MR. GHOST OR MR. REAL?
By: TrenzEbor
Chapter 34
Nagmulat si Trenz. Isinanggalang n'ya ang braso sa kanyang mata upang hindi masilaw.
Bumalikwas siya bangon ng luminaw sa kanyang isip ang sitwasyon at ang dahilan kung bakit nandoon sya sa mala-paraisong lugar na iyon kasama si... Nilingon n'ya ang katabi.
Umaliwalas ang kanyang mukha.
Malayo na ang nararating ng kanyang mga binalak. At ang paghinto o pagsuko ay hinding hindi sumagi sa kanyang isip.
Pero iba ang epekto ng tanawing nakahain sa kanyang harapan ngayon.
Hindi na n'ya napigil nang kusang kumilos ang kamay at tila may sariling buhay na dumapo ito sa pisngi ng dalaga.
Bahagya itong kumilos kaya agad n'yang binawi ang kamay n'ya.
Hindi naman tuluyang nagising ang dalaga.
Nagbago lang ito ng pwesto.
Napalunok s'ya dahil lalo s'yang namagneto sa nakaawang nitong labi.
Namagneto ng sobra na hindi na n'ya napigilang yukuin ito.
Halos gahibla nalang ang layo ng labi ng isa't isa. Nang biglang bumalikwas ng bangon si Meree.
"Aw!" Sigaw ng dalaga na muling napahiga. Sapo sapo ang noong tumama sa noo ni Trenz.
"Im sorry." Paulit ulit ang paghingi ng paumanhin ni Trenz.
Sinipat pa niya ang noo nito.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Sita ng dalaga.
"Ha? Wala. Tiningnan lang kita. Bigla ka kasing bumangon." Sagot n'ya nang hindi makatingin kay Meree.
Tumayo s'ya ng tuluyan ng bumangon ang dalaga.
"Teka," Tiningala n'ya si Trenz.
Yumuko naman ito upang salubungin ang nang-uusig n'yang tingin.
"Ano?"
"Sino ang nagbihis sa akin?"
"Ha?"
Nakataas ang isang kilay ni Meree.
Tumayo na s'ya upang mapantayan si Trenz.
"Bingi lang? Sino ang nagbihis sa akin?"
Nakapamewang na ito ngayon.
"Anong pinagsasabi mo? Kung ano man 'yang iniisip mo. Panaginip lang lahat 'yon."
Nag-iba ng direksyon ang tingin ng dalaga. "Panaginip?" Marahan ang pagkakasabi n'ya.
"Oo, panaginip. Kaya ayusin mo na ang sarili mo. Kung anu-ano ang naiisip mo."
"Pero,"
Tatalikod na sana si Trenz pero napigil niya ito.
"Ano?" Kunwa'y singhal ng binata.
Nanlaki naman ang mata n'ya.
"Hindi porke magkasama tayo dito ay magiging mabait na ako sa'yo."
Tuluyan na iton tumalikod at naglakad palayo sa dalaga.
"Trenz, Ibalik mo ang kapangyarihan ko!"
Sigaw naman n'ya. Na ikinaharap ng marahas ni Trenz.
"Hindi porke may nangyari sa atin, may karapatan ka nang utuin ako Meree."
Masama ang tingin niya dito, na biglang napalitan ng panlalaki ng mata. Lalo na nang ngumisi na nang nakakaloko ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..