Grabidad 9: Gonna Hit Me

103 3 0
                                    

Grabidad 9: Gonna Hit Me

"Damn it!" Napatingin ako kay Marcus. Pinipigilan niya yung inis niya. Halata naman sa kilos niya. Pati na rin sa mga pagkuyom-kuyom niya ng mga kamay niya. Hindi ko naman maiwasang hindi mainis dahil din sa ginawa nung Dustin na 'yon. Bumabalik na naman pagkairita ko sa kanya.

Bakit pilit na lang niyang ginugulo yung pagi-isip ko? Ni hindi niya yata alam na may nagugulo siyang tao. At isa pa. Mukhang sinadya niya pa 'yon dahil nginisihan niya pa si Marcus kanina. Paano niya kaya nagagawa 'yon? To think na si Marcus ang leader ng banda.

Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito, ng ganong tao. Ang hirap ispelengin.

"Chill bro. Wala tayong magagawa sa ugali ni Dustin na 'yon. Isa pa hindi pa naman natin lubos na kilala yung tao. Baka mamaya pakitang gilas lang 'yon." Sabi naman ni Chester na ngumunguya na ng chichiria kasama si Zeus.

"May gusto ba sa'yo 'yon, Madame Princess?" Tanong pa ni Zeus sa'kin. Bakit ba ganun yung tawag nila? Pinagdidiskitahan yata talaga ako netong mga 'to eh. Kainis!

"Hindi ko alam. At wala akong balak alamin dahil wala naman akong pakialam sa kanya." Pumulupot yung braso ni Marcus sa baywang ko. Napaigtad tuloy ako at saka tumingin sa kanya. Pinipigilan niya yung selos niya. Ginagawa niya 'yon dahil iyon yung sinabi niya kanina. Kaya lang hanggang ngayon seryoso pa rin yung mukha niya at diretso lang ang tingin.

"Tara na umuwi na tayo." Yaya niya pa sa'kin. Tumango naman sa'kin sila Zeus nang tignan ko sila saka na ko tumayo. Sabay-sabay na rin kaming lumabas at pagkatapos ni-lock na rin ni Zeus yung practice room.

Nakaakbay pa rin sa'kin si Marcus nang madaanan namin si Dustin. Sinadya yatang mag-abang dito para makasabay lang kami.

"Akala ko ba uuwi ka na Dustin pare?" Tanong ni Chester sa kanya saka kami huminto. Umakbay sa'kin si Marcus, mas idinikit pa ako sa katawan niya.

"Naisip ko nang sumabay. Wala naman akong gaanong gagawin pa sa bahay. Kapag umuwi ako ng maaga." Woah! Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng mahaba ah. Nakakasorpresa akala ko tahimik lang siya at hindi marunong magsalita.

Napangiti naman ako sa isipin ko. Pero sana hindi 'yon nakita ni Marcus kaya lang huli na ko eh. Nakita na niya.

"Bakit ka nakangiti?" Kinagat-kagat ko pa yung mga laman na nasa loob ng bibig ko. Hindi na ko mapakali. Ayokong mag-away kami ulit. Baka kapag nag-away kami ulit, mainis ako at makipaghiwalay na ko ng tuluyan sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya pa ulit. Umiling lang ako saka ako yumakap sa kanya.

"Natutuwa lang ako dahil masyado kang malambing sa'kin ngayong araw." Bulong ko pa sa kanya. Humigpit naman yung yakap niya sa'kin.

"You're my girlfriend, Jam. You're only mine. No one can steal you away from me. No one." Sinadya niya pa yatang lakasan 'yon para lang maiparinig doon sa tatlo. Malamang niyan gusto niya lang iparinig 'yon kay Dustin.

"Hindi ko siya nanakawin. Kukuhanin ko siya sa'yo ng harap-harapan." Napabitiw ako sa yakap niya. Ang lakas talaga ng loob niya. Wala siyang pakundangan sa pagsasalita.

"You're pushing me to my limit." What the- eto na naman tayo.

"Am I?" Ngumisi na naman siya saka ako naman ang tinignan niya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Magkahalong kaba at pagkainis.

Isa pang beses kinabit niya ulit yung headphone niya.

"Mukhang hindi niyo ko masasabay." Yun lang at nauna na siyang umalis. Naiwanan kaming nakanganga sa pag-alis niya. Gusto ko siyang habulin at bungangaan pero hindi ko nagawa dahil pinigilan ako ni Marcus nang maramdaman niyang susugod ako.

"Why didn't you do anything?!" Anas ko sa kanya.

"I don't want to put any record, Jam. For now. Pero kung sobra na at nakita kong makukuha ka na talaga niya sa'kin sigurado akong mapapatalsik ako ng school na 'to hindi pa man sumasapit yung graduation."

Nagtagis ang bagang ko at muling bumuhos lahat ng anxiety ko sa akin saka na ko nauna nang maglakad palayo sa kanila.

Napaka-wala niyang kwenta. Ni hindi niya mapagtanggol yung karapatan niya. Boyfriend ko siya. Boyfriend at hindi basta-bastang kakilala niya. Tinatapak-tapakan na siya nung tao ni hindi niya pa mapatulan. Bullshit!

Ayoko sanang makipag-away pa siya pero siya na yung na-aagrabyado.

"Madame Princess. Anong problema?" Tanong sa'kin ni Chester nang sabayan niya kong maglakad. Siguro napansin din nila 'yon pero siya na lang yung sumunod sa'kin. Nilingon ko pa si Marcus na iiling-iling at kakamot kamot sa batok niya.

"Naiinis ako. Wag kang magtanong baka kainisan na rin kita." Sabay mas binilisan ko pa yung lakad ko. Medyo malayo na ko sa kanila nang huminto ako. Sino ba namang hindi hihinto eh hinarang ako ng isang 'to. Hindi ko ba maintindihan kung bakit inis ako at minsan ayos lang ako sa tao na 'to. Kakairita na eh!

"Ano na naman bang kailangan mo? Lalandiin mo na naman ba ko? Pwede ba? Wag mong gawin sa'kin yung mga ginagawa mo sa ibang babae mo dahil hindi ka uubra." Sabi ko habang nakasimangot ako sa harap niya. Nakapamaywang pa ko para ipakitang handa kong sagutin lahat ng ibabato niyang salita sa'kin.

"You were there." Kunot noo akong napatitig sa mata niya.

"Ano?" Siniguro ko namang malayo pa sila Marcus sa'kin dahil baka kapag naabutan nila kaming nandito talagang mapaaway na siya. Pero hindi rin. Ayokong mag-assume. Hindi niya magagawa 'yon. Ayaw niyang magka-record eh. He's not the type of guy na magagawa 'yon para sa'kin.

"That time when I dumped that girl." What the-ANO? Paano niya nalaman?

"D-dumped what? Delulu. I'm not there. Kung nandon ako eh di sana nagpakita ako sa'yo. Pinagtanggol ko na yung babae at hanggang ngayon bali yang mga buto m-" natigil ako dahil sa paghalakhak niya ng malakas. Yung totoo. Anong meron sa paghalakhak niya at na-move yung nasa loob ng dibdib ko. Ngayon lang ako nakasalamuha ng ganitong tao. Sobrang weird.

At teka. Paano niya ba nalamang nandon ako eh hindi naman ako nagpakita non.

Pagkatapos ng tawa na 'yon. Tumahimik na rin siya iiling-iling at nagkabit ulit ng headphone sa tenga niya. Nag-scan ulit ng kanta sa gadget bago niya ko tinignan ng diretso sa mata.

"Liar."

Akala ko naman aalis na siya pero nabigla ako ng hilahin niya ko paalis sa lugar na 'yon. Ilang beses akong tinawag nung tatlo kahit yung galit na galit na si Marcus pero hindi niya ko binitawan. Nagpupumilit ako pero parang wala lang sa kanya.

"Ano ba Dustin!" Ngisi. Ngisi na naman yung ibinigay niya sa'kin saka siya huminto.

"He's gonna hit me." Pagtalikod niya sa'kin isang malakas na suntok na agad yung sumalubong sa kanya napatakip pa yung kamay ko sa bibig ko saka ko dinaluhan agad si Marcus.

"Jusko! Marcus!" Pilit ko siyang kinakalma. Kita pa rin sa marahas na paghinga niya yung galit kay Dustin. Dinaluhan naman nila Zeus at Chester si Dustin na nagpapahid ng dugo sa gilid ng bibig.

"Nananadya ka ba?! Gago ka ah!" Panggagalaiti ni Marcus na sabi sa kanya.

"Marcus tama na." Pigil ko sa kanya. Si Dustin naman dahan-dahang tumayo. Inalalayan siya nila Chester pero hinawi niya yon.

"Your girlfriend wants that thing for you. She wanted you to punch a jerk like me kapag natatapakan na iyang pagkatao mo." Laglag ang panga kong napatigil sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Marcus.

At wala akong alam.

Paano niya nalaman? Hindi. Ang ibig kong sabihin. Ganon ba ko ka-obvious?!

"Now I did it for you again. Be happy." Yun lang at tuluyan na talaga siyang umalis.

"What did he just say, Jam? Gusto mong mangyari yung ginawa ko?" Kunot noong tanong niya. Napanguso naman ako saka ko siya inirapan at kumalas sa pagkakahawak sa kanya.

"Buti pa siya alam kung anong gusto kong mangyari."

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon