Chapter 6..

1.7K 41 9
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL ?
by: TrenzEbor©

Chapter 6

*Girl, I've been searching so long thru this world
Trying to find someone who could be
What my picture of love was to me
And you came along

When I saw you I knew you were the one
The Love that I've been dreaming of

I've been waiting for you
All my life for somebody who
Makes me feel the way I feel when Im with you baby
Coz you've been waiting too
And I've been waiting for you

Girl I've been saving my love all this time
Coz I knew someday I would find
The one that Ive loved for so long in my mind

From the moment that I looked in your eyes I saw the girl I've loved all my life*

Yung masarap na pakiramdam habang naririnig nya ang pagkantang iyon ni Tranz.
Nagmulat sya ng maramdaman ang mabining dampi ng malamig na hangin sa pisngi nya. Palad pala ng multong humaharana sa kanya.

"Kanina ka pa ata gising ayaw mo pang dumilat." Nakangiti ito.

"Ninanamnam ko pa ang pagkanta mo." Nakangiti nya ring tugon.

"Pasensya na kung basta nalang akong nawala nung isang araw."

"Bakit nga ba?"

"May dapat lang gawin. Akala mo kayong mga tao lang ang busy?"
Itinaas ni Tranz ang kaliwang palad nya upang muling haplusin ang mukha ng dalaga.

"Tranz ano yan?" Nakatuon ang mga mata ni Meree sa pulso ng binatang multo.
Bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Tranz.

"Nakikita mo?"

"Itatanong ko ba kung hindi? Ano yang bracelet na yan? Bakit may karugtong na tali?" Lumapit pa sya ng makita nya ng mas maayos. "Bakit parang may karugtong --"

"Wala ito." Tinalikuran sya ni Tranz. Yung masayang atmosphere kanina, nawala. "I'll be back, pagbalik ko, may pupuntahan tayo." At naglaho na ito.

---------

Katatapos lang nyang maligo. Nagulat sya paglabas nya ng banyo.
Puno ng white rose petals ang kobre kama nya, ang kumot, kurtina. Nilanghap nya ang paligid, napapikit at napangiti pa sya sa bango.

Napaatras sya nang may malamig na sumagi sa labi nya. Nanlaki ang mata nya ng mamulatan na halos dalawang pulgada lang ang layo ng mukha ni Tranz sa kanya.

"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?"

Nakatanga lang sya kay Tranz ng ilang segundo. "You kissed me." Tila wala sa sariling sabi nya. Pulang pula ang mukha.

Ngumiti ang binatang multo, at muli mabilis nyang tinawid ang pagitan nilang dalawa.


"And I kissed you again." Pagkasabi ay sinunggaban nya ng yakap ang dalaga. "Please remain still." Puno ng pakiusap ang tinig nya. Sinunod naman sya ni Meree. "Let me feel you. Just this once." Puno ng lungkot ang boses ni Tranz. "Maniwala ka sanang mahal na mahal kita. My time is running out. At wala akong laban tungkol dun."

"T-tranz ..." Nanatili sila sa ganuong sitwasyon.

"Meree, ang lahat ay hindi ko na kontrolado ngayon." Damang dama ng dalaga ang lungkot ni Tranz, to the point na sya ang lumuha para dito.

"Shh, wag kang umiyak. Wag mo akong iiyakan. Gagawa ako ng paraan para makabalik." Bakas ang pait sa boses ng binatang multo.

"Tranz, hindi na kita masundan. Wala na kong naiintindihan"

"Isasama sana kita ngayon sa lugar kung saan ang katulad ko ay malaya. Subalit hindi pala maaari. Hindi kita maaaring isama." Muli syang hinalikan nito sa noo. At unti unting naglaho sa harap nya.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon