MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor©
Chapter 5
"Wake up sleepyhead." Hindi alam ni Meree kung nananaginip sya. Kapipikit lang din kasi nya at mabigat ang kanyang talukap para sundin ang pamilyar na tinig na yon. Tinig ni Tranz.
"Open your eyes please."
Gising ang diwa nya, ngunit ayaw makisama ng katawan nya. Nakaramdam sya ng lungkot ng di na muling nagsalita si Tranz.
Kalaunan, unti-unti nagmulat sya ng mga mata.
Ang akala nyang nakaupong kaluluwa sa gilid ng kama nya ay wala na, nanghinayang sya. Subalit nahagip ng mga mata nya, sa likod ng kurtina, may isang imahe.
Bumangon sya. "Tranz?"
Parang slow motion, kasabay ng pagsayaw ng kurtina dahil sa hangin. Tumagos dito ang imahe. Palapit sa kanya ng marahan.
Sya, nagitla sa nasasaksihan. Anlakas ng kabog ng kanyang dibdib, palakas ng palakas habang papalapit ito sa kanya.
Nang halos dalawang hakbang nalang ang layo nito sa kama nya. Lihim nyang kinurot ang kanyang sarili.
"A-ahh!" Natawa sya ng marinig nyang humagikhik ang multong kaharap.
"Hindi na ito panaginip." Sabi pa nito.
Speechless padin si Meree.
"Natatakot kana siguro." Bumakas ang lungkot sa boses ng binatang multo.
Wala pa din syang tugon. Dahilan para talikuran sya nito.
"W-wait! Ahm, ano, saglit lang. Diba pwedeng nagloloading pa sa utak ko ang lahat." Bahagya pa syang nauutal.
Muli itong humarap.
"Pero hindi ka natatakot sa kin?"
"No, hindi ikaw ang unang kakaibang nilalang na nakasalamuha ko."
"Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa ang bagay na yan." May pagkadisgusto sa boses ng multo.
Umupo ito ng tuluyan malapit kay Meree, na titig naman dito.
"Bakit?"
"I cant believe that you are real."
"Well ..." Pakiramdam nya tagos hanggang kaluluwa nya ang tinging iyon ni Tranz. "Im not real."
Parang binalot ng lungkot ang puso ni Meree sa sinabing yon ng binatang multo.
"Dont be sad!" Nagitla si Meree. "I can sense you. As well as you can sense what Im feeling."
Wala syang naisagot. Out of nowhere, naglabas ng puting rosas si Tranz. Napangiti sya.
"Thanks."
Pagkaraan ay tumayo na ang multo. Sya, biglang hinagip ang kamay nito upang pigilang umalis.
Napanganga sya sa nangyari.
Tumagos lang kasi ang kamay nya sa kamay ni Tranz.
"Matulog ka na. I'll be back."
Alinlangan ang namayani kay Meree.
Nilapitan sya ni Tranz. Maya maya yumuko ito at marahan syang dinampian ng halik sa noo.
"I promise, I'll be back."
Hindi na nagawa pang magsalita ni Meree, hanggang tila nagpatangay na sa hangin ang kaluluwa ni Tranz, hanggang sa tuluyan na itong naglaho.
Maya-maya ay hinipo nya ang noong nahalikan.
'So, hinalikan ako ng multo? Ganun pala ang feeling? I somehow thought that they are cold. But his lips touched my forehead. Its warm.' At hindi nya naitago ang kiligin.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalneTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..