang lahat. Sa ngayon, maaari mo bang gamutin ang mga mata nya?"

"Ha?" Nagulat pa si Carolina pero nilapitan din agad si Meree. Binuklat ang talukap nito at siniyasat.
"Anong problema sa mga mata nya?"

-------

"Vince, pinauuwi ka ng ama mong hari. May kaguluhang nagaganap sa inyong kaharian." Si Yuls. "Ikaw din Emman, matagal kana palang hindi umuuwi sa inyo? Dumating daw ang mga magulang ng ex mo." Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Yuls.

Masamang tingin naman ang iginanti ni Emman at saka pabalagbag na tumayo at umalis.

"Kayong dalawa lang ang maiiwan dito?" Si Vince.

"Walang maiiwan dito. May kakatawan naman para sa atin. Ako ay may tatapusin, kung susuwertehin. Madadala ko pa dito ang mga kaibigan nating bampira." Halata ang excitement sa boses ni Yuls. "Ikaw Rai, hanapin mo si Meree."

"Gagawin ko! Tingin ko hindi naman sya nawawala. Itinatago nya ang kanyang sarili sa atin."

"Anong ibig mong sabihin?" Panabay na tanong ni Yuls at Vince.

"Gumagamit na sya ng kapangyarihan nya. Through her mind, through her tongue. Everything is possible."

"Sigurado ka?"

"Im afraid yes!"

"Shit. Delikado ba tayo?" Yuls again.

"Im not sure. Sa pagsubaybay ko sa mga kilos nya. Mukhang hindi nya nakuha ang ugali ni Agaston."

"Huwag tayo pakasiguro. Tutulungan muna kita sa bagay na yan."

"Kung hindi lang ako kailangan ni ama, hindi ko kayo iiwan." Si Vince. "Pero babalik ako agad."

-----------

Mabigat ang talukap ng mga mata ni Meree ngunit pinilit nya pa din dumilat.

Malabo ang paningin nya nung una hanggang unti unting luminaw.

Hindi pamilyar sakanya ang kwarto na kinaroroonan nya.

"Nay!" Napamura sya ng matantong wala syang boses.

Tumikhim tikhim pa sya. Parang may nakabalandra kasi sa lalamunan nya. Tinangka nyang tumayo. Pero ng itungkod nya ang braso upang pambwelo.Napasigaw sya sa sakit.

-----------

Pabalyang hinila ni Trenz si Carolina. "Anong ginagawa mo?!" Pagalit nyang tanong. Sumigaw kasing bigla ang tulog pading si Meree.

"Tumigil ka nga! Pasasalamatan mo din ako pagkatapos nito. Hindi sya bulag Trenz. Hindi na nya alam ang totoo sa hindi kaya isinarado nya ang paningin nya para sa mundong ito. Ang mundo pang ito na pinakamadaling makontrol." Mahabang paliwanag ni Carolina.

"Pero tinatakot mo sya!" Hindi padin nagbababa ng boses si Trenz.

"Bakit?!" Pagalit na hinarap nya ang kaibigan. "Tingin mo panu nya haharapin ang tunay nyang mundo kung sa simpleng panggising lang sa diwa nya...pinipigil mo na! Hanggang kailan mo kayang panindigan ang pagprotekta sa kanya?!"

"Anong pinagsasabi mo?" Maang na tanong ni Trenz.

"Umalis ka akong bahala sa kanya!" At inirapan ito ni Carolina.

At muling nilapitan ni Carolina si Meree.

-----

Napatingin si Meree sa bintana. Sa paanan ng kamang kinaroroonan nya ay ang kabinet na may lifesize mirror. Halos katabi lang nito ang bintana na nasa left side, na may katapat ding bintana on the right.

Yung kurtina sa kaliwang bintana gumalaw then ung kurtina naman sa right side. Yung parang may dumaan sa kaliwang bintana then lumabas sa kanan. Pero wala naman syang nakitang gumawa nun.

Napatulala sya. Ilang ulit kasi yun. Pabalik balik. Tila Labas masok ang hangin?

Dahan dahan syang umupo. Baka kasi may maaninaw sya kapag ginawa nya yon.

Nakaupo naman sya ng maayos. Papikit pikit pa dahil sa pagsigid ng kirot. Napapikit sya ng mariin dahil masakit talaga sa katawan ang paggalaw. Napasigaw muli sya nang dahil pagdilat nya, kadiliman ang sumalubong sakanya pero nawala din sa isang iglap. Parang may tumakip lang sa mukha nya. Napaatras sya. Hanggang nakasandal na sa headrest ng kama. Nanginginig.
Natatakot. Daig pa nya ang nagtatatakbo sa bilis ng tibok ng puso nyo. Pati paghinga, naghahabol sya. Nakaupo sya sa sulok na magkadikit ang tuhod. Yakap ang mga binti. Patuloy padin sa pagsalit na paggalaw ang mga kurtina. Hanggang sa parang nagkakaron ng kulay ang hanging naglalabas masok. Nagiging kulay itim. Parang nagtila usok. Nakaisang balik pa ng huminto ito sa bandang paanan nya. Natulala sya. Pigil ang hininga.
Unti unting nagkahugiS ang itim na hangin. Bumaba ito sa sahig. Sa sulok. Parang naghuhugis tao ..

Naghugis . . . . . . . . . . SIYA!!
Nandilat ang mata ni Meree ng masiguradong tama sya. Kawangis na nya ngayon ang kaninang walang hugis na usok.

Pareho sila ng pagkakaupo. Nakatitig ito sakanya. Parang may gustong sabihin ang mga titig nito.
Parang kutsilyo ang mga tingin nito na tumatarak sa puso nya.
Naiyak na sya.

"Idilat mo ang iyong mata. Buksan mo ang iyong puso.." sabi ng kamukha nya.

Paulit ulit ito. Natuturete tuloy sya.
"Tumigil ka na!!" Magkahalo na ang salita nya, panginginig, pag-iyak, sigaw.

Lalo na ng may umagos na luha sa mga mata nun.
Luha na kulay pula..
DUGO!!!

Umiyak ito ng umiyak ng dugo. Hanggang kumalat na sa sahig. Hanggang.. parang may baha na ng dugo.

Naghisterikal na sya ng mapansin nyang napakabilis umangat ng dugo sa sahig. Konting konti nalang aabot na sa kama nya.

--------

Hindi na nakatiis si Trenz nilapitan muli si Carolina na tirik na tirik ang mata. Hinila nya ito.
"Tama na yan!"

"Hangal!" Galit na sabi ni Carolina.
"Itinatago nya ang sarili nya kaya hindi sya nakakakita. Ang mga bagay na nakikita nya ay hindi nya pa alam na nag-eexist kaya hindi yon kasama sa binura nya sa utak nya."

Napatanga si Trenz.

"Iyon ang gustong mangyari ng utak nya pero hindi sya aware na isa yon sa kapangyarihan nya."

Naglakad ang babae palabas ng kwarto.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon