MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor
Chapter 16
"Ikaw ba ang aking anak?" Parang bomba na sumabog sa katauhan ni Trenz ang narinig. Maging si Tranz ay nagulat sa tinuran ng hari ng blanties na kinatatakutan ng marami. Sa pagbitaw nito ng mga salitang iyon, tila isang ama na sabik na sabik sa nalayong anak.
Napapalatak si Tranz ng makabawi. Hindi hindi nya nanaising pati sya ay malinlang ng tusong si Agaston.
"Kung Florencio ang iyong pangalan at hindi ka blanties, oo! Anak mo kami!" Pang-aasar ni Tranz
"Huwag kang makialam dito!!" Naging malagom muli ang boses ni Agaston. Ngunit ang tingin ay di inaalis kay Trenz.
"Dont tell me Trenz pinagdududahan mo ang pagiging kambal naten?" Si Tranz.
"Kambal kayo?" Halata ang pagkalito sa boses ni Agaston.
"Well the last time I checked, yes!" Si Tranz muli. Sa takbo ng usapang iyon ay lihim na nagdiwang si Trenz. Dahil mula simula ay boses lang ng kapatid nya ang naririnig nya. At sa paraan ng pagsasalita nito at pang-aasar, sigurado na sya na ito nga ang kakambal nya.
"Huwag mo akong goyohin Tranz! O gusto mong tapusin ko na ang may ari ng katawang hinihiram ko?"
Hindi agad nakasagot si Tranz. Gusto nyang ipamukha kay Agaston na ang may-ari ng katawan na twina ay ginagamit nya at ang blanties na kaharap nito ay iisa. Nangangamba lang siya na baka ikapahamak ito ni Trenz. Dahil sya, sigurado syang hindi pa sya tutuluyan ni Agaston, atleast hindi pa ngayon. Hangga't di pa nito nakukuha ang kailangan sa kanya.
"Tara sa aking kaharian Trenz." Inilahad ni Agaston ang kamay.
'Since wala na tayong lusot, sumunod ka na lang.' Narinig ni Trenz buhat kay Tranz.
At sinunod nya ang kapatid.
Pag-abot ni Trenz sa kamay ni Agaston ay sabay silang lumubog. At dun nya nakita ang napakaraming bote, at sa bawat bote ay may nilalang na nakakulong, kabilang na si Tranz.
'Huwag mo akong lalapitan!' Babala ni Tranz sa kanya sa pamamagitan padin ng telephaty.
"Maupo ka! Ituring mo tong pansamantalang kaharian aking prinsepe!"
'Shit! Seryoso ba sya! Nababaliw na sya Trenz!'
Pero wala syang nakuhang sagot buhat sa kakambal. At dahil dun, hindi mapigilan ni Tranz ang mabahala.
Si Trenz ay ninanamnam ang kakaibang init ng pagtanggap ni Agaston sa kanya. He somehow felt he belong. Naalala tuloy nya ang mga panahon na pilit nyang pinupunan ang pagkawala ni Tranz. Sa bawat araw ay gumagawa sya ng paraan para mapasaya ang kanilang ina.
Hindi kailanman nakaramdam ng pagkainggit si Trenz sa closeness ng kanyang mama at ng kapatid. Dahil pantay naman ang pagmamahal na binigay nito sakanila. May mga pagkakataon na nararamdaman nya na iba sya, ngunit sa ibang paraan ay napupunan yun ng kanilang ina. Pero nung mga pagkakataong labis ang pagdurusa ng kanyang mama dahil sa nangyari sa kapatid. Doble ang sakit na bumulusok sa kanyang sistema. Kaya pinilit nya at patuloy na tsinagang hanapin si Tranz. Minsan nya pa ngang naisip na kung mapapalitan nya lang ito, papakawalan nya na ito gaya ng ginawa ng kanilang mga magulang. Naalala nya pa ang biro ng kanilang ama: "Si Tranz ang maituturing na tao mula ulo hanggang paa, labas at loob ng sistema, pero ang puso ng isang tao ay nasayo Trenz. Huwag sanang iyan ang ikasama mo!"
Muli nya tuloy naitanong sa sarili nya: "Kailan pa naging kasalanan ang magmahal may katugon man ito wala?"
------------
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..