chapter 12..

1.3K 26 7
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

by: TrenzEbor

Chapter 12

Narinig ni Trenz na humihikbi si Meree kaya agad nyang dinaluhan ang dalaga. Only to found out na tulog pala ito.

"Meree? Meree?" Marahan nya itong niyugyog.

"Meree? --"

Bigla ang bangon nito at agad yumakap sa binata.

Nabigla si Trenz, pero agad ding nakabawi. Hinagod nito ng marahan ang likod ng dalaga.

"Tahan na. Tell me, anong nangyari?" Marahan nyang tanong.

Bumitaw si Meree sakanya. Bahagya pang nakayuko. Kaya itinaas nya ang baba ng dalaga.

Nagtama ang mata nila. Mababakas sa luhaang mata ng dalaga ang takot at paghihirap.

Gusto nyang bawiin ang tinggin pero wala syang lakas para gawin yon. Lalo na ng haplusin ni Meree ang kanyang pisngi.

Pinilit nyang kontrolin ang sarili, ngunit animo may invisible na pwersa ang humahatak sakanya palapit sa dalaga. Na hindi na nya pinaglabanan.

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ni Meree. Ilang pulgada nalang ang pagitan nila. Hindi na nya inaalis pa ang tingin nya sa mata ng dalaga at ganun din naman ito -- "Kamukhang kamukha mo nga si Tranz."

Parang tumigil ang tibok ng puso nya. Marahas syang tumayo at tumalikod. Nagpakawala ng marahas na paghinga.

"Trenz?" Marahan ang pagkakabanggit ng dalaga sa pangalan nya, napapikit sya ng mariin.

Marahas na sinumulan ng binata ang paglakad palayo."Antayin mo si Carolina, babalik ako." At tuluyan na itong umalis.

---------

"Hoy Trenz. Ayaw ako kausapin nun! Bumalik ka nga! Ano bang drama mo?" Naka-abresiete ang braso ni Carolina ng lumapit sakin.

"Drama naba ngayon ang mag-almusal?" Blangko ang ekspresyon ng binata.

"Labo mo! Bahala ka!"

"Teka, pupunta na." Agap na sagot nya bago tuluyang mag walk-out si Carolina. Tumayo na din sya pagkainom ng tubig. At sumabay sa paglalakad ng kaibigan.

"Meree?" Tawag nya sa dalaga pagkapasok sa kwartong tinitigilan nito. Nakatanaw ito sa bintana, nakatikod sa kanya.

"Hindi kaba nagtataka kung bakit nakakakita ka na? Its because of Carolina." Patuloy na salita ng binata.

Humarap ito. Diretso ang tingin.

"This is Carolina." Pakilala ni Trenz sa nakatayo sa tabi nya.

Unti-unting lumambot ang ekspresyon nito.

"Oh, Im sorry. Kasi naman, stranger ka sakin. Hope you understand. Utang na loob ko sayong nakakita ulet ako." Malumanay na hinging paumanhin nya.

"Okay na yun. Kasalanan ni Trenz. Hindi tayo in-introduce sa isa't isa." Bahagya pa nyang siniko ang katabing binata. "Kamusta ang paningin mo?"

"Feels like a brandnew. Ang galing mo. Hindi alam ng doktor kung anong nangyari sa mga mata ko. While you, naibalik mo pa. Astig ng powers mo." Manghang mangha pa si Merre sa pagkakasabi nun.

"I use spells on healing." Nakangiting sabi ni Carolina.

"Youre a witch?" Di makapaniwalang tanong nito.

Napakibit balikat naman si Carolina.

"Witch healer ang ninuno ko."

Nanlaki ang mata ni Meree. "Talaga? Wow, first time kong maka-meet ng mangkukulam." Halata ang tuwa sa boses nya.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon