MR. GHOST OR MR. REAL?
By: TrenzEbor
Chapter 33
"Trenz, hindi kaya ng katawan ni Tranz ang lakas ng kapangyarihan sa lugar na ito. Huwag mo naman s'yang pabayaan ng ganito. Nakikiusap ako."
Nakaluhod na si Carolina sa harap ni Trenz. Walang patid ang pagluha ang dalaga. Ang mata naman ng huli ay sinalubong ang galit na titig ni Meree. Agad s'yang umiwas ng tingin at niyuko si Carolina.
"Hindi ako ang dapat mong sisihin sa ipinagkaganyan ni Tranz. Kundi si Yuls!" At lumipad ang tingin nya sa lalaking nasa tabi ni Meree.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Nagpunta ako dito para iligtas sila sa mga kamay mo." Galit na sabi ni Yuls. "Sinasabi ko na nga ba. Kahit kailan, hindi magbubunga ng santol ang puno ng mangga! Pagkakamali namin, ay nagtiwala kami sa'yo!"
In-extend ni Trenz ang mga kamay nya sa direksyon ni Yuls. Ang huli naman ay hindi napigilan ang pwersang humigop sa kanya. Tila namagnet ang katawan nya palapit kay Trenz na agad s'yang sinakal nang makalapit. "Hindi maganda ang naging epekto kay Tranz ng pag bypass mo sa kapangyarihan ko. Kaya ikaw ang dapat sisihin ng ipinagkaganyan nya!" Nangangalit na pahayag ni Trenz.
"Pero ikaw pa rin ang puno't dulo nito!" Sigaw ni Carolina.
Mukhang hindi iyon nagustuhan ni Trenz.
Gamit ang isang kamay, itinapat ito sa direksyon ni Carolina. Ngunit bago pa tumama dito ang pinakawalang kapangyarihan ng binata, nakatakbo na si Meree palapit sa kaibigan upang maiharang ang kanyang katawan.
"Mereee..." Palahaw ni Carolina ng tumalsik sa ibang direksyon ang kaibigang sumagip sa kanya. Agad nya itong tinakbo at dinaluhan. "Meree, Meree? Magsalita ka please." Umiiyak na turan ni Carolina.
Samantala, nanlalaki ang mga mata ni Yuls na nakatitig sa direksyon ni Meree. Bago hinarap si Trenz. "Hayop ka!"
Tinabig nya ng ubod ng lakas ang kamay nito, nagawa naman nyang makawala. Agad s'yang umatake. Siniko nya ito sa mukha at sinalubong ng flying kick. Napalugmok si Trenz na halatang hindi napaghandaan ang atake ni Yuls. Isang sulyap pa sa direksyon ni Meree ang ginawa ni Trenz. Nanlilisik ang mga mata na sumugod s'ya kay Yuls, na pasugod din sa kanya.
Nang magpang-abot ay kanya kanya silang atake at salag. Halata sa nangangalit nilang mga mukha na walang gustong magpatalo.
Ngunit halatang lamang si Trenz. Madalas ang tangkang paglayo ni Yuls upang makabwelo ngunit agad na lumilitaw sa harap nya ang kalaban. Walang balak na s'ya ay pagbigyan. Pero hindi naman s'ya basta basta susuko. Lalo pa at alam n'yang nasa mga kamay n'ya ang kaligtasan ng mga kaibigan. Lahat ng mahagilap n'yang bagay ay ibinabato n'ya kay Trenz na wala namang hirap na sinasalag o dinudurog ng huli.
Sa kabilang panig naman ay nagawa ni Lin na pagtabihin si Tranz at Meree upang maiiwas na matamaan.
"May pagkakataon ka pang mabuhay Yuls. Umalis ka na ngayon din." Saad ni Trenz na matalim ang titig.
"Aalis akong kasama sila!" Hinihingal pang sagot ni Yuls.
"Pwes, ihanda mo na ang sarili mong mamatay." Banta ni Trenz at muling sinugod si Yuls.
---
"Sige! Pahirapan mo pa yan." Hindi mapigilan ni Zafiro ang mapahiyaw sa kasiyahang dala ng napapanood. Ang paglalaban ni Yuls at Trenz. Hindi maitatanggi sa mga hiyaw nito ang pagmamalaki, lalo pa sa laban ng dalawa, agad mong mahuhulaan na si Trenz ang mananalo. Bagama't hindi pa rin sumusuko si Yuls. Dala marahil ng determinasyong matalo ang kalaban.
BINABASA MO ANG
Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]
ParanormalTo trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..