MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 30
"Panginoong Zafiro, hindi ka ba nagdududa kay Trenz"
"Bata pa lang sya ay palihim ko na syang hinubog. Huwag mong ipag-alala ang katapatan nya dahil nababasa ko ang daloy ng kanyang isip." Nilingon ni Zafiro ang kausap.
"Magaling ang ginawa mo Silhuweto. Nakatulong ang presensya mo sa lupa upang malaman ko ang emosyon ng mga kalaban natin."
"Kahit ano para sa yo panginoon." Bahagya pang yumukod si Silhuweto.
---
"Kamuzta sya?" Napalingon si Tranz at Carolina sa pinto ng kwarto na kinaroroonan nila. Nakabungad dun si Trenz.
"Bakit ganun Trenz, gising na sya subalit tulala lang sya." Naguguluhang tanong ni Lin.
Tuluyang ng pumasok si Trenz.
"Magpahinga na kayo. Ako na ang bahala sa kanya. Titingnan ko ang magagawa ko."
Tumayo ang dalawa, at tahimik na lumabas ng silid.
Huminga ng malalim si Trenz at may dinukot sa bulsa. Ang kristal na pinagkulungan kay Meree.
"Tahimik ka ata?" Puna ni Trenz. "Ibabalik na kita sa katawan mo."
Wala pading imik si Meree.
"Tandaan mo, wala ka ng kapangyarihan. Hindi mo na kayang protektahan ang mga kaibigan mo. Lalo na ang inay Elena mo. Isa maling kilos mo, isang buhay ang kapalit."
Nanatiling pipi si Meree. Na nakapagpainit ng ulo ni Trenz kaya pabulyaw nitong pinukaw ang dalaga.
"Meree!"
"Ano?!" Ganting bulyaw nya.
"Wala ka bang sasabihin?!"
Masamang tingin ang ibinigay nya dito. "Ano ba ang gusto mong sabihin ko?"
"Mangako ka na magpapakabait ka."
"As if may choice ako."
Itinikom ni Trenz ang palad ng mariin, hanggang mabasag ang hawak na kristal. May kumawalang usok dun, na agad nagpunta sa katawan ni Meree,
---
Matagal nang nakalabas ng kwartong iyon si Trenz. Si Meree na nakaupo sa gilid ng kanyang kama ay tahimik na umiiyak
"Anong iniiyak mo?" Napasinghap si Meree sa pagkagulat. Ang boses sa kanyang harapan ay biglang nagkaroon ng katawan.
"R-Rai." Ang tangi nyang nasabi.
"Anong iniiyak mo?"
Ulit nito, ngunit sa mas seryosong tono.
"Wala," Sagot nya at bara bara nyang pinunasan ang kanyang luha. Pagkaraan ay tumayo. Ngunit bago pa sya makatalikod kay Rai ay hawak na sya nito sa kanyang braso.
"Hindi ako sanay na ganyan ka." Hindi na nya napigilan ang mapahagulhol. Hinila sya ni Rai palapit dito at niyakap.
"Anong nangyari? Anong ginawa sayo ni Trenz?" Patuloy lang sya sa pag-iyak habang hinahaplos nito ang buhok nya.
---
"Anong oras umalis si Rai?" Napasinghap si Meree sa pagkagulat. Iyon agad ang bumugad sa kanya, paglabas nya ng kwarto. Hindi na nya nilingon pa ang nagsalita sa likod nya para sinuhin ito.
"Alam mong dumating sya, imposibleng hindi mo alam ang oras ng pag-alis nya." Lumakad sya pasulong upang bumaba na subalit pinigil sya sa braso ni Trenz. Marahas nya itong nilingon. "Ano bang problema mo?"
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..