MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 15
"Lusiana, maaari namang ako nalang ang pumunta sa lupa at maghanap ng makakatulong satin --"
"Obligasyon ko ito bilang tagapangalaga ng Drimalaya!" Putol nya sa nais sabihin ni Teriz.
"Pero mahina ka na! Panu kami kung mawawala ka?!"
"Hindi naman tayo maghahanap pa. Sa pamamagitan ng rosas na ito, magagamit natin ang daang ginagamit ni Tranz." At itinaas nya ang puting rosas.
"Ikaw ang masusunod."
-------
Hindi malaman ni Trenz kung bakit kating kati syang lisanin ang katawan nya. At dahil naisip nyang wala namang problema kung gawin nya yun. Nag-astralore sya.
At dahil wala naman sya magawa. Naisipan nyang maghanap ng traces kung san magiging daan para makita nya ang kaluluwa ni Tranz.
Kasalukuyan syang naglalakbay sa subconscious minds ng mga nakakakilala sa kapatid nya dahil baka dinalaw sila nito sa panaginip. Napahinto sya ng pakiramdam nya ay may kumudlit sa katawan nya. At isa lang ang ibig sabihin nun. May nakikialam ng teritoryo nya.
Itinuturing nyang teritoryo ang mga lugar na napuntahan na ng astral body nya. Dahil kahit wala naman syang gawin, nagkakaron sya ng koneksyon sa isang lugar at nararamdaman nya kung may kakaibang nilalang dun. Gaya ngayon. Kaya pinagaan nya ang kanyang astral body, mas pa kaysa hangin. At hinayaan nyang gabayan sya ng kanyang koneksyon sa tamang lugar.
Ikinabigla nya ng ang kinahantungan nya ay ang bahay ni Meree. Agad syang nagtago sa kurtina ng sala ng maramdaman nyang palapit ang di pamilyar na aura. May dalawang nilalang ang lumabas mula sa isang kwarto na kung di sya nagkakamali ay kay Meree.
Naunang naglalakad ang isang maliit na nilalang na may tatlong talampakan. May mukha ito na tulad ng sa daga, pakpak na gaya ng sa paniki at katawan pababa na gaya ng sa seahorse.
Kasunod nya ang isang binibini na nakakasilaw sa unang tingin ang liwanag na nakapalibot dito. Mahigit anim na talampakan ang taas nito kasama na ang tila may limang pulgadang taas ng sapatos na suot nito. Walang ibang kulay na makikita dito kundi puti. Mula sa buhok nitong alon alon na hanggang talampakan. Ang pilikmata na may habang 3 pulgada. Maging ang pintura sa labi nito at ang mahabang kasuotan ay pawang mga puti.
"Sigurado kaba Lusiana na dito matatagpuan si Tranz?"
"Oo, dito tayo dinala ng gabay nyang rosas."
"Pero wala sya dito."
"Sino kayo?" Di na nakatiis si Trenz na sumingit sa usapan ng dalawa lalo at nabanggit ang pangalan ng kapatid. Ngunit nanatili syang nakakubli. At dahil nakatago sya nakita nya ang pagkabigla sa mukha ng mas maliit. At nararamdaman nya na kabadong kabado ito.
"Tranz? Nasan ka? Magpakita ka! May malaking problema sa drimalaya."
Hindi agad nakasagot si Trenz. Naalala nyang walang pinagkaiba ang boses nila ni Tranz.
"Tranz, magtulungan tayo para mapanumbalik ang dating sigla ng drimalaya."
"Bakit di ka lumabas Tranz?"
Sa pakiramdam ni Trenz ay iba talaga ang dating ng aura ng mas maliit sa dalawa na syang huling nagsalita.
Sa huli ay nagpasya din syang lumabas.
Nanlaki ang mata ng mas matangkad ng lumabas sya. Samantalang kaswal naman ngayon ang reaksyon ng maS maliit. "Sino kayo? Ano ang kailangan nyo sa kapatid ko?
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormálníTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..