MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 18
"Carolina --" Humakbang pang palapit si Meree. "Ano ang kinalaman mo sa ipinagkaganyan ni Tranz?"
Imbes na sumagot ay humagulhol pa ito. Lumapit na sya ng tuluyan dito. Inakay patayo at niyakap.
"K-kasalanan ko lahat Meree. Kung hindi dahil sa katangahan ko, kasama ko pa dapat sya ngayon." Pagtatapat nito sa kabila ng paghikbi.
"Ano ba talagang nangyari? Tarang umupo." At muli nya sana itong aakayin paupo sa gilid ng pigilan sya nito.
"Meree, may reaksyon sya sa twing nagsasalita ka." Ang mata nito ay nasa aparatong nagpapakita ng heartbeat rhythm ni Tranz.
"Paano mo naman nasabi --"
"Ayan! Nakita mo? Kilala nya ang boses mo." Hindi malaman ni Meree kung natutuwa o naiiyak ito. Hindi din naman nya maintindihan ang sinasabi nito.
"Tara munang umupo. Mag-usap tayo. Kailangang maintindihan ko lahat. Baka sakaling maibalik ko sya." Kumbinsi nya dito pagkaupo nila. Tila naman nakuha nya ang atensyon nito.
Ilang minuto din ang katahimikang namayani.
"Nasa party kami nang gabing yon -- " Nagsimulang magkwento si Carolina.
**( The day Tranz got an accident )
"Hey where are you going?" Pigil ni Carolina ang braso ni Tranz.
"Uuwi na lang." Malamig ang tinig nito.
"No please. Im sorry for kissing you. I cant help it. You know how much I love you!"
"And you know that I cant love you the way you wanted!" Mariin ang bawat salita ni Tranz."Look Carolina!" Halata ang pagkaubos ng pasensya sa boses ng binata. "Ilang beses bang kailangan kong ipaliwanag, ipakiusap na panatilihin natin kung ano tayo noon. Hanggang dun lang ang kaya kong gawin." Si Carolina tahimik na umiiyak.
"Magpasundo ka nalang. Uuwi na ko." Tinalikuran nya ang dalaga.
Sumakay si Tranz sa kotse nya. Paglabas ng lobby ng gusaling pinanggalingan nya, ay tinahak nya ang daan pauwi.
Saglit lang ay marahas syang napabuga ng hangin. Pagalit na hinampas ang manibela at pabalyang itinabi ang sasakyan.
Binuksan ang passenger seat.
"Sakay!" Sigaw nya kay Carolina.
"Isinakay kita dahil hindi ko maatim na may babaeng naglalakad sa kalsada ng gantong oras habang ako kampante sa sasakyan ko. Nagkakaintindihan tayo?"
Tango ang isinagot ni Carolina.
Dahil madaling araw na, malinis ang kalsada. Ngunit sa di malamang dahilan ni Tranz, di nya magawang iarangkada ang sasakyan.
At mas lalo nyang ikinabigla ang nangyari.
May bumundol sa sasakyan nya. At sa lakas ng impact agad syang nahilo at pinandiliman ng paningin.
"Tranz!" Pilit ginigising ni Carolina ang kasama. Wala syang galos maging si Tranz sa nangyaring bangaan. Dahil sa ginawa nyang shield palibot sa kanila. Ang di nya maintindihan ay kung bakit ito walang malay.
Mas lalo syang nagimbal nang makita nyang humiwalay sa katawan ni Tranz ang tila usok.
"No! No! Tranz dont leave. Bumalik ka Tranz!" Pero wala ng nagawa pa ang mga sigaw nya. Tuluyan ng tinangay ng hangin ang kaluluwa ni Tranz.
NEWSFLASH:
Kaninang alas dos ng madaling araw. Isang Rumaragasang puting SUV ang naligaw sa kabilang lane dahilan upang sumalpok sya sa isang itim na starex na kung tutuusin ay hindi kabilisanang takbo.
Pawang nagsosolo lang ang sakay ng bawat sasakyan. Buhat sa nakalap ng aming source. Ang nagmamaneho ng puting SUV ay nakilalang si Farah Reyes. Idineklara syang dead on arrival. Samantalang si Lui Taranz Alcarante ang sakay ng itim na starex ay isinugod sa pinakamalapit na pribadong ospital. Wala itong malay sa kasalukuyan.
Ayon sa mga saksi. Tila lasing daw si Farah Reyes dahil wala sa ayos ang pagmamaneho nito. Kinasihan naman ito ng mga pulis. Lumalabas na ang may kasalanan ay si Farah Reyes. Walang nakakaalam kung ano plano ng pamilya Alcarante, gayong patay na ang disin sanay masasampahan ng kaso.
Ilang beses nawalan ng malay si Tiara, dahil sa nangyari kay Tranz.
"Ma, please calm down. Mapapagalitan ako ni Daddy kapag sayo naman may nangyaring masama." Si Trenz na nakaalalay sa ina.
"Ano ang sasabihin ng daddy mo Trenz? Eto nalang ang gawain ko, ang alagaan kayo."
"Ma, malalaki na kami. Kami na dapat ang nag-aalaga sa inyo. Huwag kang mag-alala Ma, hindi mawawala satin si Tranz. Ipahahatid ko na kayo sa bahay. Kami na ni Carolina ang bahala dito." Nagpahinuhod naman si Tiara.
Nang magtanaw na malayo na ang Ina. Tinabihan nya sa pagkakaupo si Carolina.
"Mag-usap tayo!" Umpisa ni Trenz. "Naririnig mo ba ko Carolina?" Bahagya pang tinaas ng binata ang kanyang boses para makuha ang atensyon nito na pirming nakatulala.
"O-oo sige." Sagot naman nito na tila wala sa sarili.
Napaangat ng ulo si Trenz ng may tumikhim. "Yes?" Isang babae at lalaki ang nakatayo sa tapat nila.
"We are looking for Alcarante's?" Magalang na tanong ng lalaki. Tumayo si Trenz.
"Hi, Im Trenz Alcarante." In-extend ni Trenz ang kanyang kamay sa dalawang kaharap.
Unang nag-abot ng kamay ang lalaki.
"Im Ed Villanze and my wife Belle. In behalf of our family, we are very sorry for what happen." Sincerely said by Ed.
"That was an accident and we dont blame anyone. We extended our condolences. Wala na kaming balak pang magsampa ng kahit anong kaso o reklamo."
"But atleast, let us pay for the bills." Nagsalita ang magandang asawa ni Ed.
"No. Huwag nyo nang alalahanin yun. Isa kami sa may-ari ng ospital na ito kaya walang problema sa bills."
Saglit pa silang nag-usap bago maluwag ang mga dibdib na nagpaalam sa isa't isa.**
"Pagkatapos nun ay agad akong tinanong ni Trenz kung ano ang nangyari --" Patuloy na kwento ni Carolina. Patuloy sa pag-agos ang luha.
**"Lin, anong nangyari? Magkasama kayo diba?" Pangungulit ni Trenz.
"O-oo, pero n-nauna akong u-umuwi." At humgulhol si Carolina. "Trenz Im sorry. Mahal na mahal ko si Tranz, hindi ako papayag na sa ganto lang magtatapos ang buhay nya. Tatawagin ko ang kaluluwa nya at pakikiusapan na bumalik."**
"Pero --"
"Oo Meree. Nagsinungaling ako nang araw na yon!" Sansala ni Carolina kay Meree. "Yun ay dahil natakot ako. Hindi kami okay ni Trenz dati. Naging close lang kami dahil sa pareho naming kagustuhang maibalik si Tranz."
"Hindi ka matatakot kung wala kang ginawang masama." Gusto nyang usigin ang kaharap ngunit mas nanaig ang kagustuhan nyang malaman ang totoo.
"Hindi ko sinasadya, hindi ko alam na ganun ang mangyayari!" Naging depensive ang boses nito at nagsimula na namang maghisterikal.
"Shh. Shh. Carolina. Wala kang kasalanan kung wala. Sabihin mo sakin ang nangyari." Pag-aalo naman ni Meree.
"I had premonition nung gabing yon. Mahuhulog sa bangin ang isang sasakyan pag lampas lang namin ng konti sa lugar na yun. Naawa ako. Alam kong oras na nya at wala akong balak pigilan yun. Hinarang ko ang sasakyan ni Tranz para dina sya mahulog pa. Pero Gumawa ako ng shield naming dalawa. Kaya wala man lang kaming galos. Umalis ako dun hindi dahil natakot ako kundi dahil hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin ko sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan sya." Pahayag nito ng humihikbi.
"Bakit hindi mo iyan sinabi kay Trenz?" Iniangat ni Meree ang mukha ng kausap. Alam nya there is something more with that confession. At habang nag-uusap sila. She conclude na, napapaamin nya ngayon si Carolina dahil wala itong choice kundi gawin iyon. Ang bitawan nyang salita, tila batas na sinusunod nito. Napapahinuhod nya ito. At kanino pa ba nya ito ipagpasalamat? ... Sa kapangyarihan nya!
"Meree --" Napalingon ang dalawa sa bagong dating.
"Silhuweto! Anong ginagawa mo dito? Paano mong nalaman kung nasan ako?" Gulat na tanong ni Meree sa lalaking bagong dating. Napakunot pa ang kanyang noo dahil habang tumatagal, mas lalong naging maganda ang dating nito sa kanya.
"Hindi ko alam. Sinunod ko lang ang binubulog ng aking alab puso kaya kita nasundan." Pormal namang sabi nito.
Napanganga siya. 'Ano daw?!' Piping hiyaw nya.
------
Hindi mapakali si Yuls sa paglipat lipat ng tingin sa iba't ibang monitor na nasa harap nya. Bawat isang monitor ay nakatuon sa isang bansa. At may hindi magandang nangyayari.
"Boss?"
"Marami bang namatay sa tidal wave sa Italy?" Halos pabulong na tanong nya.
"Hindi pa alam boss. Pero madami ang. nawawala. Maging sa Lindol na nangyari sa mga kalapit bansa."
"Yan ang kinatatakot ko. Ang epekto ng paggamit ni Meree ng kapangyarihan sa mundong ito. At delikado ito para sa mga tao." Pabagsak syang umupo. Tila hapung hapo. "Bakit ba sa akin napunta ang ganto kabigat na misyon? Baka bago matapos ito. Baliw na ko."
"Hindi ba tayo pwede gumamit ng restoration?"
"May mga organisasyon tayong nakatoka para tumulong sa mga pangangailangan at recovery ng lahat."
"Eh boss, pati ba mga buhay na nawala i-rereborn natin?"
"Hindi! Wala tayo sa lugar para gawin ang bagay na iyan. Ang tangi nalang nating magagawa ay ang ilapit ang kanilang mga kaluluwa kay Yeshua." Walang kurap na sabi ni Yuls.
"Nagmimistulang kasalan ng prinsesa Meree ang nagaganap na sakuna sa mundong ito."
"Hindi. Naniniwala ako na ang lahat ay naitakda na. Hindi naman mapapayagan ni Yeshua na sirain ng kanyang sugo ang mga obrang ginawa nya. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Base sa nakalap kong impormasyon. Ito ang paborito ni Yesuah. Sa mundong ito ay pinakaperpekto ang pagkakagawa nya. Hindi man nya nabahagingan ng kapangyarihan ang nilalang na pinatira nya dito. Sinigurado niyang lahat ng pangangailangan nila ay nandito na. Hindi gaya nating tatawid pa ng ibang mundo upang mapunan ang kulang sa sarili nating mundo. Maswerte sila kung tutusin. Paglinang at pagpapahalaga lang ang kailangan nila."
Napatango tango nalang ang kausap ni Yuls.
----
Magkasamang hinatid ni Silhuweto at Meree si Carolina sa bahay nito.
Gusto nyang mainis dahil nang dahil sa pagsulpot nito kanina, nahinto si Carolina sa mga dapat sana'y sasabihin pa nito. But at the same time, gusto nya din magpasalamat. Kung wala kasi ito ay hindi nya alam ang gagawin kung mag-isa lang sya ng magbreak down si Carolina. May dumating pang nurse at doktor -- na naka-assign tumingin kay Tranz every hour. At ayon sa kanila, hindi na daw bago sa kanila ang eksenang yon. Si Silhuweto ang nakaalo dito ng walang hirap. Naaya nya pang umuwi.
Pero may isa pang hindi talaga nakapagpatahimik sa kanya. Nang lumapit sya kay Tranz para tingnan ito saglit at magpaalam nadin. Naramdaman nya, although hindi sya sigurado. May puwersang pumigil sa kamay nyang umalis. Pakiramdam nya nga, kamay mismo ni Tranz ang humawak sa kamay nya. Ngunit ng humarap naman sya ay walang bakas na kumilos ito. At alam nyang imposible! Pero pinangako nya sa sarili nya. Babalik sya.
"Salamat." Pagkuway sabi nya sa lalaki. Pauwi na sila.
Nagjeep lang ang dalawa. Gusto man gawin ni Meree ang teleportation ay hindi nya alam kung paano nya gagawin. At isa pa, ayaw nyang abusihin ang kanyang kapangyarihan. Kapag kasama nya si Silhuweto, natututo syang mag-isip muna bago kumilos. Palihim nya itong sinusulyapan. Magkatapat kasi sila sa upuan sa jeep.
Pagkababang pagkababa. Agad syang inusisa ng lalaki.
"Maigi at hindi ako natunaw ng maiinit mong tingin." Nakayuko man ay mababatid na nakangiti ito.
"Ano?!" Ekseherado namang tanong ni Meree.
"Kahit hindi ko makita. Nararamdaman ko ang panakaw mong tingin sakin." Ngayon ay nakatingin na ito ng tuwid sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Meree, pero ramdam nya ang pag-init ng kanyang mukha.
"Di ko getz!" At binirahan nya ng martsa. Iniwanan nya ito.
"Sandali." Mabilis din sya nitong naabutan. "Hindi na mauulit ang pagiging presko ko. Patawad."
Hindi sya sumagot ngunit di na rin sya nagmadali pang maglakad. "Nakakatuwang natututo ka nang makibagay." Dagdag pa nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya.
"Ang mundo mo noon ay bahay at eskwelahan, ang nanay mo lang ang malapit sayo. Pero ngayon ay marunong ka ng makisalamuha sa iba't ibang nilalang. Madali kang nakapag-adjust sa kabila ng kakulangan mo ng kaalaman at eksperyensya sa mga bagay bagay. Labis mo akong napapahanga."
"Huwag kang humanga dahil kung ako ang papipiliin, ayoko nito."
"Pero ginagampanan mo pa din. Isang responsableng prinsesa."
"Hindi ako responsable, no choice lang talaga."
"Bakit??" Tanong nya ng marinig nya itong tumawa.
"Parang musika ang iyong tinig." Magiliw na turan ng binata.
Napahinto si Meree sa paglalakad. "Hoy lalaki, tumigil ka nga! Bata pa ako para landiin mo ng ganyan."
"Hindi kita nilalandi prinsesa. Papuri ang mga sinabi ko."
"Tigilang mo na ko. Masakit na sa tenga."
"Sorry. Behave na ko. Ngumiti ka na."
Pero hindi sya ngumiti. Nairita pa nga sya. Sa isip nya kasi ay, dumating ito sa buhay nya para asarin lang sya ng asarin. Naalala nya bigla si Trenz. Nakakairita din ang presensya ng binata para sa kanya. Kahit wala naman itong ginagawa, hinahayblood na sya. Napangiti sya.
"Napakagandang tanawin." Napukaw sya ng maalalang may kasama pala sya. Tiningnan nya ito ng masama. Pagkaraa'y inirapan. 'Naku, napakabata ko pa. Bakit ba ko naiinvolve sa mga kalalakihan?' Piping usal nya.
"Prinsesa, itatama ko lang ang sinabi mo kanina. Hindi kana bata kung sa Hebenitania ka lumaki. Ang isang taon dito ay sampung taon dun. Ako ay dalawang daang taon na, subalit dito ay dalawampuntaon pa lamang ako. Hindi nagkakalayo ang ating edad."
Pinagtaasan nya ito ng kilay. "Binabasa mo ba ang isip ko?"
"Wala po akong kakayahang gawin iyon prinsesa."
"Huwag mo nga akong tawaging prinsesa! Hindi naman ganyan ang tawag mo sa akin ha!"
"Iyon po ang nararapat. At iyon po ang --"
"Hep! Stop please." Pigil nya dito ng ilagay pa nito ang kamay sa kaliwang dibdib. "Wag kang magsasalita. Wag kang gagalaw." Sabi nya pa, saka dumukot sa bulsa. Kumuha sya ng dalawang one hundred peso bill. At inabot kay Silhuweto.
"Ano to --"
"Wait! Sabi ko dont talk! Pera. Pamasahe mo."
Luminga linga sya pagkaraan. Ng makakita ng taxi ay pinara nya ito. At agad syang sumakay, mag-isa.
Nagpahatid sya sa bahay nya. Kinailangan nya pang kumuha ng pera sa loob pambayad sa taxi. Natagalan pa sya dahil walang siyang susi. Nagawa tuloy nyang kulikutin ang jalosy sa likod ng kanilang bahay. Inisa isa nya itong tinanggal, at nang sa wakas ay tila akyat bahay gang syang lumusot sa bintana. Dumiretso sa kwarto nya at lumabas agad ng makakuha ng pera.
Pero paglabas nya ay wala na syang nadatnang taxi sa labas.
"Nyek, nainip lang libre na agad?" Bulalas nya pa.
Pumasok nalang din sya agad ng bahay.
Agad syang pumasok ng kwarto nya at nahiga. Mabigat ang pakiramdam nya sa bahay ngunit isinawalang bahala nya. Maya-maya'y di nya napigilang umiyak. Pero napatayo sya at napasilip sa bintana. Bumuhos kasi ang ulan bigla. At dahil dun, napaiyak sya lalo. Ang ulan ay lalo ding lumakas. At tama ang nasa isip nya, umuulan dahil umiiyak sya. Pinilit nyang pakalmahin ang sarili. At gaya ng inaasahan nya. Tumigil din kalaunan ang ulan. Ngunit nanatiling may kadiliman ang langit. Hindi na kasi mapilit pa ni Meree ang sarili na alisin ang bigat ng dibdib na nararamdaman.
Sa malalim na pag-iisip sa pagkakahiga. Ipinikit nalang nya ang kanyang mata.
"Meree, yung kinakanta ko sayo. Naaalala mo? Kantahin mo naman yun kapag muli kang dumalaw sa katawan ko." Nanlalaki ang mata ni Meree nang dumilat. Hindi sya tulog kaya di sya nananaginip. May bumulong sa kanya. At sigurado syang boses iyon ni Tranz.
----
'Trenz ihanda mo ang sarili mo sa pagbabalik sa lupa. Magagawan ko na ng paraan ang makatakas ka.'
'Hindi. Ikaw ang bumalik.'
'Bakit? Aanib kana ba kay Agaston?'
'Matutuwa ang mama kapag nagising ka na.'
Pag-uusap ng kambal gamit ang isip. Wala si Agaston. May dadalawin daw itong mga kaibigan ngunit babalik din agad. Si Trenz ay di nakakulong gaya ng ibang nilalang na nandun ngunit hindi naman nya malapitan ang pinagkukulungan ng mga ito. May mga bantay din kasing dalawang blanties. At wala sa plano nya ang kalabanin ang mga bantay.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..