Chapter 28

821 19 0
                                    

MR. GHOST OR MR. REAL?

by: TrenzEbor

Chapter 28

"Panginoong Yezhua. Ako po sana ay may hiling. Bigyan nyo po sana ako ng pinakamagiting nyong kawal upang maging ama ng aking supling." Taimtim na dasal ni Reyna Ignacia mula sa kaharian ng Celferia.

"Panginoon --" Pukaw ni Rufus -- ang kanang kamay ni Yezuah -- kay Yezuah na nakaupo sa magara nyang trono. "Si Reyna Ignacia ay isa sa ating mabuting tagasunod. Karapat dapat po lamang sya na biyayaan."

"Sa tingin mo?" Tanong naman ni Yezuah.

"Opo." Magalang namang sagot niya.

Dadating ang pinuno ng mga angel knight -- ang magiting na si Zafiro. Yuyukod sa harap ng trono.

"Maligayang pagbabalik Zafiro. Ano ang balita sa mundo ng Chimeria?" Agad na turan ni Yezuah.

"Nakuha naman po sila sa diplomasya panginoon. Maghihintay na lamang daw po sila ng balita mula sa inyo." Nakayukong saad ni Zafiro.

"Tumayo ka na." Utos ni Yezuah dito na agad namang sinunod nya. "Magaling. Maaasahan kang talaga." Pagkuwa'y bumaling kay Rufus na nasa kanang bahagi nya. "Sa tingin mo. Babagay ba sya kay Ignacia?"

"Sa aking palagay po. Ay oo." Agad na sagot ni Rufus.

"Ano po ang ibig nyong sabihin?" Sabad ni Zafiro.

"May isang reyna na humihiling ng isang magiting na mairerekomenda ko upang maging ama ng kanyang supling." Si Yezuah. "Pumapayag ka ba?" Dagdag pa nito.

"Subalit panginoon hindi pa ako handa sa ganun kaseryosong responsibilidad. At isa pa, abala ako sa pakikipagdiplomasya sa iba't ibang lupain." Pagdadahilan ni Zafiro. Halata ang pagkadisgusto sa nais mangyari ni Yezuah.

"Huwag kang mag-alala Zafiro, hindi mo naman kailangang manatili sa piling ng reyna sapagkat hindi pinahihintulutan ang mga lalaki sa kanilang kaharian. Ang punla mo lamang ang kanyang kailangan." Paliwanag ni Yezuah.

Sandali pang nag-isip si Zafiro. "Mukha namang nakapagdesisyon na kayo panginoon. Sino ako para tumanggi."

------

"Magandang umaga Santina." Bungad ni Rufus sa isang napakagandang Salamangkera na ang hilig ay pamamasyal sa kung san sang lupain. Nagkataong nagkita sila sa Drimalaya.

"Magandang umaga din Rufus." Mabining sagot ni Santina.

"Masaya ako at nagkita tayo. Ilang araw ko na ding hindi natatanaw ang iyong kagandahan."

Bahagya pang yumuko ang tila nahihiyang si Santina. "Ikaw talaga Rufus. Maiba ako, hindi ko yata napapansin si Zafiro. Madalas ay paikot ikot iyon hindi ba?"

Pumormal bigla si Rufus ng mabanggit ang pangalan ni Zafiro. "Bakit ka maghahanap ng wala? Ako ang nandito. At isa pa, kalimutan mo na si Zafiro. Abala iyon sa kanyang kabiyak."

Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng salamangkera. "Ano kamo?"

"Kahit kanino mo ipagtanong, totoo ang sinasabi ko. Nag-asawa na si Zafiro."

-----

"Kamuzta Santina?" Nakangiting bungad ni Zafiro sa binibini. Ilang linggo pagkaraan ng pag-uusap ng huli at ni Rufus.

Walang nakuhang sagot si Zafiro. "Mukhang hindi maganda ang simula ng iyong araw. Magkita na lamang tayo sa susunod." Akmang lalayo na si Zafiro ng tawagin sya ni Santina.

"Bakit?" Nakangiti pang baling ni Zafiro.

"Hindi na tayo maaaring magkita pang muli. Ikakasal na ako kay Rufus." Nakayukong sabi ni Santina.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon