Chapter 10...

1.3K 28 6
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?
by: TrenzEbor©



Chapter 10



"Hey! Anong ginagawa mo?!"
Mabilis na nilapitan ni Trenz si Meree. Nakadungaw ito sa bintana. Parang may pilit tinatanaw.

Hindi sya agad pinansin ng dalaga. Nanatili ito sa bintana pero di na kumilos pa ng kakaiba.

"Tara na sa kama mo." Tahimik naman itong sumunod.

"Anong ginagawa mo sa bintana?"

"Nagpapahangin." Maikli nitong sagot in a bored voice.

"Let me rephrase my question. Anong tinitingnan mo sa bintana?" Kalmado pa ang binata pero tila mapipikon anytime. Hindi nya maipaliwanag kung bakit ganun ang epekto sa kanya ni Meree.

"Eng-eng ka ba? Bulag ba ko o bulag? Bakit ka ba andito? Di ba hindi ikaw si Tranz? Hindi kita kilala. Umalis ka na." At humiga na sya at ipinikit ang mata.

May ilang araw na din na hindi pinapansin ng dalaga si Trenz. Simula ng ipagpilitan ng binata na hindi sya si Tranz.

"Ano ang tinitingnan mo dun Meree?!" Mas madiin ang salita nya.

Wala syang nakuhang sagot. Napikon na talaga ito. Hinawakan nya ang dalaga sa magkabilang balikat at ibinangon.

"Mag-usap tayo!"

"Makinig ka Meree. Maraming kakatwang bagay ang nangyayari. Alam mo ang sinasabi ko hindi ba?" Sa mahinahon nyang tono.
"Ako si Trenz, kakambal ko si Tranz. Kung kakilala mo nga ang kapatid ko. Kailan pa? Mahigit anim na buwan na syang comatose. Kailan kayo nagkakilala? Wala syang nababangit tungkol sayo."

"Tumigil ka na Tranz. Hindi mo na kailangang gumawa pa ng kwento." Malamig ang boses ng dalaga.

Tahimik namang napamura ang binata at napasabunot sa sarili.

-----------

Nakapikit si Meree pero gising sya.
Naniniwala naman na sya kay Trenz. Kahit pakiramdam nya ito talaga si Tranz di lang sa boses kundi pati sa presensya nito. Kapareho nang pag pagkasama nya si Tranz

Pero pinaiikot nya ang usapan dahil hindi pa sya ready na magshare ng lihim dito. Hindi sa kanyang isang estranghero pala.

Nagpunta sya sa bintana kanina dahil sa mga anasang ayaw tumigil. Mahihina, pero nakakabingi. May pwersang parang nag-lead sakanya papunta sa bintana. At ng dumungaw sya natigil ang anasan.

Nakakaaninag sya ng mga liwanag. At iyon ang una nyang nakita sa ibaba ng gusali. Umiikot na liwanag. Sinusundan ng paningin nya ang bawat pag-ikot nun. At nagulat sya ng may madaanan ang ilaw na isang imahe. At sa unang tingin. Alam nyang hindi iyon normal na tao, ngunit hugis tao. Malinaw na malinaw nya itong natatanaw. Tumingala iyon at nakipaglaban ng tingin sakanya. Hindi nagpatalo si Meree. Hindi nya napigilang magsalita gaya ng pakikipag-usap nya kay Tranz.

'Sino ka?' Sa isip nya lang.

'Huwag kang mainip. Makikilala mo rin ako." Ikinabigla nya pa ang pagsagot nito. Naglaho itong bigla pagkatapos nun.

Nang dumating ang nagpakilalang Trenz. Napatunayan nyang ibang nilalang nga ang naka-engkwentro nya kanina, dahil hindi nya naaaninaw si Trenz. Samantalang malinaw sa paningin nya ang kausap nya kanina.

"Meree, mag-usap naman tayo ng matino, please." Nagdilat sya at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Himala kasing biglang nagbago ang tono nito.

Para sa kanya iyon ang kaibahan ng boses nito kay Tranz. Malambing ang kay Tranz samantalang mababakas ang kapormalan dito.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan." Pagkaraan ay sagot nya.

"Sabihin mo sakin kung kailan, saan at paano kayo nagkakilala ng kapatid ko." Marahan ang bawat bigkas ng mga salita. Parang nagpapaawa.

Hindi sya nakasagot agad. 'Dito pala namana ni Tranz ang kakulitan.' Sa isip nya lang.

'No. Actually sa kanya ako nahawa ng kakulitan.'

Nahugot nya ang hininga nya. "You . . . you can hear me --"

"And talk like you." Salo ng binata sa sasabihin nya pa sana.. "I told you. We are the same, atleast almost." He paused for a while. "Makinig ka Meree, asan si Tranz? Alam kong nakikita mo ang kaluluwa nya. Asan sya? Kailangan nyang bumalik sa katawan nya."

"Nasan ang katawan nya?" Di na naitago pa ang excitement sa boses ng dalaga.

"Andito din sa ospital na to. We can talk about that some other time. Mas marami tayong dapat pag-usapan."

Speechless syang bigla.

Is he trustworthy? Nanay ko nga di ko masabi mga nangyayari sakin, tapos dito sa suplado na to, easy to get ako? Yan ang tumatakbo sa isip ng dalaga.

"Meree, trust me please." Nabaghan sya sa nagsusumamong boses ng binata.

"Uuwi na ko. Walang mangyayari sakin dito." Sabi ng dalaga pagkaraan.

"Okay, aayusin ko lang ang releasing paper mo."Maya-maya ay ang papalayong yabag.

"Trenz!" Tawag nya.


"Oh?"

"Isama mo nga ko."Wala syang narinig na sagot. Ilang segundong katahimikan. Naramdaman nalang nya na may kumapit na sa braso nya.
"Lets go."

Naglalakad sila sa pasilyo ng walang imikan.
Maya-maya, di na nakatiis ang dalaga. Binasag ang katahimikan.
"Anong nangyari kay Tranz?"

"May sasakyang bumangga sa sasakyan nya. DOA ang driver ng isang sasakyan."

"Ganun ka-grabe?"

"Himala pa ngang nakaabot ng buhay sa ospital si Tranz. Total wrecked ang sasakyan nya, pero wala man lang nabaling buto sakanya. Ang ulo nya ang nag-suffer."
Hindi agad nakapagsalita ang dalaga.

"Kaya ayaw ko sya pakawalan Meree. Kahit sumuko na ang parents namin, ang doktor nya. Ako, hindi papayag na hindi sya maibalik. Hindi pa nya oras. May dahilan ang lahat."

"Trenz, mali ang gagawin mo. Kahit pa biniyayaan tayo ng gantong kakayahan, wala tayong karapatang --" "Ah!, Aray!"

"Hey, what happened to you?" Sa nag-aalalang boses ng binata.

"Maliit ba ang pasilyong to? Iritableng tanong ni Meree.

"Di naman gaano, why?"

"Binangga lang naman ako nung dalawang dumaan."

Nagulat sya ng bigla nitong higitin ang braso nya para huminto.

"Meree, listen. Wala tayong nakasalubong, tayong dalawa lang ang naglalakad. And remember? Bulag ka."

Napanganga sya.

"Nakakakita ka na ba?"
Hindi sya nakasagot agad. Maliwanag na dalawang babae ang nasalubong nya kanina. Mga nakakulay itim. Mahahaba ang buhok at nakayuko. Binangga sya ng mga ito.

"Kung nakakakita na ako, di sana nakikita na kita!"

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon